P entry [repost]
Sa piling niya, walang paghuhusga. Kapag kasama ko siya, hindi niya batid kung sino ako at ano ang naging nakaraan ko sa piling ng iba. Sa kanya, hindi ko na kailangan pang mamalimos ng pagmamahal dahil wala siyang ibang hinangad kundi ang mapaligaya ako sa kabila ng mapait kong pinagdaanan.
Minsan kaming dalawa ang nagsasalo sa dilim pero mas madalas marami sila. Hindi ko sinasabi na gusto kong pagtulungan nila ako pero iyon ang tanging paraan na nakakapagpaginhawa sa akin at aking nakagawian ko na. Walang maaaring umagaw sa kanya mula sa akin pero maaari akong makisalo sa iba. Wala rin naman siyang pinipiling oras o lugar dahil sa tuwing nararamdaman ko ang kagustuhan, agad siyang bumibigay.
Ang pagpasok ko sa kanyang silid ay ang nagsisilbing hudyat na siya at ako ay muling magniniig para maging isa. Naeenganyo akong magkaroon ng kamunduhan sa tuwing nakikita ko siyang nakahiga sa kanyang kama—mapangakit. Nagpupuyos sa silakbo ang aking damdamin. Handa akong pagsaluhan ang init naming dalawa kahit na magdulot pa ito ng ipinagbabawal na kaligayahan. Magkasala man ako ay maligaya kong gagawin iyon sa piling niya. Ang pantasya ko ay sa wakas maisasabuhay naming dalawa.
Pinatay ko ang mga ilaw dahil gusto kong nakawin ang mga sandali sa piling niya. Humiga ako at tumabi sa kanya habang dahan dahan na hinahaplos ang kanyang katawan. Ang pamilyar na amoy niya ang nakapagpapagaan sa aking pakiramdam. Agad agad na napapawi ang aking pagod sa tuwing dumadampi ang aking mga labi sa kanya. Binasa ko ng aking dila ang aking labi para namnamin ang kanyang kabuuan. Doon pa lamang naramdaman ko na ang kasabikan ko sa kanyang piling. Hinimas ko ang kanyang katawan habang ganun din siya sa akin. Hanggang sa naramdaman ko na ang kanyang hawak sa aking dibdib. Hiningal ako at biglang bumilis ang pintig ng aking puso. Ang mahigpit na yakap ang tanging maigaganti ko sa kasiyahang dulot niya. Hayok kong pinagapang ang aking mga kamay pababa sa kanyang katawan para hawakan at pisilin ang kanyang laman. Napapapikit ang aking mga mata at napapakagat ako sa aking mga labi dahil sa hindi ko maipaliwanag na kaligayahan. Pigil na pigil ang aking mga ungol dahil ayaw ko na malaman ng iba ang nagagawa niya sa akin sa tuwing sumasapit ang ganitong eksena. Heto na ang pinakahihintay ko, nararamdaman ko siyang pumpupwesto sa pagitan ng aking mga hita. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na yumakap sa kanya at itulak ang katawan niya papalapit sa akin. Kakaiba ang pakiramdam na naibibigay niya kaya muli kong ibinuka ang mga binti ko para umakma ang hubog ng kanyang katawan sa akin. Ang matigas niyang parte ang nakapagpapalambot at nakakapagpahina sa aking murang katawan. Sa sobrang sarap na dulot niya hindi ko matiis na maibaon ang aking mga daliri sa kanyang likuran. Kasabay ng paglalim ng gabi ay ang pagindayog ng aming mga katawan. Sinasalubong ko ang bawat galaw niya. nais ko mang lubusin ang pagkakataon sa piling niya at gustuhin ko man na sumuko mula sa dulot niyang kamunduhan ay hindi ko magawa dahil alam ko na ito lamang ang makakapagpaligaya sa akin. Gustuhin ko mang romansahin siya buong magdamag ay di maaari dahil sa nauubos na ang aking lakas sa kanyang mga karino. Sa pagkakataong iyon ay nakatulog ako sa langit ng kasarapan.
Sa umaga ko na lamang nalaman na nilabasan pala ako at hindi ko maiwasan na mabasa ko siya. natuluan ko siya ng aking laway kaya pinunasan ko ng aking kamay ang aking pisngi kasabay ang pagmulat ng aking mga mata. Huwag kang magalala–tulad ng mga ibang unan, baka sa ibang araw ay mapapalitan din kita ng punda.








May 6th, 2008 at 7:08 am
Xerex? Kaya pala xG! Hahahha! :D malikot na imahinasyon! brilliant!
[Reply]
May 6th, 2008 at 9:46 am
sana ay mabiyayaan naman ako ng password ng mga entries dito. hmp!
in fairness..masarap talaga haplusin at yakapin ang mga unan na yan pero mas ok pa rin yung anader meaning nito. toinks! repost na pala to pero parang ngyon ko lang nabasa.
[Reply]
May 6th, 2008 at 9:56 am
akala ko sex story ito.. ahahahah.. kwento pala ng unan at punda. hehehe..
[Reply]
May 6th, 2008 at 11:33 am
woowh, saglit na uminit ang aking mundo, gumapang ang kamunduhan sa aking pagkatao…
sayang… (naudlot ang O). wahaha!
[Reply]
May 6th, 2008 at 6:01 pm
Sobra na yang pundang yan!!! Napakaswerte..
[Reply]
May 6th, 2008 at 6:29 pm
NABASA KO NA’TO!
NABASA KO NA’TO!
NABASA KO NA’TO!
.di ko alam kung sa empermera ba o dun sa nauna mong blog. :D
[Reply]
May 6th, 2008 at 7:56 pm
pasensual ng pasensual ah xienah. hahahaha
repressed ka ba? hahahaha!
asan na ba si SMB?????
[Reply]
May 6th, 2008 at 9:50 pm
hmmm..in moderation uli ang mga komento nito?
in shorts na long eto ah.wehehe..repost ba ito?? dun pa ba sa empermera?
ang senswal nito. parang pro writer sa mga pinoy pocketbooks. ung mga maninipis na nobela.
gaano ka ba kadalas magpalit ng punda?wehehe. napaka walang kwentang tanong ko eto ah…wehehe.
[Reply]
October 8th, 2008 at 7:56 pm
oi dapat weekly pinapalitan ang punda ng unan..at dapat binibilad din 2 sa sikat ng araw para daw msterilize hehe
[Reply]
May 7th, 2008 at 5:09 am
i love that word. “magniniig.”
:) NILABASAN AKO SA POST NA ITO. LOL. ng laway ah.
[Reply]
May 7th, 2008 at 5:27 am
Sensuwal.
Pinawisan ako.
[Reply]
May 7th, 2008 at 7:59 am
linteeeeek ka xienah
amp ka
napaka senswal ng post na ito tungkol lamang sa laway haha
weeeee na miss kita hehe
ngaun ko lang nakita itong bago mong blog :P
[Reply]
May 7th, 2008 at 8:45 am
Gusto ko na sanang maghubo habang nagri-read ako ng entry na ito kaso lang naisip ko meron nga pala akong mga extra porn na di ko pa napapanood kaya yun na lang ang pinagtiyagaan ko. Nyek.
Para sa mga naghahanap ng mainit na ligaya mula sa entry na ito, sana hindi sila nadismaya kung unan lang pala ang pinag-uusapan.
[Reply]
May 7th, 2008 at 10:20 am
Xienah, alam ko na sikreto mo.
Ikaw si Xerex.
[Reply]
May 7th, 2008 at 12:43 pm
^ turo sa reply ni x sa comment ni mariano…
tagos hanggang balun-balunan ni mariano yun ah. hahaha. ano kayang masasabi ni mariano tungkol dito???
hindi xienah, sensual talaga… yung maiimagine mo pa yung instrumental na sax version ng “the one you love” na tumutugtog sa background tapos amoy burning scented oil in lavender tapos madilim dahil 100 tea light candles lang yung nagbibigay liwanag sa kwartong malamig na may four poster bed sa gitna na red silk ang kobre kama at… tama na nga to. napaghahalata ang mga tumatakbo sa isip ko.
hihi.
dalagang pilipina pa naman ako. hihi.
[Reply]
May 7th, 2008 at 8:08 pm
i’ve read this porn este post before. it still makes me laugh.
[Reply]
May 8th, 2008 at 2:43 am
anak ng! unan naman pala.. umandar na naman ang pagiging malikot (malaswa) ng isip ko… yan siguro ang nangyayari kapag matgal ng deprived ng “alam mo na”.. hahahaha!!!
[Reply]
May 8th, 2008 at 9:14 am
grar! umagang umaga ito agad ang sumambulat sa akin sa pc. Maagang pagkakasala nanaman toh mamaya hahaha bushet!! =D
[Reply]
May 8th, 2008 at 9:42 am
Aba Doc, hanggang epidermis lang naman ang itinagos niyan. Magmamaktol pa sana ako kung hindi totoo, eh totoo naman yon.
Sa tingin ko lang kung nailagay ito sa Tiktik, Remate, o kaya eh Toro, bebenta ito eh. Tapos mag-iisip yung mga nagbabasa kung ano ba talagang nangyare sa dulo.
Parang pamilyar na eksena saken yung tinutukoy mo Doc.
[Reply]
May 8th, 2008 at 4:41 pm
nakakatayo naman ‘to!
nakakatayo ng balahibo! dyuk. =)
[Reply]
July 6th, 2010 at 9:55 pm
Hehe, ayos ah. Kala ko talaga iba ‘to. Utak nga naman, pag berde, kung ano ano na naiisip. Sobrang assuming! Pero grabeh, galing ng pagkakasulat. Impressive!
[Reply]