salvacion

malalaman mo lang ang kahalagahan at kahulugan ng pagiging ina sa oras na maging nanay ka na.

paulit ulit kong sinasabi sa inyo na gusto ko magkaroon ng anak pero ayaw ko magkaroon ng asawa. kung paano ko magagawa ang katarantaduhan na iyon, hayaan ninyo na ako na lang ang makaalam.

hindi ko na matandaan kung kailan ako nagsimulang mangarap na magkaroon ng sarili kong anak pero marahil nagsimula ito noong naglalaro ako ng luto-lutuan nung bata ako. ako ang nanay at ang mga stuff toys ko ang boluntaryong naging aking mga anak. normal lamang ito para sa isang batang babae, ang mangarap na isang araw ay maging ganap siyang ina kaya lang walang naging tatay ang mga anak kong stuff toys. ang papangit kasi ng mga batang lalake sa lugar namin bukod pa riyan, mapanghusga ang ilan sa mga kalaro ko. kadalasan akong tinutukso noon tungkol sa aking timbang kaya simula noon, dumating ako sa punto na magkaroon ng sariling mundo. ako lang ang naglalaro. gusto ko, ako lang ang gagamit ng mga laruan ko. hindi ako otistik, selfish lang talaga. dugyot kasi yung mga bata sa amin, naiiwan ang marka ng mga kamay nila sa mga plastic pots and pans ko. kadire. ang hirap kaya maglinis ng laruan. pwede na nga magtanim ng kamote sa mga nakasiksik na lupa sa kuko nila. yakers. dapat inipon ko lahat ng lupa na yun para may mapagtaniman ng palay o di kaya ay mapagpatayuan ng bahay ang mga mahihirap. ano na lang ang sasabihin ng mga anak anakan kong stuff toys? lupa at alikabok ang ipapakain ko sa kanila?

3 ang gusto kong maging anak, kambal na lalake at isang babae. mayroon na nga akong pangalan para sa mga magiging anak ko. ekstaytment. hindi ko ilalabas dito sa blog ko ang mga magiging pangalan ng mga anak ko dahil baka gayahin niyo. kayo pa? mga inggiterong kapitbahay kayo. alam ko wala sa lahi namin ang mga kambal pero gusto ko talaga magkaroon ng panganay na anak na lalake. isang irihan na lang para hindi mahirap. onetime bigtime. ang kukulit kasi ng mga batang lalake. ang lilikot. parang kiti-kiti na may 4 na puyo at laging nangangati ang pwet kaya hindi mapakali sa isang upuan. kahit naiinis ka na sa kapasawayan nila, matutunaw naman ang puso mo kapag naglambing sila. siyempre gwapo at matalino ang magiging anak ko. mana sa tatay nila–na malamang pinikot ko lang. dapat kontrapelo yung kambal ko. magkaiba sila ng hilig: sports at music. superhero costumes ang suot nila kapag aalis kami–si ironman at si juggernaut o di kaya naman pareho yung estilo ng damit nila, magkaiba lang ng kulay: black and white. emo kasi ako.

yung babaeng anak ko, siyempre kamukha ko at dapat magmana sa akin. nakakaaliw ang mga batang babae. sa kanya ko ibubuhos lahat ng kakikayan ko na hindi ko nagawa sa sarili ko. tuwing aalis kami, naka ballgown siya at may suot na korona. hindi ko siya pagsusuotin ng pink. sabi ko kikay ang anak kong babae, hindi malandi. ako rin ang magbibigay sa kanya ng payo pagdating sa mga lalake. magaling ako dun–sa pagpapayo, hindi sa mga lalake. sisiguraduhin ko na ako ang magiging bestfriend niya.

naplano ko na kung saan sila magaaral, kung ano ang magiging kurso nila, kung ano ang magiging klase ng buhay na meron ang magiging mga anak ko–likas ang pagiging ina para sa lahat ng babae pero kailan iyon magsisimula? hindi sapat ang dalhin ang sanggol ng 9na buwan sa kanyang sinapupunan. ang pagiging nanay ay hindi tungkol sa pagluluwal ng iyong anak sa mundo. hindi iyon agad agad na nagsisimula sa isang hinangahan lamang. naguumpisa ang pagiging ina sa sandaling matanggap ng babae ang kaligayahang dulot ng katotohanan na magkakaroon na siya ng anak at matutunan niyang tanggapin iyon habangbuhay.

masaya kong palalakihin ang mga magiging anak ko sa paraan na ginawa sa akin ng mismong nanay ko. hindi ang nanay ko ang pinakamagaling na nanay sa mundo–mas magaling pa siya sa lahat ng magaling na nanay sa buong mundo.

sa lahat ng nangangarap maging nanay, sa mga nanay, sa mga magiging nanay, kay mom, mommy, mama, mamita, inay, nanay, ermats–happy mother’s day.




34 Responses
  1. Paano ba maging isang ina? Sapat na ba ang isilang ko siya?

    Tagline sa MMK episode ni Bea nung Friday.

    Nung bata ako, naglalaro din ako ng lutu-lutuan. Ang “tatay” eh yung pinsan kong babae din pero wala kaming “anak”. Sadyang bata palang ako eh lesbo na yata talaga ako.

    Gusto ko rin ng kambal. Ininterview ko na nga si Bry kung may kambal sila sa pamilya nila. Hehe. May pinsan akong kambal. Sa magkabilang side ng pamilya. Sa kamalas-malasan. Yung lahi ng kambal ay hindi naman sa lahi namin so useless din. Yung pinsan kong kambal, sadly eh namatay ang isa. :( Baby ko pa naman yun.

    hindi ko pa napapanood yun, kaya sinagot ko na lang. hahaha. mineli, sad to say pero may lesbo tendencies ka nga. hahaha. gusto ko ng kambal. gusto ko ng kambal na boys. nasabi ko na ba na gusto ko ng kambal? hahaha. mineli malay natin diba? biyayaan tayo ni father god. dapat ngayon pa lang magala mother theresa na tayo. haha

    [Reply]



  2. happy belated mudras day sa mom xG

    sa mommy mo rin famous power.

    [Reply]



  3. happy mothers day xienah! tanggapin mo na lang ang bati ko ngyon pa lang..hehe!

    gusto mo palang maging single mom? kambal na lalaki? nasabi ko na ba sayong hindi ako baog? at may history ang pamilya namin ng pagkakaroon ng mga anak na kambal? at alam mo rin bang loyal pala ako sa misis ko kaya hindi tayo nararapat sa isa’t isa? ahahaha! gutom lang to..sige mag lunch na ko.

    hindi ko naman gusto maging single mom pero ok lang sa akin. uu kambal na lalake. haha. hindi ka baog? hindi mo nasabi sa akin yan. at hindi ko rin alam na may kambal sa lahi niyo. haha. ayun. ang landi kasi ni gasti. hahaha. malalagot pa ako kay mrs gasti nito. patay. haha. ang landi mo rin ah. hahaha

    [Reply]



  4. naku may lahi kaming kambal. both sides. paanak ka nalang sa isa sa mga pinsan ko. taken na kasi ang dalawa kong kuya na kambal din. lol.

    pahabol na maligayang araw ng mga ina sa iyong mameh. :D

    sige nga ipakilala mo nga ako sa pinsan mo.

    [Reply]



  5. naku huwag ka munang magma-mommy kung hindi ka pa handa.. ako naging mommy nung 25 ako, at ang masasabi ko lang, hinding hinding hindi ako magiging handa kahit kelan na maging mommy. hahaha.. pero oks lang naman ang mga anak ko, tanggap naman nila na sadyang abnoy ang kanilang ina.
    :)

    belated happy mothers day sa inyo ng mommy mo.

    hindi pa naman ako magaanak. wag ka magalala. haha. wala pa akong nakikitang pwedeng pikutin. haha. wala naman yatang ibang choice ang anak mo. haha. pero sa palagay ko masaya sila na ikaw ang nanay nila. kumbaga cutomized ka para sa kanila. belated happy mothers day sa iyo

    [Reply]



  6. happy maders day sa lahat ng ina!

    wala pa sa pangarap ko maging mami. masaya na ako na nilalaro ang mga pamangkin ko pero wala naman ako balak na maging matandang dalaga. sayang naman ang lahi ko pag hindi ko iyon nashare sa iba diba? hehehe :)

    ako gusto ko maging nanay pero mukhang may malaking tsansa na maging matandang dalaga ako. haha.

    [Reply]



  7. ahehehe…pareho tayu soulmate…gusto ko ng anak, wag lang mama…magastos na ang bata tapos gagastusan ko pa ang mami.unfair kaya yun sa mga dady..aahahhaa…

    happy maders day mama xiena!wahahaha

    asus soulmate. haha. ilang panganay na nga ang meron ka? haha. kayo talagang mga lalake. kaya ayaw ko ng asawa e. haha. dahil walang may gusto na gastusan ako. haha. gusto mo anakan mo na lang ako. hahaha. pero dapat masiguro ko muna na maganda kalidad mo soulmate. hindi ka lugi sa akin. hahaha

    [Reply]



  8. cute! heheh! ako dati kapag nagluluto-lutuan, kami lang ng yaya ko at ng mga toys, wala din kc akong friends. tas kung sino man ang pinagpala na mag-alaga sakin ng panahon na un eh papakainin ko ng kung ano man. minsan cookies, minsan junk foods, minsan flower sa garden. hehe! good times.

    pero di ako nagi-imagine na nanay ako ng mga toys ko, bata pa lang ako gusto ko na maging chef, kaya sila at ang yaya ko kunwari ang testers. rawr.

    ang sweet naman at motherly ka, cool ka siguro maging mami. ang kulet maka-kita ng bata na naka-batman costume sa playground, o kaya naka-ballgown sa swing. hahhaa! sana matupad ang pangarap mo balang araw. at sana makita ko mga anak mong naka superhero costume. galeng.

    wow. bongga si yaya. haha. maganda yung gumamela papakain mo sa yaya mo para bumula yung labi. haha. chef pala ang gusto mo. tignan mo naman, malaki ang epekto nun dahil sa kagustuhan mo rin maging chef ngayon. pwede ba ako maging food tester mo? haha. kapag may nakita kangbata na nakasuperhero costume malamang anak ko na yun. haha

    [Reply]



  9. happy belated mother’s day sa mami mo. :)

    salamat miss tisay.

    [Reply]



  10. Buti pa mga nanay nyo at mga nanay dito matitino kahit panu. XD

    bakit nasan ba ang nanay mo? haha.

    [Reply]



  11. mother teresa?

    naging ragdoll din ba si mother teresa dati?

    hehe. ni wala ako sa kalingkingan ng buhok ni mother teresa.

    mother teresa ibig sabihin magpakabait tayo para biyayaan tayo ng kambal kako.

    [Reply]



  12. huwaw naman etong si jimboy, kasali ba ako dun sa mga matitinong nanay na sinasabi mo? tenkyu ha. pers taym saken yun.

    maganda pala dito sa blog mo xienah girl, fulfilling sa feeling. ( oh napa-rhyme pa ako sa saya.)

    :>

    uu naman. matinong nanay ka at alam ko na proud sa iyo ang mga anak mo. maganda talaga dito sa blog ko. tambay ka lang lagi. ok? hahaha

    [Reply]



  13. future happy mother’s day sau xG..wehehe.

    natawa ako dun ah “inggeterang kapitbahay”..ahaha..

    ako gaya gaya rin.. gusto ko rin anak, ayaw ko asawa. pero gusto ko isang gurlet lang.ahaha…

    san ba nakakabili ng mataas na kalidad na sperm?

    ayaw ko ilabas yung magiging pangalan ng anak ko kasi baka gayahin niyo. haha. teka. mataas na kalidad ng sperm cell? hindi ko rin alam kung saan ako makakakuha nun. problema ko rin yan. hahaha

    [Reply]



  14. sa ganda mong yan… hindi ka magiging matandang dalaga pramis. :) hehehehe.

    nararamdaman ko na na magiging matandang dalaga ako. ahaha

    [Reply]



  15. Happy mother’s day sa yo dapat alagaan mong mabuti ang mga anak mo.

    lol

    oo naman. basta wala akong kasamang asungot na asawa maaalagaan ko ng maigi anak ko. hahaha

    [Reply]



  16. nanay ko ay imoral! wahahaha wala nang maraming paliwanag =D

    @utakmunggo: kahanga-hanga kayong mga ina =D

    kahit imoral yan alam ko nalabs mo pa rin. ikeee.

    [Reply]



  17. naku.. yan ang sinasbi sa akin ng mom ko.. pero ayaq pa mging isang ina.. hehe!! :]

    pwde nanamn mgka anak ng walang asawa eh.. db mei ganun na dhil hi-tech? hehe.. ^^

    hindi ko na kailangan ng haytek teknologi. haha. ako na bahala dun. redhorse lang katapat ng mga yan

    [Reply]



  18. “kayo pa? mga inggiterong kapitbahay kayo.”

    haha, naalala ko tuloy yung kalaro ko noon, inggitera rin. at klepto pa – pagbalik ko sa bahay-bahayan nmin, wala na lahat ng mga laruang wooden blocks ko at nakita kong nasa bahay na nila.

    don’t wori xienah, dalaw/tambay lng kmi d2 sa bahay-bahayan mo – wala kming nanakawin o gagayahin except ang iyong galing at ehem, alindog. wooh ^^

    ako yata yung kalaro mo. di kaya? hahaha. sana tambayera lang kayo sa bahay ko para masilayan niyo ang alindog ko. bwahaha

    [Reply]



  19. hindi yan. malay mo nasa tabi tabi lang ang magiging asawa mo. pano na ang pangarap mo na magkaroon ng kambal? hehe

    pwede ako magkaroon ng kambal kaya lang mamimikot muna ako. kukuha ako ng semilya ng hindi nagpapaalam. hahaha

    [Reply]



  20. hapi mother’s day sa ermat mo kahit late na. hehe. di pa nga ako nakagawa ng post para sa ermat ko.

    gusto mo na palang magka-anak. ahhmm…pikutin mo na kasi ako para magka-anak na tayo. ahehe. dyok onli!

    tara nga at mapikot na kita. san ka ba tinatamaan? redhorse o heneroso? hahahaa

    [Reply]



  21. Mainam yan bebeh, ang magkaroon ka ng sarili mong bebeh na marahil ang pinakamagandang mararanasan mo sa buhay mo balang araw. Mapuwera siyempre kung maging kasing-angas mo din yung dalawa mong magiging anak eh baka sabay pang makabuntis yung kambal mo. So fun.

    Alam ko naman na marami kang reklamo sa mudraks mo, nabanggit mo saken yun pero mudraks mo pa din yun at nakasayaw mo na siya ng Crank Dat kaya ang masasabi ko lang eh goodluck sa pagsasayaw niya, kahit walanghiya pa ako sa paningin niya, ahaha.

    Hindi na kaylangan ng mga ina ng espesyal na araw, dahil malamang kulang ang lahat ng araw sa buong panahon para maidedicate sa pagiging butihin nila.

    uu gusto ko na magkaroon ng anak pero di pa pwede. siyempre naman gwaping yung anak ko kaya makakabuntis talaga yun. pero kapag nangyari yun ng maaga magtatampo talaga ako sa kanila. uu walang hiya ka talaga sa paningin niya. wala kang kwentang tao. ops. ako na lang pala nagsabi nun. hahaha. sa palagay ko dapat araw araw e araw ng mga mudraks.

    [Reply]



  22. ay sperm donor b? gusto mo sperm ni nap? maganda lahi-an yun. wahahahaaha

    eww. ayaw ko nga. ibang semilya ang gusto ko. hahaha

    [Reply]



  23. belated api mothers day sa nanay mo!

    tabulits. tabulits. hahahaha

    [Reply]



  24. anu ba ito, late na.
    pero importante mabati ko ang nanay mo ng belated happy mothers day!

    uu nga e late na. pwede na yun. haha

    [Reply]



  25. ah..kaninong semilya? hahahaha.. at ng maharass na .. hehehe

    hahaha. kay jake cuenca

    [Reply]



  26. ako may mapipikot na. hahaha. kahit walang kambal sa lahi nila. pwede na. hahaha. at kahit kulang sa height pwede na. hahaha. sigurado namang gwapo ang anak namin eh… hahaha

    pag nagsayaw kaya ako sa obando, magkaka-twins ako? =P

    kahit sa disco ka pa magsusumayaw mineli. haha. basta kung bibigyan ka ng twins bibigyan ka talaga

    [Reply]



  27. gustu mo ng kambal? ayon sa nabasa ko, malaki ang chance kung:

    1. dapat nasa 30 to 40 yrs old ka.
    2. marami ka nang naging anak.
    3. by using pills.

    so payo ko lang, try mo muna mag-anak nang mag-anak, mga siyam siguro. tapos malapit ka na magmenopause, yun, siguro kambal na ang susunod. siguro lang ha. hahaha. ;p

    harujosku. hahaha. ano yun, trial and error? hahaha. ang hirap pa naman maghanap ng matinong lalake sa panahon ngayon. sana hindi madiskubre ng mapipikot ko na katawan lang ang habol ko sa kanya. hahaha

    [Reply]



  28. mare pwede nga. haha. hayaan mo pag nakita ko ulit siya :) haharassin ko na para sayo. hehe

    ako na lang ang manghaharas sa kanya. hahaha. uunahan mo pa ako. hahaha

    [Reply]



  29. kahit na wala akong kamuwang-muwang sa paglipas ng mga araw at sa ganitong mga petsa ng paggunita, masasabi kong NAPAKAPALAD NG IYONG INA.

    biro mo – magkaroon ba naman sya ng isang anak na hindi tao, hindi hayop, kundi isang dyosang kikay na walang buntot-isda, ngunit may itlog ng manok! – isang hybrid na nilalang, na daig pa ang kahit anong likha ni mars ravelo.

    ambelibabols, but it’s true.

    i’m sure, malaki ang kinalaman ng genes ng iyong mahal na ina, na matagumpay namang naipasa sa dna mo.

    at kahit pa madalas kong gawing parang blog entry ang aking mga komento sayo… sa huli ay…

    HAPPY MOTHER’S DAY pa rin:
    for your INANG SALVACION,
    at sa’yo na rin, INANG xG.

    (yun ay kung maisasakatuparan mo ang makapikot ng isang hot-sizzling-male-specie na magbibigay sayo ng kambal-tuko.)

    ps: maganda rin sana kung boy-and-girl-twin. parang yung kambal nila zoren and carmina. watchuthink?

    yan ang isa sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal kita eric e. hahaha. nabobola mo ako. hahaha. bihira lang ang lalake na nakakabola sa akin. ako ay isang diyosang may itlog. naisip ba ni mars ravelo yun? hindi diba? hahaha. parang naeksayt naman ako nung marinig ko yung hot sizzling male specie. haha. ayaw ko ng pares na kambal. gusto ko pareho na lalake lang. ang weird lang kasi isipin na yung anak kong babae kamukha yung anak kong lalake. hahaha. hoy eric nakukuha mo ba yung mga oplayn messages ko sa iyo? sira ka talaga. i need your help. sauce ka.

    [Reply]



  30. ako din, gusto ko ng kambal na anak! para minsanang paghihirap lang.. kanina ko pa iniisip, anu kaya ang ipapangalan mo sa mga magiging anak mo??? hehehe!!

    sana matupad na yang pangarap mo sa lalong madaling panahon! :D

    hindi ko ilalagay dito yung pangalan kasi kokopyahin malamang. hahaha

    [Reply]



  31. haha. di mo na ko kelangang painumin ng red horse o heneroso. kusa na kong magpapaubaya SAYO. LOL.

    oo tara naaaaa. hahaha. malamig na tubig na lang.

    [Reply]



  32. now ko lang uli nadaanan ang blog mo XG,
    ang say ko lang..mahirap maging single mom.

    at gaya sa plano mo for your future daughter, ganun din ako sa daughter ko now..

    at tama ka..”malalaman mo lang ang kahalagahan at kahulugan ng pagiging ina sa oras na maging nanay ka na.”

    at hindi sya madali.as in!
    belated happy mom’s day to ur mom.

    oo nga ngayon ka lang ulit napadpad dito. ayos lang. uu naman. ang pagiging nanay ang pinakamahirap na trabaho.

    [Reply]



  33. kakatuwa naman! ako, di planado ang pagiging nanay ko sa murang edad na 25 (mura pa ba yun?!?!?!). pero yun ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. at kahit na inuuban na ako sa anak kong magtatatlong taon na, i wouldn’t have it any other way.

    hindi madaling maging single mom, pero walang kasing sarap ang feeling ng maging nanay!

    yun lang at yun na!

    wow. 3years old na? malaki na pala ang baby niyo ni coldman. hahaha.

    [Reply]



  34. parang ako ikaw. gusto kong magkaanak, pero di masyado gusto mag-asawa (lalaki nga pala ako).

    ewan ko ba. para kasing masyadong ideal ang dream girl ko. :D

    nice blog!

    hahahaha. malaking problema kasi kapa asawa ang pakikisamahan. diba? hahaha

    [Reply]



Leave a Reply