operator
up. up. up.
tatlong beses ko pinindot ang up button. tumingala ako at nakita ko na nasa 5th floor pa ang elevator. wala naman talagang magagawa kung higit pa sa isang beses ko pipindutin ang up o kahit na ang down button. trip trip lang. basta magbukas yung pinto, ayos na.
4.. 3.. 2.. G.
narinig ko na ang tunog–hudyat na nasa floor ko na ang elevator. bumukas ang pinto, walang tao. gustong gusto ko talaga kapag magisa lang ako sa elevator. akin ang mundo, tahimik. malayo sa ingay ng totoong buhay. sa sandaling maglalagi ka sa maliit na kwartong ito, madaming papasok sa isip mo. binibigyan ka ng panahon para mag-isip. magmuni. susugurin ka ng mga nakaligtaang alaala na bumalik mula sa nakakatakot na nakaraan.
wait, hold the elevator please.
narinig ko ang tinig na iyon mula sa kinalalagyan ko. pinipindot ko na ang open button pero sumasara pa rin ang pinto ng elevator. nagdadalawang isip ako kung pipigilan ko ba ang mga pinto gamit ang aking kamay. natatakot ako, naipit na kasi ako dati. natuto na ako mula sa katangahan kong iyon at ayaw ko ng maulit pa. pumikit ako kasabay ng pagsasara ng pinto. buntonghininga. hindi ko sinasadya na maiwan at masarhan siya. alam ko iisa lang ang elevator sa building pero, ayaw ko yatang mabuhay na gamit ang isang kamay lang. dahan dahan kong iminulat ang mga aking mga mata–himala, muling bumukas ang pinto.
salamat, akala ko iiwanan mo talaga ako.
nginitian ko siya habang nagtataka sa kung paano ako nagagawang paglaruan ng elevator na ito. pinasalamatan niya ako para sa wala. pumasok siya. teka, parang nakikilala ko na siya. tama, siya nga. matagal ko rin siyang hindi nakita, ngayon na lang ulit at masasabi ko na maaliwalas ang mukha niya. nararamdaman ko na masaya ang disposisyon niya ngayon. pinindot ko ang 19, hindi ako maaaring magkamali dahil alam na alam ko na doon ang floor niya.
alam mo ang floor ko?
oo, nakasabay na kasi kita dati.
ah, ganun ba? salamat.
oo nga naman. bakit nga ba pinangungunahan ko siya sa pagpindot ng floor niya? napaghahalata tuloy ako. inuna ko pa siya bago yung sarili ko. napapailing na lang ako habang iniisip ko sa kung bakit bigla ko na lang napindot iyon. ang mga daliri ko talaga, may sariling utak.
sumara ang pinto. umakyat ang elevator. katahimikan.
alam ko maliit ang elevator pero maluwag iyon para sa aming dalawa. tinitigan ko siya sa gilid ng aking mga mata at napansin ko na mahigpit ang kapit niya sa hand railings. ang maaliwalas niyang mukha ay biglang napalitan ng pamumutla. nanginginig ang katawan niya. nararamdaman ko dahil nakasiksik siya sa akin.
ok ka lang?
sorry, sorry talaga.
bakit, anong meron?
bumukas ang pinto sa 7th floor at sumakay ang barkadahan ng 4 na babae. maiingay sila. nakakairita ang mga boses. kung makaasta akala mo sila ang nagmamayari ng bawat turnilyo na bumubuo sa elevator na ito.
11th floor.
huh?
what? arent you going to push the button that says 11?
ah kasi ano..
its the number between 9 and 10, in case you didnt know.
ang..
hush. i am never excited by moronic excuses. just push it.
mataray na sinabi ng babae sa akin. hindi na ako umangal. nakakailang ismid na siya sa akin pero hindi ko siya pwede patulan. kung lalake lang siya baka hinamon ko na ito ng suntukan. hindi ko na lang talaga papansinin para walang away. nakakairita. ang iingay nila. parang walang silang ibang taong kasama. nakakailang bato sila ng tingin sa akin, kasabay ng hindi mabilang na hagikgikan. hahayaan ko na lang talaga.
you dont have manners.
excuse me?!
im talking to you, bitch.
what are you saying?
dont you know that you are not supposed to talk if your in a confined space?
but..
you and your friends’ saliva is all over the fucking place
you know..
here is my doctor’s calling card, you can use some medical advice–for halitosis.
i dont need this.
well society doesnt need you either. its the 11th floor, slither away!
whatever
by the way, go back to gradeschool. 11 is the number between 10 and 12.
bumukas ang pinto at nagmamadaling lumabas ang magbabarkada. nakatikim sila. nasampolan din ako. grabe yung tensiyon na yun. hindi ko siya napigilan at naawat sa walang prenong pangangaral niya. parang gusto ko ng lamunin ng mga pader. ang kawawang pader na naging piping saksi sa mga naganap.
pababa ba ang elevator?
hindi, paakyat po.
sige balikan niyo na lang ako
15th floor bumukas ulit ang pinto. may isang matanda na naghihintay na sumakay pero dahil sa paakyat nga ang elevator hindi naman namin siya pwedeng pasakayin muna. nagsarang muli ang pinto. kaming dalawa na lang muli sa aking munting mundo.
napapagkamalan kang elevator operator
hindi na nga ako nagreklamo.
ayos lang yun, ang boring kasi sa elevator.
oo, tama. saktong eksena lang.
natatawa siya. natatakot ako. parang gusto ko ng umalis at maghagdan na lang. napansin ko na makailang ulit ng pumapalya ang pagsara at pagbukas ng pinto ng elevator at ang mga ilaw? hindi sing liwanag ng dati.
whats that noise?
hindi ko alam.
may kakaibang ingay na nagmumula sa itaas ng elevator. sabay kaming tumingala at hinahanap kung saan nagmula ito. bumabagal ang takbo namin. unti unti siyang lumalapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. nangyari na nga ang kinatatakutan ko. blackout. trapped kami. malakas na hiyaw ng pagkatakot ang sumunod. nanginginig siyang yumakap sa akin.
ano nangyari sa iyo?
nahimatay siya. ang pagkataranta ang huling bagay na dapat kong gawin sa ganitong pagkakataon. tama, kailangan ko humingi ng tulong. tangina, naiwan ko pa pala yung phone ko. wala na akong ibang magagawa kundi antayin na lang na bumalik ang suplay ng kuryente para muling gumana ang elevator o di kaya naman ang pagkabulok namin. ayos lang kung ako lang ang naiwan dito, kamalas malasan naman na may kasama pa ako. ayos na rin siguro, hindi rin ako mapapanatag kung malaman ko na nagiisa lang siya na nakulong dito.
sandali nga.
dahan dahan akong umupo sa sahig. inaalalayan ko siya. mahirap na, baka kung ano ang mangyari sa kanya, ako pa ang mapagbintangan. kinuha ko ang panyo ko mula sa aking bulsa at sinubukan siyang paypayan para mahimasmasan. kahit madilim ang paligid, nararamdaman ko ang liwanag niya. ang liwanag na nagmumula sa kanya na nagbibigay sa akin ng pagkakataon na mangarap. kung iisipin, maswerte pa rin ako. ang maiwan kasama ang tao na lubos mong hinahangaan ay pangarap ng mga torpeng tulad ko. ito na yata ang pinakamatagal na panahon na nakasama ko siya. ang pagkakataon na pinakamalapit ako sa kanya. hindi naman sa hinihiling ko ang mapahamak siya, gusto ko lang ang makasama siya sa kahit anong pangayayari sa buhay ko.
im sorry.
ok lang yun sa akin.
im claustrophobic.
ikaw si santa claus?
hindi!
pinapatawa kang kita.
im not that comfortable being in closed spaces.
nagising na siya. tinakpan niya ang kanyang mukha sa sobrang pagkahiya at bumangon na mula sa pagkakahiga sa aking nangangalay na balikat. kanina ko pa nga talaga napapansin na natatakot siya. sino ang magaakala na ang matapang na nakita ko kanina ay takot pala na makulong magisa?
sa wakas.
thanks again.
walang anuman.
muling umandar ang elevator paakyat sa 19th floor. hindi siya makatingin sa mga mata ko. naiintindihan ko naman siya. malamang, ito na rin ang huli naming pagkikita. bumukas ang pinto. sa pagkakataong ito, may lalakeng nakatalikod at biglang humarap sa amin.
surprise xienah, happy monthsary!
nagulat siya. hindi niya alam ang gagawin niya ng sumalubong sa amin ang lalakeng may dalang mainit na ngiti at mga bulaklak. nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, hayun–napaiyak na nga ng tuluyan. masakit man sa kalooban ko na pindutin ng matagal ang open button, ginawa ko pa rin. kahit may mga luha na pumapatak papunta sa mga pisngi niya masasabi ko na masaya siyang makita ang lalakeng iyon. hindi ko makayanang makita ang mga ngiti niya na para sa akin na napupunta lang sa iba–sa totoong mahal niya. ang katauhang nakita ko sa labas ng elevator ang kanyang kaligayahan. lumabas na siya sa elevator at niyakap ang lalakeng nakaabang sa kanya. sa pagkakataong iyon, hindi ko pa pinipindot ang close button, nagsara na lang basta ang pinto. kapag mahal mo ang tao, hindi ka matatakot na makulong sa mga bisig niya, kung maari lang–gugustuhin mo na matunaw na lang sa mga balikat niya. lumiliit ang mundo kapag kasama mo ang taong mahal mo at umiikot na lang iyon sa inyong dalawa.
salamat.
para saan?
nasabi niya sa akin ang nangyari sa inyo sa elevator.
ah yun ba?
salamat, kung wala ka baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
wala yun.
hindi ko alam kung paano na ako kapag nawala siya.
may kamay na pumigil sa pagsasara ng pinto ng elevator. matapang siya. hindi siya natatakot na maipit ang kamay niya sa pinto ng elevator. hindi ko kayang gawin yun. nung mga panahong iyon, nalaman ko na–magiging masaya siya sa kanya. hindi ko pa kayang ibuwis ang kahit ano sa buhay ko ngayon para sa pagmamahal pero darating ang tamang panahon na gagawin ko yun. kinamayan niya ako, tanda ng kaniyang pakikipagkaibigan.
sa huling pagkakataon, muling sumara ang pinto ng elevator. sa sandaling iyon, naging akin siya, nahawakan ko siya–ang taong hinahangaan ko. masaya ako at nakasama ko siya. ang nakakalungkot na parte, babalik na naman ako sa pagiging magisa–magisa sa elevator, sa munting mundo ko.
21st floor.








April 25th, 2008 at 1:03 am
sa pagbasa ko nito, nabuo sa akin ang ilang katanungan:
sino kaya yung guy na taga-21/F na nagkukwento dito?
sino kaya yung boyps ni xienah na taga 11/F din?
gaano kaya kalapit sa katotohanan ang kwentong ito? o gaano naman kaya kalayo bago magkatotoo (if ever)?
bakit nagkocomment pa ako dito, eh nailathala ko na nga pala ang opisyal kong obituaryo sa blogosperyo?
bakit ba ang dami kong tanong?
[Reply]
April 25th, 2008 at 1:49 am
tsk. malungkot…
pag mahal mo ang isang tao, magiging masaya ka na rin para sa kanya basta’t masaya siya. hindi man ikaw ang kasama niya.
=(
[Reply]
April 25th, 2008 at 3:24 am
nice read!
galeng mo sa ganitong story ah. tsaka iba ang pagkakakwento. the story teller is the other person.
galeng!
[Reply]
April 25th, 2008 at 6:39 am
isa na namang nakakaanitig na katha mula kay xienah. haist. ang sakit. *ouch*
teary-eyed emo na ako hindi ko pa natatapos ang kwento. syet. hehe
[Reply]
April 25th, 2008 at 8:04 am
Magaling. Naantig naman ang aking puso. Gusto ko muling umibig.
[Reply]
April 25th, 2008 at 9:07 am
naku bakit wala pang komento?? Dahil ba sa posted in shorts (it means mahaba)..wehehe..
ano ba?? kahit mahaba ito worthy siyang basahin. Malaman, meaty at beefy.. juicy na rin..
hay xG, yan naman sabihin mo binibola kita…hindi hindi kita chenechenes..oo maganda ang entry!!
sympre inubos ko ang entry basahin, di tulad ni idol igno..wehehe..simula at dulo lang ang binabasa! ahaha.. pero nagkokomento rin siya..
tama na ang moment!! gege… goodluck sa pagmuni-muni jan…
[Reply]
April 25th, 2008 at 11:51 am
saklap.
[Reply]
April 25th, 2008 at 12:10 pm
clap clap! :)
[Reply]
April 25th, 2008 at 12:11 pm
namimiss ko na talaga magbasa ng gawa mo diyosa. huhuhu… buwisit, dapat di na ako nagcomment sa napaka-gandang ending na sobra ang pagbibigay ng hangin sa dibdib – sapat para mapabuntong hininga ako matapos magbasa. ;) Maganda diyosa… Maganda.
[Reply]
April 25th, 2008 at 12:43 pm
Fcuk that beeeyoootches. :P
Medyo nalito ako sa pagbabasa pero nagets ko na sa huli. Yooon! Magaling!
[Reply]
April 25th, 2008 at 12:52 pm
naalala ko nahilo ako nung unang sakay ko ng elevator, hayskul ako nun at perstaym ko sa city ha ha.
blogger din po ba ang operator?
[Reply]
April 25th, 2008 at 2:34 pm
di ba dapat.. 21st floor yun?!
[Reply]
April 25th, 2008 at 2:56 pm
Ano kayang nangyari sa ika-dalawampu’t isang palapag? Mayroon yata.
[Reply]
April 25th, 2008 at 3:05 pm
Minsan, masaya nga namang makasama ang mga taong hinahangaan natin kahit sandali lang. Nagkakaroon tayo ng panahon para magmuni-muni. Haha! As ususal, maganda nanaman ^_^
More power!
Fiction ba to o Totoo? hahah! O napagtripan mo lang yung tao sa elevator? XD
[Reply]
April 25th, 2008 at 3:05 pm
haayyy…napakagandang lab story. kung yan lang ang tanging paraan para makakilala ako ng syota material eh baka magkulong ako sa elevator maghapon. LOL.
[Reply]
April 25th, 2008 at 4:14 pm
ang haba.
[Reply]
April 25th, 2008 at 5:20 pm
wow. a very very striking, poignant post.
[Reply]
April 26th, 2008 at 7:22 am
x, hindi ako marunong mambola. haha
nakakantig kasi nakaka-relate ako. napagkamalan na rin akong elevator operator. hehe
pero seryoso, naramdaman ko yung pag-asam sa isang babaeng pagmamay-ari ang puso ng iba.
[Reply]
April 26th, 2008 at 10:53 am
taken na si ate xienah?
[Reply]
April 26th, 2008 at 2:57 pm
grabe naman.. ang haba nung una kong comment tapos di pumasok. ayoko na… :(
[Reply]
April 26th, 2008 at 6:44 pm
“binasa mo ba ito lahat? ang haba nito ah. tsk tsk. bilib ako sa iyo. yun kasi ang signature style ko pagdating sa mga short stories. salamat at nagustuhan mo.”
napansin ko nga eh. ganito rin yung pagkaka kwento mo regarding the blog awards i think.
nice one.
[Reply]
April 26th, 2008 at 9:17 pm
hehehe … bloggers conference ba yun? hehehe sowee naman.. Im a noob. maski ako walang idea dyan eh.
pero yung bida mo… nakakafrustrate.
ehehe. parehas hindi mahina loob. hahaha
[Reply]
April 26th, 2008 at 10:54 pm
aaak.. nahuli na ko sa pagkomento..
naalala ko dito yung eksena sa pelikula ni aubrey miley yung xerex.. bwahahaha
ang ganda ng story. pumapalakpak ako sa ganda.. hehehe
[Reply]
April 27th, 2008 at 1:37 am
ang dami kong typo nung nakaraan yung pacific ko naging pasific tas ngayon si Aubrey Miles naging Aubrey Miley.
ahihihi.. panoorin mo yung Xerex. wala kang mapupulot na aral dun.. hahaha.. makikita mo lang kung gano kaganda ang hubog ng katawan ni Aubrey Miles.
Operator din sya ng elevator tapos may gusto sya kay John Hall, fantasy nya na makapag chenelin sila nung kras nya dun sa elevator.. ayun.. di ko na malala yung kwento. Highschool pa ata ako nung napanood ko yun.. hahaha
[Reply]
April 27th, 2008 at 1:57 am
huwaw naman! first commenter ako. :hehehe:
i’m so proud of myself. n_n
[Reply]
April 27th, 2008 at 2:54 am
“im a sucker for tragic endings. haha. biro lang. ganun kasi ang karamihan, gusto nila yung pakiramdam na kinikilig dahil sa may hinahangaan sila pero hindi nila kaya maging matapang para ipaglaban ang makaramdam ng higit pa sa kilig lang, kundi yung pagibig talaga. haha. tae. ano ba itong sinasabi ko parang directors cut. haha. parehas hindi mahina ang loob? diba parang mahina nga yung loob nila? hindi ako naniniwala na mahina ang loob nung mga point of view dahil pinapakita lang nila na may dalawang mukha ang paghanga”
sabi nga nila … may ibang bagay na mas ok pag tinitikman lang at hindi kinakain. wahhhh … anlabo ko pakshet.
[Reply]
April 27th, 2008 at 10:58 am
lagi na kong nakakapanood at nakakarinig ng kwento about sa na-trap sa elevator.. pero kakaiba tong kwentong to kase iba yung atake.. gusto ko yung part na to: “may kamay na pumigil sa pagsasara ng pinto ng elevator. matapang siya. hindi siya natatakot na maipit ang kamay niya sa pinto ng elevator. hindi ko kayang gawin yun.”
napahanga na naman ako ni xg! :D
[Reply]
April 27th, 2008 at 6:34 pm
hi xienah. first tym ko magcomment d2 pero matagal na rin akong nagbabasa ng blog mo. Pag nag-iinternet ao, ang blog mo agad inoopen ko. anyway, galing galing mo. mejo mahilig din ako magsulat at inggit na inggit ako sa paraan mo ng pagsusulat! waaah! (pareho kau ng idol ko na si bob ong, masarap basahin – parang longganisa at sinangag at itlog!).
[Reply]
April 27th, 2008 at 6:51 pm
*tsug*tsug*
yung puso ko.
[Reply]
April 27th, 2008 at 9:23 pm
so… ang ibig sabihin ba nito gusto mong tumira sa condo? o gusto mo ng mayamang bf na nakatira sa condo? gwapo ba yung elevator operator? may nakitira bang artista sa condo unit nila? ano ang ibig sabihin ng poignant? (hi loudcloud!) bumalik ba ang kuryente o may generator? ang ibig sabihin ba ng 21st floor ay dahil sa yon ang edad mo? ang ibig sabihin ba nito ay nag mature ka na at handa ng humarap sa bagong yugto ng buhay mo?
[Reply]
April 28th, 2008 at 1:49 am
nasan na yung ibang comments dito? hala
[Reply]
April 28th, 2008 at 2:32 pm
gagana kaya yung avatar ko dito? bwahahahaha
[Reply]
April 28th, 2008 at 5:10 pm
magnifico! Third person…:) ang elevator ay kahon ng mga pangarap, masakit na katotohanan at mga taong hanggang tingin na lang.
ako din…mag-aasawa na lang ako, ganyan pa pakiramdam ko sa shuttle service ko kanina at ang uktimate krasness ko. Pero ibang kwento yun. Bersyon ng biyak-biyak na relathyon at produkto ng wishfful thinking.
kampay xG! :D
[Reply]
April 28th, 2008 at 5:20 pm
yebah, magpapasakal na ko malapit na. wahahaah! ibitado ka ha, seryoseo. kukunin ko address mo…don’t worry, nde ako terorista, mukha lang…wahehehe!
eh kasi naman, may kras akong chinesehunkababe na kasabay ko sa service sa umaga (meron kasi kaming service papaunta dito sa office), anyhoo…feeling ko nga lab ko na sha…mas heksayted pa ko makita sha kesa sa mapapangasawa ko. hahaha. ampugeh nya, ang sarap iuwe sa bahay at pikutin.
oh well, baka naman ampaw ang utak, we’ll never know. Masarap kasi ung may misteryo…parang elevator. Nde mo alam lumampas ka na pala ng floor, kaka-nuninuninu.
Basta, inmbitado ka, kanta ka Bubbly ha ;p
[Reply]
April 28th, 2008 at 5:36 pm
Osige, kanta ka na lang ng kahit ano. hehehehe. Pwede rin mga kanta ni Elvis para rakenrol.
Naalala ko tuloy yung isa mong entry, yung sabi mo sa tatay mo na ano kaya kung magasawa ka ng mayaman, hahaha! natawa ko dun. Naalala ko ang unang beses na sinabi ko kay dadskie na magpapakasal na ko, sabi lang nya i-check ko daw sa NSO kung nde pa nagpapakasal evah ang aking future hub. Hayun, mas gigil pa ngayon ang tatay ko sa akin na maglakad sa aisle. Inihanda na nga ang barong, adik.
Basta, papadalhan kita ng imbitasyon. Odiba, public invitation itoh. Isama mo si mister E. Mag-duet kayo ng Cruisin’, pwede rin Low. *kileeegg*
[Reply]
April 28th, 2008 at 5:44 pm
Hanggang 8th floor lang ako pero hindi malabong mangyare sa akin ito. Dalawa kasi dito sa elebeytor namin eh boloks. As in hindi na umaakyat after ilang session ng elevation. Minsan pa nga eh nagkwento yung boss namen na semento ang bumungad sa kanya nung bumukas yung pinto nung elebeytor. Asa pagitan siya ng dalawang floor.
Hindi maiiwasan ang sakuna, kaya dapat lagi kang handa at meron kang baong tuwalya pamunas sa mga chicks na nahihimatay sa elebeytor.
Sa pagsakay-sakay ko sa elebeytor na to, wala pa akong nakakasabay na gusto kong makasabay palagi. Lahat sila mga may boyps na.
Nakakaantig nanaman ang kwento ni dyosa. Minsan gusto ko na din magpabalik-balik sa elebeytor para lang makahanap ng mamahalin ko… *sob*
[Reply]
April 28th, 2008 at 5:50 pm
hahahahha, nde…gusto ko lang nandun ka. ewan ko, feel ko lang. Uy, request ng bride yun ha, haha. Send-an kita ng details.
Ayoko naman ng public itoh diba, bigyan mo ko kahit ibang email add or personal chevers para dun kita makakausap, hehehehe.
Dontchawori, swimming partee ito after, so magdala ka na rin ng pampalit. hehehe. sama ka friend mo para di ka mailang. Asteeg, may ka-EB ako sa kasal ko. hahahah.
[Reply]
April 29th, 2008 at 7:24 pm
galing galing galing mo talaga… i like ur shorts heheh…
[Reply]
April 30th, 2008 at 7:51 am
wow nagrply si xienah, natuwa nman ako. hehe losilog kc stainless longganisa ni BO at silog mo nman! sarap na combi. sana maging libro din ang chiksilog! (sino gusto magpublish jan??)
(yap, site mo tlg unang open ko, minsan kc nkktamad na ang frndster so heto ang chiksilog para pampagana sa buong araw! whooaa, stay witty!)
[Reply]
April 30th, 2008 at 4:58 pm
ang galing nung kwento.. nakarelate ako sa katorpehan nya pati ung sinabi nya tungkol sa pagbubuwis para sa pagmamahal.. nakakarelate ako sa mga bagay na sinasabi nung nagkukwento dito.. galing..
[Reply]
April 30th, 2008 at 9:18 pm
ang gandang story, galing mo namang writer.
[Reply]
April 30th, 2008 at 11:54 pm
wow.. napatulala ako nang mabasa ko yung tong entry mo.. ang galing galing galing galing galing (to the 5th power na yan hahaha)…
napadaan lang ako, nagtitingin tingin ng mga blog tapos natagpuan ko to.. in-add ko agad sa bookmark kasi mahilig din ako sa mga tragic stories (hehehe parang tanga lang, mas mahilig akong masaktan keas kiligin lolz)
[Reply]