seb
ayon sa natutunan kong paraan ng pagbibilang nung nursery ako, kung di ako nagkakamali hindi lalampas ng 20 bloggers na ang nakakakita sa akin sa personal. karamihan sa mga blogista ay natulala at nabighani ng masilayan ako, kumisay-kisay tapos hindi na gumalaw galaw kaya ayun, nastroke. impernes, yung iba nakarekober na. yung iba naman hayun, kritikal ang kondisyon. gusto ba naman i-mouth to mouth rescucitation ko? yakkers. mas maganda kasi kung gums to gums rescucitation, kaya lang parang masyadong hardkor na yun. mahalay nga lang. maganda kasi ako kaya hindi natin sila masisisi kung bigla na lang silang rumeak na parang aatakihin sa puso na tipong pwede na silang makipagkamustahan kay san pedro.
naalala ko, sinabi ko noon na hindi ako makikipagkita kahit kanino at kapag may nakakita ng litrato ko ng wala akong pahintulot, goodbye blogging na ako.
ganun pa rin naman ang pananaw ko pero hindi ako nagsasalita ng tapos.
nitong mga nakaraang linggo napagpasyahan ko na makipagkita sa ilang mga bloggers kaya lang, pinipili ko kung sino yung mayaman–yung handang manlibre ng lahat ng ituro ko lalo na kung pagkain. patay gutom kasi ako. masama akong nagugutom. hindi niyo gugustuhin na magutom ako. basta pasakan niyo lang ng pagkain ang bibig ko, magiging masaya na ako. magiging masaya tayong lahat. kaya lang hinay hinay sa pagbigay ng pagkain sa akin kasi mabilis akong mabulunan tapos baka hindi na ako makahinga at mamatay ako. hindi naman yata magandang balita para sa blogosperyo na malaman nila na namatay ako dahil sa pagkapatay gutom ko. napakawalang kwenta niyo kung aayain niyo ako lumabas tapos ako pa ang magbabayad. ang titigas naman pala ng mukha niyo, hindi na ako ginalang bilang diyosa ng blogosperyo.
noong una, natatakot talaga ako makipagkita sa mga tao na di ko kilala. hindi kasi ako palakaibigan at matatakutin ako sa tao. hindi ko kinakausap ang mga taong hindi ko kilala. malay ko ba kung kunin nila yung atay ko para gawing liver spread o di kaya naman ibenta nila yung lungs ko ng buy 1 take 3 sa mga poreners? kumita pa sila ng wala akong porsyento. mga buwakaw. sabi ko sa sarili ko: malaki na ako, five feet four inches na nga ako kaya alam ko na dapat ang gagawin. teka. pakiningshitness, kinakausap ko na ang sarili ko. tsk. basta napagpasyahan ko na kunin ang ganitong bihirang klase ng pagkakataon na maipakilala kung sino nga ba ako na hindi maaring tumbasan ng mga letra salita at bantas. hindi naman ako nagkaroon ng problema sa kung paano ko pakikisamahan itong mga bloggers na ito dahil nga pinagkakatiwalaan ko na sila–close kami. sa sobrang close namin, open kami sa isat isa. naniniwala ako na anonymous pa rin ang katauhan ko. alam ko na itong mga blogista na ito ay pangangalagaan ang binuo kong imahe sa blogosperyo. hindi naman ako nagkamali.
hindi ako mukhang blogger dahil mukha akong magandang blogger sa personal. katulad ng lagi kong sinasabi, ako at ang blog ko ay iisa. kung ano ako sa blog ko yun din ako kapag wala ako sa desktop ko. pero kahit ganoon, hindi niyo mahahalata na blogger ako dahil para lang akong paslit na nagtitinda ng sampaguita sa kalsada. dati basahan ang inilalako ko pero nalaman ko na mas malakas pala ang kita sa sampaguita kaya iyon na lang ang ibinebenta ko ngayon. yung iba naman sinasabi na kamukha ko raw si cassandra ponti. ang nakapagtataka, sa pinoy big brother si cassandra ponti pero bakit sinasabi nila na nai-star struck sila sa akin? nakompyus lang ako ng konti–slight lang, hindi ko naman kasi kamukha si rainier castillo. acheche.
may kumakalat na balita na maganda ako. kung ako sa inyo, huwag kayong maniniwala. press release lang ng mga mokong na blogista yan. hindi talaga ako maganda kasi–magandang maganda ako. maganda times two o di kaya naman maganda raised to the second power. minsan pa nga third pero dahil sa humble ako, dun na lang tayo sa second power. ganun ang level ng beauty ko. mas maganda ay tanungin niyo na lang yung mga bloggers na nakakita sa akin tungkol sa kung paano nga ba ako sa personal.
update: ayaw ko na pala na tinatawag ako na maganda. dapat: GUMAGANDA.
medyo nagulat din ako sa kung paano at ano nga ba ang ibang bloggers sa totoong buhay. may malaki at ekslusibong rebelasyon ang nagaganap sa tuwing may makikita akong blogger. nakakatuwa lang pero mas madalas talaga nakakadismaya. kala ko nga yung iba daliri lang o mas malala–artificial intelligence. may binuo akong mukha ng mga bloggers sa isipan ko tapos paniniwalaan ko na sila ang blogger na iyon kaya lang masisira ang ideya dahil sa pagguho ng mundo ko sa oras na dumating ang isang simpleng pagkikita. wala tuloy akong no choice. napagpasyahan ko na lang na matutunang tanggapin ang online at real persona nila. ganun ko sila kamahal.
sige ganito, sa susunod na linggo nasa mall ako. wala lang. sinabi ko lang. masama ba? teka. hanapin niyo ako tapos kalabitin niyo na lang ako kapag nakita niyo ako.








May 25th, 2008 at 10:10 am
ako na lng ata hindi nakakakita sayo e.
daya o! hmmmp! hehehe
sa trinoma ba yan? next week? ge, huntingin kita. baka pag nakita nila tayo dun akalain may shooting ha. heheheh
ingats xienah=]
[Reply]
May 25th, 2008 at 10:17 am
Gelps, kaya pala ayaw mong pumayag pag sinasabi ko sayong may nagkwento sa akin na maganda ka. dapat pala maganda times two.
may nabuo ka na rin bang image ko sa isipan mo? bibigyan kita ng clue, kamukha ko si chokoleit.
[Reply]
May 25th, 2008 at 4:58 pm
pag balik buhay-qc na naman ako, i’m ever just a text away. haha.
[Reply]
May 25th, 2008 at 9:29 pm
mabilis ka pa lang mabulunan…
[Reply]
May 25th, 2008 at 10:07 pm
“basta pasakan niyo lang ng pagkain ang bibig ko, magiging masaya na ako.”
EWAN ko ba pero nadighay ako sa linyang to. LOL
[Reply]
May 25th, 2008 at 11:32 pm
nice meetin’ u paganda ng pagandang xienah Girl XD
ahaha…
[Reply]
May 26th, 2008 at 12:25 am
ahaha, ayown naman, dito ako nagreply sa comment mo sa site ko, joke lan un, syempre dahil gullible (in short uto uto) napaniwala nila ako na may ganun ngang isyu. ahehehe! teka? SIR??? haha, kasing edad lang ako ni rens sesed eh, aha, ASA naman…. pero mabuti na yun kesa naman MA’AM! TOINK! ahehe, nice meeting you again, next time ulet, saka wag mo akong nisiSIR, nagmumukha akong gurang, nakakakilabot! ahahaha! mukha pa naman akong high school! *BOOOO* XD
[Reply]
May 26th, 2008 at 12:38 am
yay, nagchat daw tayo! haha! heynwey, ikaw lang ang kaisa isang nilalang sa blogospero na tatawag sa aking sir, at dahil dyan ay outcasted ka, haha, at dahil mukha akong totoy ay walang maniniwala sa iyo XP
[Reply]
May 26th, 2008 at 2:07 am
ms. xienah girl ako’y nagagalak dahil nakita na kita sa personal. at masasabi ko na maganda, magandang maganda at gumaganda ka pa lalo. weee.. :)
tae, namimiss na kita
[Reply]
May 26th, 2008 at 9:42 am
Nakakaloko 1 buy take 3 sa lungs ayos hehe!
[Reply]
May 26th, 2008 at 11:05 am
naniniwala naman ako sa mga tinuran mo kahit hindi pa kita nakikita ng personal. ayaw na pala kitang makita dahil baka sakaling pano kung basta. mahiyain pala ako sa magaganda.
[Reply]
May 26th, 2008 at 12:07 pm
Gusto ko sanang magkumento tungkol sa kagandahan mo kaso lang wala na pala akong masasabi. Kaya naman sasabihin ko na lang na wag ka na lang kumain ng hotdog na hilaw dahil hindi naman yun nakakadagdag ng kagandahan.
Hindi din naman ako nadismaya nung nakita kita dahil may laman naman pala yung pag-aangas mo tungkol sa itsura mo. Ubod ng malaman.
Kaya sa susunod na mall tour, malamang dumami ang mga panatikong blogger na gustong makakita sayo. Dudumugin ang trinoma, este ang isang mall sa north.
[Reply]
May 26th, 2008 at 1:04 pm
madaya ka xienah, madaya ka. ;)
[Reply]
May 26th, 2008 at 1:33 pm
rawr! halu xg! :)
gusto rin kita makita. heheh! lalo na ngayon, maganda to the second power ka pala. hahaha! nakaka-curious.
nguyain mo pagkain mo. mahirap ijebs ang buo-buo. hahaha! kadire. sige, have a sexy week!
[Reply]
May 26th, 2008 at 3:19 pm
alam kong hindi tayo close, pero gusto kitang makita. haha. nakakaintriga ka kasi eh. :] pupunta ako pag nagkaroon ka ng mall tour malapit sa amin. hahaha. :D
[Reply]
May 26th, 2008 at 4:48 pm
kelan kaya ako magkakaroon ng pagkakataon na masilayan ang iyong kagandahan na gumaganda??? :D
[Reply]
May 27th, 2008 at 5:38 am
haha. may nakita ka na bang hindi anonymous na blogger pero kailangang maging anonymous?
madalang magpost ah. mukang enjoy sa mall sa north. anlapit naman kasi non dito sa maynila. sana makita kita mare pag may pagkakataon.
[Reply]
May 27th, 2008 at 11:18 am
at saang mall naman yan xG?? marami kayang mall dito sa buong pilipinas. hahaha.
ayos ha?
P.S.
tampo ako at masama ang loob..
wala na ko sa blogroll mo :(
[Reply]
May 27th, 2008 at 12:33 pm
pwede bang mapasama sa listahan ng bloggers na nakakita sayo in person? hehe. on second thought, wag na lang. baka mangisay din ako pag nakita kita. haha.
[Reply]
May 27th, 2008 at 2:07 pm
hahaha! ang daming gustong makakita sa iyo xienah. hahaha!
sos. sa susunod niyan kailangan may alalay ka na. hahaha. pwedeng ako na lang? ahahaha! tagapaypay at tagapulot ng mga nalalaglag mo. hahahaha.
[Reply]
May 27th, 2008 at 7:33 pm
haha, dami ngang gusto makakita ke xG in person, napakasuwerte ko naman at iss ako sa mga mapalad na nakasilay sa magandang xG
[Reply]
May 27th, 2008 at 9:44 pm
GUMAGANDANG xG.. sa larawan lang kita nakita. at hindi pa sa personal. pero sa tingin ko, pinagpala na ako. dahil kahit sa larawan man lang nasilayan ko ang iyong Gumagandang Kagandahan.
ayan.nung nakita ko nga pix mo.naaliw ako sa cheekbones mo.napaka-prominent kasi.
[Reply]
May 28th, 2008 at 5:21 am
kaya nga ako indi na din nagpapakita kahit ang naiwang putol na mga kuko ko sa ayala mall nililigpit ko talaga…ahaha..ganyan talaga soulmate ang angas ng dyosa,,,nakakapang hina ng kalamnan at ng katigasan sa katawan…
payt soulmate!!! bagyohin mo ang trinoma!ako din sa ayala!!!
[Reply]
May 28th, 2008 at 5:47 pm
kelangan kong makita kayo bago ako umalis papuntang canada. kailangan, para malibre kita. hahaha. tas yung iba ililibre ako. yun lang. :]
[Reply]
May 29th, 2008 at 9:04 am
natatawa ako.ahahahah!!!
[Reply]
May 29th, 2008 at 10:16 am
katams. daya. hehehe
ayan inaya ka na ni noime.
sa gateway cubao june 18 ayan nagiimbita na ako.hehehe.
para sa pagdating ni karmi. andun din si kmoski. pakita ka po ah hehehehehe
gusto din namin masilayan ang gumagandang xienah hahaha
[Reply]
May 29th, 2008 at 11:55 am
hahhhaa, cass ka pla. ang hot nman! wowow!
napakacelebrity naman natin nun.
pero nandun ako nung tuesday, di kita nakita=[
[Reply]
May 29th, 2008 at 3:57 pm
wow, ganun ba? eh di masaya. close na tayo. wee. =D>
hindi ako sa batanes nakatira. batang pasay lang ako. hahaha. pwede na dun sa simbahan ng baclaran, sa ilalim ng mga punong malaki. ililibre kita ng palamig, tas ng pirated DVD. :))
[Reply]
May 29th, 2008 at 4:46 pm
totoong ikaw ang paborito kong blogger. idol. kung di ka maniniwala, it’s fine but it’s not ok. btw, aym ok and payn naw! kilala ko na sarili ko. lmao
[Reply]
May 29th, 2008 at 5:58 pm
kumusta ka naman ngayon?
para maiba naman! Hahaha!
[Reply]
May 30th, 2008 at 11:47 am
gumaganda pa rin ba??
wehehe.wala lang.gusto ko lang magkomento uli.
[Reply]
May 30th, 2008 at 12:26 pm
magulo talaga ako, idol kasi kita, magulo ka din eh..haha..
[Reply]
June 1st, 2008 at 8:17 pm
SWERTE ANG MGA NAKAKITA SAYO!!! BWAHAHHAHAHAHAHA 20 lang yan ngayun… baka bukas 40 na yan! AMF
[Reply]
June 6th, 2008 at 12:56 am
alam nyo po, hmmm, intrigang intriga pa din ako sa inyo, ahaha. . . sa katunayan, napaguusapan ka namin ng mga kaibigan kong blagista din. . .
sino kaya talaga sya?
anu ba, babae ba sya? (wahaha, pero totoo po, simpri, nasa sikolohiya ng tao na madala at makondisyon, dahil sa kantang chiksilog ng kamikazee kya napatanong kami)
pero ito lan po, bilib talaga kami sa pagsulat nyo…
flyfly!
nakakarinig ako ng tiktilaok ng manok, umaga na.
[Reply]