nintendo

[offtopic]
bago ang lahat, hayaan ninyo na ibahagi ko sa inyo ang mga ekslusibong kuha mula sa mga piling eksena ng pelikulang IronMan.

ironman picture number one at ironman picture number two

[/offtopic]

habang inaantay ko na mabakante ang computer para makisawsaw sa free internet sa isa sa mga pinakasikat na clothing store, naisipan ko muna magchillax at kumaswal sa isang area. pinanood ko ang dalawang magkaibigan na naglalaro ng baseball sa wii nang bigla na lang silang humirit nito…

pare1: bat ganyan ka tumira? ang bakla.
pare2: pinapraktis ko na nga ang magpatalo sa laro.
bakit mo naman pa kailangan pa pagensayuhan yun?
balak ko kasi makipagpustahan sa kanya tapos magpapatalo ako.
ano ba yung balak mo?
pipiringan ko ang mata niya tapos dadalhin ko either sa tagaytay o antipolo.
pare wag dun, sabi ko sa iyo sa manila bay kayo.
gusto ko dun kami magdinner
sa manila bay na nga lang talaga
alam mo ba na nagaaral ako mag-bake para sa kanya?
oh di nga?
gusto ko siya bigyan ng cake na gawa ko
ganun?
i want the perfect romantic date for her.
sabi ko sa iyo pare dun ka sa manila bay, may sunset.
pagtatawanan niya lang yun.
ano ka ba? baka maiyak pa yun.
gagawin ko talaga lahat pare, the works.
kung gusto mo dun ka sa may makati
ano meron dun?
may chinese restaurant tapos nakaupo kayo sa sahig, 600 lang.
ayaw ko dun
dun ka na lang sa condo, sa roof top. tapos tutulungan kita magset up.
paano kaya kami dun sa roof top? ang daming tao dun.
ayos lang yun pare.
gusto ko kasi medyo outdoor para kakaiba.
ano gusto mo? sa garden gazeebo?
basta pare, gagawin ko ang lahat.
maganda sa may Le Souffle
maganda nga daw yung ambience dun
maghanda ka ng 3thousand
ayos lang yun, makakakuha naman ako ng 10thousand
goodluck, pare. kaya mo yan.

lahat ng tao tsismoso. walang tao na ayaw ng balita. alam ko sasabihin ninyo nakikiepal na naman ako sa usapan ng iba. anong magagawa ko? epal talaga ako. pinanganak akong intrimitida. sa parteng ito, kasalanan na nila. ang lakas ng boses nila habang naguusap. kung gusto nila na silang dalawa lang ang makakarinig, dapat sa library sila nagpunta at dun na lang nagbulungan kasabay ng mga halinghingan na maaaring magbigay sa atin ng ideya para magduda sa kanilang tunay na kasarian.

ang masasabi ko: tunay na lalake si pare2. hindi dahil sa magarbong pagpaplano niya, kung hindi dahil sa hindi siya nahhiyang humingi ng tulong para maipakita kung gaano siya kapursigidong mapasaya ang minamahal niya. akala ko sa mga youth oriented show ko lang nakikita ang mga ganitong eksena kung saan nagpaplano ng ‘the works’ ang mga magbabarkada para kay pare na makuha niya ang katawan loob ni mare, ang totoo–nangyayari pala talaga sa buhay natin ang maging baduy.

marami pa sana ako gusto sabihin sa kanyang mga paraan para mahulog ng tuluyan ang loob ni mare kaya lang medyo nahiya ako. hindi kami close. gusto ko rin nga sana tapikin ang balikat ni pare2 nung mga panahon na yun at bulungan ng goodluck kaya lang nagutom ako bigla kaya kumain muna ako at hindi ko na narinig ang iba pang pinagusapan nila. ano kala niyo sa akin, hardkor tsismosa? anong gusto niyo? sundan ko pa hanggang sa bahay nila para malaman kung ano ang kabuuan niyang plano para kay mare? siyempre may life din naman ako. may sarili din akong lovelife.

mare na taga cainta, kung sino ka man–ang swerte mo. seryoso, maswerte ka kay pare2. sana lahat ng lalake katulad ni pare2, katulad niyang baduy.

kala ko ba may sarili akong lovelife? bakit ko pinapakealaman itong mga ito?




35 Responses
  1. baka matapos ang “the works” e magbago na si pare2

    di ko na masusubaybayan ng ganun kahardkor yun. yaan mo na sila labs layps nila yun. hahaha

    [Reply]



  2. the works my azz….lols..at talagang may plano..oo nga..akala ko may lovelfe ka?eh bakit panay ang epal mo sa knila?lols..bagay sau new correspondent soulmate…lols..pangpalit kay boy abunda!puro nguso kasi nakikita ko sa tv!

    oo may plano talaga sila. ewan ko nga ba kung lablayp matatawag ito. parang hindi na rin e. tsk tsk. ayun. kaya lablayp na lang ng iba pinakekealaman ko. potah. hahaha.nguso ba ni boy abunda ang meron? di kaya puro butas ng ilong?

    [Reply]



  3. lately ko lang din nalaman na ang mga lalake rin pala ay may mga “girltalk moments”. haha. basta. alam ko na naiintindihan niyo na yun. akala ko noon, babae lang ang humihingi ng opinyon tungkol sa lovelife sa kapwa niya babae. hahaha. di pala. =P

    nakakaaliw sila magusap ng ganyan. ang sarap batukan tapos yakapin pagkatapos diba? haha.

    [Reply]



  4. hahahaha. may movie rebyu din ako sa plansta tao. nakakatuwa naman.

    oo nakakatawa nga itong si iron man. tsk tsk. pero kahit ganun asteg pa rin.

    [Reply]



  5. sabi ko na eh. hahaha. wala lang. hahaha.

    may sinabi ka ba? wala naman e. hahaha

    [Reply]



  6. ano poh ‘yung intrimitida? ‘di ko naintindihan! wah!

    ang ibig sabihin ng intrimitida ay pakealamera. haha

    [Reply]



  7. minsan nga ang mga boyps mas mushy pa kung magkwento kesa sa gurls..wehehe..

    uu totoo yan mare. tsk tsk. ang sweet nila magkwento.

    [Reply]



  8. ang baduy pero nakakatuwa, sana nga baduy lahat ng lalaki at maging gaya ni pare2. :)

    nagiging baduy talaga pagnagmamahal.

    [Reply]



  9. tsismosa?! Hahaha!

    musta ka na?

    hanuber. haha. nagkakasakit ako dahil wala kaaaaa. haha

    [Reply]



  10. Pilit ko mang ibaling ang atensyon ko sa iba, talagang mahirap iwasan ang juicy talks ng mga tao lalo na’t parang ang sarap komentuhan sa utak mo ang mga kaululan na binabanggit nila.

    Nakasabay ko yung dalawang ungas dati sa tren at nagpapayabangan sila sa mga ginawa nila sa babae, pati na din yung mga kagwapuhan nila nagaangasan din. Ang lakas ng boses, parang pinaparinig saken na sila ay gwapo at ako ay hindi.

    Si gwapo v1.00 daw eh nagpaprint ng banner at isinabit niya doon sa tapat ng pc shop sa St. Paul Quezon City. Si gwapo v2.00 naman eh naiinis sa mga day-off girls na kinikilig sa kanya at minsan nang kinurot ang mukha niya sa jeep.

    si gwapo v3.00 naman eh nakikinig lang at panay ang mura sa isipan dahil sa kayabangan nung dalawa.

    what a nice story. hahahay. etotoo naman na pangit ka. magtaka ka kapag sinabi nilang gwapo ka. magugunaw na mundo nun. pero kahit hindi ka gwapo labs kita kasi nanglilibre kaaaaaa. hahaha

    [Reply]



  11. Madalas din akong makinig sa usapan ng iba, pero hindi ganyang KAHABA ang napapakinggan ko. LOL.

    no comment sa pinag-usapan nila. pero ayos yung lalake ah – todo maghanda! siguro super duper perfectionist yung girl no?

    medyo kulang pa nga yan. mahal niya lang talaga yung girl. tsk tsk. ang swerteng babae

    [Reply]



  12. oo nga, ano yung intrimitida?

    anyway, ang sweet! hihihi! sana nga ganyan talaga lahat ng mga lalaki.

    may kilala akong ganyan dati, first year anniv nila ng gf nya na friend ko rin tas nanghihingi sakin ng tulong kung ano daw gagawin nya. eh di syempre tulong din ako, tas yung girl pala biglang nagse-selos kasi palagi daw kaming nagha-hangout. ayun, di nila na-celebrate yung anniv. nila that day, nagaway kasi. harr!

    pero sweet talaga ng mga ganyang dudes. ahihihi!

    miss tisay, ang ibig sabihin ng intrimitida ay pakialamera. haha. naku miss tisay ikaw pa pala may kasalanan. garabe. sana naman nagkabati sila at sila pa rin hanggang nagyon.

    [Reply]



  13. tae, pinagpipilitan naman ni pare1 sa Manila Bay, ang baho kaya dun. YUCK. Sauce ka pare1.

    gusto ko ng katulad ni pare2. ay shet, nangarap na naman ako. einubeh.

    parang malansa na yung manila bay ngayon. di na romantik. wala pa nga yatang sampung segundo na tatayo ka sa breakwater e nanlagkit ka na tapos yung buhok mo nanigas na rin. haha. makakahanap ka rin niyan ayiene. pero wag munaaaaa. hahaha. ako muna. hahaha

    [Reply]



  14. actually first time ko lang din nakakarining ng ganoong talk sa isang public place at parang nagulat lang ako kasi sa tv mo lang, well actually talaga sa tv mo lang yan makikita kumbaga sa mga teen shows! Pero hanga ako sa kanila kasi they make a perfect date for thier pare na sana mapasagot ang babae na yun! That girl is really lucky!

    Bigatin kasi ang mga iyon! akalain mo sa bench tumatambay! Hay nako! kapatid, masyado kang CHISMOSA… STOP IT! haha!

    pero infairness, gusto ko nga din makipagbutt in sa usapan nila. Ang ganda kasi. Minsan lang talaga mag-usap ang mga lalaki about that! Pero buti na iyong naexperience ko din!

    P.S. Mas maganda pag mas mahal na venue at yung guy talagang super effort! Yun yung pinakasweet for a gurl!

    wateber

    [Reply]



  15. Xienah my favorite schoolmate nasan na ang link ko? Bwahaha!

    Ang payo ko lang kay pare2: pre…Go! Go! Go! Hahaha wish ko lang ako si mare kaso baka pag naka-blind fold na ako iwala nila ako at rapin..virgin pa naman nasal cavity ko hehe

    ang sabihin mo baka piringan ka niya tapos iwan sa gubat, yun ay para di ka na makauwi at makabalik sa kanya. hahaha. wengk. nasal cavity? ganun na ba kalaki ang nasal cavity mo? hahaha

    [Reply]



  16. sana nga laaht ng lalake katulad ni pare2..

    wala nang magandang view sa manila bay. wala na ang restaurant ni pareng paquiao..

    chismosa din ako.. pero hindi halata.. pinagmanahan ko kasi nanay ko. hahhaha..

    ayon ba? yung kontrobersiyal na restawran ni pakyaw na di raw nagbabayad ng tax? haha. teka nga. magtataka talaga ako kung sa akin ka magmamana. haha

    [Reply]



  17. xienah, natuloy kmi ni pare2 sa tagaytay! hanep, natouch nman ako sa sinabi ng labs ko na “i want the perfect romantic date for her”. Yeah, it was so romantic and i won’t forget it for the rest of my life. Ang swerte ko, oo. Sarap pa ng carrot cake na gawa nya, hahaay… ;p

    hanuber. ikaw pala yun. hahaha

    [Reply]



  18. huwaw.. abigail ang pangalan nya..

    hahaha

    [Reply]



  19. sabi ko nga. :P

    oh. wala ka na naman sinabi. haha

    [Reply]



  20. kahit minsan lang sa buhay natin dapat mainlab tayo ng gaya ni pare2. parang ganun ako noong highschool e, planado lahat.

    weow. ganun ka ba boyps? haha. di ko pa naranasan yun mula sa iyo. bat ganun? tsk tsk. hahahaa

    [Reply]



  21. haaaay.. nakakaiinis ang mga ganyang story..
    pagkatapos mo gawin lahat para sa girl, iiwan ka rin.. walang dahilan para mag effort ka ng ganyan pare2 dahil sa huli ikaw din ang masasaktan.. /endbitternessmode

    hehehe…

    nakupo. bitter nga. haha. kanya kanyang kabaliwan lang yan sa pagibig. walang basagan ng trip. hahaha

    [Reply]



  22. Ano kaba hindi kaba updated? Yan na ngayon ang tinitira sa mga bakla ng evolve na kami yan na ang center of pleasure namin ang ilong dyan ang bagong G-Spot lololol :)

    alam ko yan. sauce. palagi sa akin sinasabi ni somemaleblogger yang Gspot niyo. hahaha. nagevolve kayo? ano yan pokemon? hahaha

    [Reply]



  23. e baka naman ikaw ang nanay ko? hehe

    bakit naman ako ang magiging nanay mo? haha

    [Reply]



  24. offtopic:

    may maganda din akong picture ni iron man

    talaga? nasan? haha. may tatalo pa pala sa picture ko ni ironman

    [Reply]



  25. e dapat sinundan mo pa talaga hanggang bahay.. para malaman namin kung nag-work ba yung “the works” :lol:

    hahaha. wag na lingling baka masulot ko pa si pare2 kay mare. haha

    [Reply]



  26. hello! bagong tiga-comment.
    sana yung crush ko ganyan din. haha. andami talagang ibang babae na swerte at marami rin talagang malas (tulad ko). tsk tsk tsk…

    anyway ang ganda nitong entry na to. naaliw ako. hehe. =)

    take care.

    walang malas at swerte. tayo lang ang gumagawa nun. yaan mo makikita mo rin ang para sa iyo–yun ay kung mageeport ka. haha. salamat sa pagdaan. balik balik ka

    [Reply]



  27. ang baduy nga lols! walang pinagkaiba sa murder..pinlano ang pagpatay. pero dahil sa may masidhing pagmamahal ang involve..kasong rape na lang ang isasampa dyan kung di nya papatayin. lols! ang adik ng comment ko.

    ganyang ganyan din kami nung hasykul at college..pero di naman ganyan kalaki ang budget. pulubi kasi kami eh kaya simple lang ang planuhan..haha!10thousand? sus! naka isang buwan ka na siguro sa motel nyan.

    hahaha. natatawa naman ako sa comment mo. haha. tae. di ako makagetober. hahaha. rape na lang nga palagay ko ang pwede ikaso. attempted rape. haha. uu 10k talaga ang sabi niya. mga lifestyle of the rich and famous kasi. isang buwan na puro motel baka di ka na bigyan ng discount card kundi baka free ka na dun for 3 days. haha

    [Reply]



  28. aray aray aray!
    ako ata yang narinig mo.
    ahahah

    buti na lng marunong ako magluto, magbake, maglaba, mamalantsa. makapagsideline nga kaya… hmmm…

    sa may trinoma ba yan?

    tama ka xienah. konti na lng kami… pero kami madalas ang napaglalaruan, nasasaktan at di nabibigayn ng importansya.=[

    nasan na ba kasi yung mga kauri mo at hindi ko masyado nakikilala at nakakasalamuha? edi kung ganyan kayo sabihin niyo sa akin yaan niyo aalagaan ko kayo. hahaha. teka. boyps ang hanap namin hindi boy. haha. hindi ikaw yun kasi mas gwapo ka sa nakita ko. oo sa trinoma nga yun. haha. patay alam mo na kung san tambayan ko. hahaha

    [Reply]



  29. halos lahat ng comment ng girls d2 ay natutuwa kay pare2, baliktad sa mga guys’ comment na sinasabing baduy xa!

    so alam nu na guys na sa pangkalahatan, ang gusto ng mga girls ay mga lalaking baduy! ^^

    ako gusto ko ng lalakeng wirdo. plus points sa akin ang lalakeng wirdo. yung mukhang geek at mukhang tanga. hahaha. kala mo naman yung mga lalake dito mga sawimpalad sa pagibig. hahaha. kakapal mga chickboy yan noh. haha

    [Reply]



  30. kakainis..wla paring bagongpost!! weeeeeeee!!!soulmate!your a handsome girl!lols

    atleast girl ako. haha

    [Reply]



  31. haha, trinoma girl ka pla.
    ge ge hahanapin kita jan. akala mo ha.
    madalas ka pla sa shop na may net. alam na alam ko kung san yan. heheheh

    pwede rin akong boy, nakabowtie lng gusto ko uniform. heheh

    uu dun naman kasi ako malapit e. hanapin mo ako. haha. tara dito sa amin. siguro naman kaunti ka lang kumain ah? gege. punta ka dito. haha

    [Reply]



  32. dahil wala pang bagong entry..dito ako magkokomento uli sa nintendo..wehehe..

    sana lahat ng boyps ganun ki pare2..wehehe..extinct na ata ang ganun eh…wehehe…

    tsk tsk. wala na tayong pagasa mare.

    [Reply]



  33. nararamdaman ko kasi ang lukso ng dugo pag magkausap tayo.

    parang awa mi mia. si manding lang ang matanda sa atin. hahaa

    [Reply]



  34. bading si pare1

    pakiramdam ko rin this guys in live with pare2. haha. ginawan ng kwento? haha

    [Reply]



  35. hahaha.. si manding na naman ang nakita.. hehehe.. wawang manding :P

    alam mo naman mahal ko yang si manding. siya lang ang sanhi ng kaligayahan ko dahil siya lang ang naasar ko. hahaha

    [Reply]



Leave a Reply