con yelo
hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. merong nagiwan sa akin sa blogsikret ng mensahe, corny daw ako.
tanging ina niya.
sa loob ng dalawang taon na naglalathala ako, ngayon lang ako nasabihan ng CORNY. hindi naman ako naiinis. hindi rin ako nagagalit. ang totoo, nagulat lang talaga ako dahil sa wakas, may bumatok sa akin na ihinto ko na ang pagiging ambisyosa ko para magising ako sa katotohanan. yun nga lang–napalakas, kaya medyo masakit.
hayaan ninyo na magbigay ako sa kanya ng maikling mensahe:
una. ang tibay naman ng mukha mo para tawagin akong tol. ano akala mo sa akin? manginginom sa kanto na nakikipaghabulan saksak sa kapwa tambay at kung sino ang mataya ko, dead? ang kikay ko kaya. ang landi ko na nga ng lagay na ito tatawagin mo pa ako ng tol? ulol.
pangalawa. sana nagiwan ka ng pangalan o kaya tirahan man lang ng sa gayon masusundo kita mula sa bahay niyo para maihatid kita sa kabilang buhay at makita mo si san pedro. hindi ko kasi alam ang daan papuntang impyerno. ang bait ko pa nga dahil kay san pedro kita ihahatid, at least may chance ka pa na makapunta sa langit. anak ka rin naman ng diyos.
pangatlo. yung corny na tinatawag mo, number 2 nga pala sa top10 humor blogs. ang pagiging corny ko ang nagluklok sa akin sa pwesto na iyon.
i love you so much. mahal na mahal kita. take care. god bless.
kung sino man siya, maraming salamat. sa sobrang pagpapasalamat ko sa kanya, gusto ko ilagay ang ulo niya sa frame tapos yung balikat niya ipapako ko sa pader namin para maganda at pantay ang kanyang pagkakasabit. aalayan ko pa nga siya ng cookies at magsisindi pa ako ng esperma tuwing ala sais ng gabi.
pwera biro.
hindi totoo ang kasabihan na manahimik na lamang kung wala kang masasabing maganda. mahirap para sa tao ang ituring na papuri ang mga puna at lunukin iyon ng buo ng hindi na nginunguya, pero ako? kaya kong gawin yun. bilib ako dahil bibihira lang ang mga matatapang na tao na nakakapagsasabi ng kapintasan ko–perfect kasi ako. wala naglalakas loob na ipamukha sa akin ang mga kahinaan ko. ako kasi yung tipo ng tao na ginagawang inspirasyon ang sarili kong kahinaan. alam ko madami ang naaangasan, nasusupladahan at natatarayan sa akin gayunpaman natutuwa ako dahil nirerespeto ako bilang blogista. hindi nga ako ang nagpauso ng blog pero taas noo kong masasabi na nakamit ko ang respeto ng karamihan sa mga blogista ngayon, lalo na yung mga baguhan–hindi dahil sa napapatawa ko sila kung hindi dahil sa natutumbasan ko ng higit pa ang respesto na ibinibigay nila sa akin.
ang ikinasasama lang ng loob ko, hindi ako ginalang–kahit hindi na bilang humorista o blogista, kahit bilang tao na lang. kahit bilang babae. babaeng bakla. naniniwala ako na merong tamang paraan para sabihin ang lahat ng bagay. nakakalungkot lang dahil hindi pwedeng hanapin sa google at matutunan sa wikipedia ang katangian at paraan ng tamang pagrespeto. naiintindihan ko naman, pet lover kasi ako.
ito ang isa sa mga punto ko kung bakit ayaw kong mapasama sa kategorya ng humor blogs–hindi naman talaga pagpapatawa ang layunin ko sa paglalathala. wala akong balak na gawin ang lahat posibleng paraan para pumasa ako sa kategorya ng joke para sa kahit na sino. naglalathala lang ako at masasabi ko na dagdag na puntos na lang ang mga ngiti at tawa na naibigay ko sa inyo.
kung corny ako, ano na lang ang itatawag natin kay ganito at saka kay ganyan? parang ayaw ko ng malaman. hindi ko gustong palakihin ang isyu. gusto ko lang malaman ng lahat na hindi perya ang buhay ko. hindi ko kayang pasayahin ang lahat ng nagbabasa sa aking blog. ako ang sagot sa pagkabaog, pero kahit kailan–hindi sa kalungkutan. hihingi sana ako ng tawad sa pagiging corny ko pero hindi ko magagawa yun dahil bukod sa hindi ko siya pinilit na basahin ako hindi rin ako binabayaran ng kahit sino para mapatawa kayo.
sa susunod na dudura kayo, siguraduhin niyong hindi kayo nakatingala. sa gayon, hindi natitilamsikan ng laway niyo ang mga katabi niyo. panghuli, pipiliin niyo yung babanggain niyo–yung walang kaibigan na handang sumugod dahil may kakayanan sila na maglocate ng IP address.
tangina, ang corny ko talaga.








April 22nd, 2008 at 5:59 pm
Alam mo yung nagcomment sakin dati na wala daw siyang naintindihan sa sinulat ko, natunton ko kung sino. pag nalaman mo din yang inggeterong nagiwan ng comment na korni ka pm mo lang ako, sugurin natin.
x marami kang napapasaya kaya kinaiinggitan ka. may “hater” ka na! congrats!
[Reply]
April 22nd, 2008 at 6:02 pm
baka siya ang corny!
[Reply]
April 22nd, 2008 at 6:41 pm
pakhim baby.
mas maganda ka naman. :D
ayos lang yan.
PS. Kung korni si ate x, ano naman, dyosa pa rin siya. At may korni bang napapatawa ang mga tao? Sus.
[Reply]
April 22nd, 2008 at 7:09 pm
isa lang masasabi ko, ang sama niya :|
[Reply]
April 22nd, 2008 at 7:11 pm
meyron din akong ganyan soulmate..ang dami nga nila…the more they hate, the famous we become..ahe he he…nagpapatunay lang yan na sikat ang itlog mo xiena..pak dem ol!oo nga?bakit number 2 ka at number 1 si inday?siya dapat ang korny!!i want more of xiena!!kahit corny talaga siya lab ko pa rin siya!!AHA HA HA
[Reply]
April 22nd, 2008 at 7:12 pm
halika x papatay na natin yan!
[Reply]
April 22nd, 2008 at 7:55 pm
sino yung tinatawag niyang corny???!! at tinawag kang tol???!!! whatdapak! ang corny nya! hahahaha!
[Reply]
April 22nd, 2008 at 8:03 pm
patay na! IP address?! hala, buhok lang sa ilong ang walang latay nito. hahaha!
yan ang dahilan kung bakit inihinto ko ang maanghang na salita ko nung nagtatanong ako sa blogsikret mo sa blogspot. haha.
sasama rin ako sa pag-locate ng mokong na yan. corny pala ah. si X, corny? wat the?! paano pa kaya si mariano na tumatambling na lang? lols
[Reply]
April 22nd, 2008 at 9:23 pm
Nanginig naman ako sa takot sayo!Hahaha! Hala,nagalit na si XG!
Paano kung umarkla lang ng kompyuter iyong may gumawa nun? Maari pa bang matukoy ang salarin sa pamamagitan ng IP address?
[Reply]
April 22nd, 2008 at 9:46 pm
akin na IP.. ay binigay mo na pala..
wag ka mag alala makikilala ko din yan alam mo naman na walang nakakalusot sakin, halos lahat ng anonymous blogger eh nakilala ko na yung tunay nilang pagkatao..
paliliitin ko titi nyan.. kung babae naman to palulugawin ko puke nya, sing luwag ng pasific ocean.
[Reply]
April 22nd, 2008 at 9:54 pm
alam ko naman hindi ka apektado nyan. hindi siguro makadownload ng porn kaya frustrated sa buhay hahaha.
ako nga madalas mong sabihang korni hehehehe
[Reply]
April 22nd, 2008 at 10:49 pm
baka si Ben din yan. rawr. bakit nga kaya kasi madaming mga douchebags na walang magawa sa mundo.
wag kang mag-alala, he will die a slow, painful death.
rawr!
hearts and kisses!
[Reply]
April 23rd, 2008 at 12:12 am
ate, baka naman na-bad trip lang s’ya tapos nabaling n’ya sa blog mo…
[Reply]
April 23rd, 2008 at 2:33 am
haha. lagot. ginalit niyo si xienah. haha. naalala ko yung sinabi mo dati na minamalas yung bumabangga sa iyo. haha. perfect example jan si mariano. haha. naaawa na lang ako sa pwedeng maging karma niya. =P
puso mo xienah.
sayang ang kagandahan. =P
[Reply]
April 23rd, 2008 at 8:28 am
dahil kalma lang si xG, considering na tinawag siyang corny.. kakalma na rin ako…
Kung sino ka man.. we lab you..from the bottom of our heart, down 6 feet under the ground. *wink
oi mare..pagaling ka…
[Reply]
April 23rd, 2008 at 10:16 am
sino yan umaaway sau?
giyera na kamu. hehehe
wag k nalang magsayang ng powers at energy xienah. baka inggit lng yan. ahehehe
ingats palagi=]
[Reply]
April 23rd, 2008 at 12:02 pm
Dalawang beses nang binanggit ang pangalan ko dito, mahiya naman kayo kay xG. Nasabihan na nga siya ng corny tapos idadagdag nyo pa ang pangalan ko sa entry niya, lalo niyang ikakasira yun!
Talaga nga naman kapag ang puno, hitik sa lupa eh mataba ang lupa. Kung ako ang sasabihan nun, sanay na ako. Wala naman kasing mawawala sa akin eh, matagal ko na kasi alam yun.
Pero ako yun at hindi ikaw kaya naman gusto ko lang malaman niya na hindi tama ang ginawa niya at maraming naapektuhan sa sinabi niya at hindi na siguro siya makakaranas ng kaswertehan sa buhay niyang ito.
Ayos lang yan, apir-apir na lang tayo dyosa. Isipin mo na lang na tinapik ka lang ng equality god para lang matimbang ka. Mataas na daw kasi ang presyo mo sa merkado kaya dapat meron ka ding kapintasan. Sige na, i-redirect mo na lang saken ang cornyness mo.
[Reply]
April 23rd, 2008 at 1:16 pm
ay sabagay.. kadire maglinis ng dugo ng corny.. kilala nyo na ba siya?
[Reply]
April 23rd, 2008 at 3:30 pm
Nangengelam lang ako, Nde tayo close xG pero i find it amusing when people find it in their hearts to tell the truth and let it all out.
However, more often than not, those who cast wicked stares tend to be the weak(ened) ones.
At one point TOL was giving us a glimpse of his/her own self.
Ludicrous.
[Reply]
April 23rd, 2008 at 4:28 pm
Since close na tayo, gusto ko lang sabihin na magaling kang manunulat/blogista. Namamangha ako kung paano nababalutan ng malupit na imahinasyon ang panitik mo.
Estilong bobongpinoy. *palakpakan* Malalim ang bawat tirada, kelangan mataba ang utak mo bago mo ma-dig. Kakabilib.
Dati na rin akong nagblog, sumubok. Niluma na ko ng panahon. Tumakbo kasabay ng mga idolo kong REM, Nirvana at Stone Temple Pilots.
Sean Kingston na kasi ngayon.
Pagpatuloy mo lang yan, nakikita ko ang sarili ko sa yo nung kolehiyo pa ako, nde naman ako ganun ka thunders, siguro nga lang nilamon na ko ng corporate world.
Intelihente kang nilalang at mahal ka ng mapaglaro mong bokabularyo. Alagaan mo yan.
Magpapa-autograph ako pag nalathala mo na ang unang blog compilation mo.
Pramis, nde ako hihinge ng complimentary copies.
[Reply]
April 23rd, 2008 at 5:11 pm
Ayun, mainam ang tirada ni unstrung. Parang gusto kong ikapipeyst yung nabanggit niya’t ikomento ko na din sa blog ko. Tsk tsk tsk.
“Ang puno kapag hitik sa BUNGA, mataba ang lupa.”
Yun ang gusto kong sabihin ano? Uhzar.
At malamang nangangati na din itong si Tol sa dami ng beses na napagbalingan siya ng kung anong remarks dahil sa ginawa niya.
Kung sino man si Tol, tolibudi bidouchou na lang siya.
[Reply]
April 23rd, 2008 at 5:45 pm
M, sige gagawan din kita. Napagkatuwaan ko rin lang tong Chicksilog pero panatiko na rin ako ng empermera dati pa. Silent stalker ni xG. :)
Nakabookmark na kasi sha sa laptop ko. Parang nagyabang lang ako dun, diba?
Madami nang magaling sumulat, nakakaaliw.
xG, komento lang. Nde ang blog ang luma, ako. hehe.
rakenrol.
[Reply]
April 23rd, 2008 at 5:48 pm
Pahabol: xG, pwede picture na lang ni mister E? haha.
[Reply]
April 23rd, 2008 at 6:08 pm
heheheh nakakatuwa naman ang style mong magsulat! corny ba un? wala yatang kakornihan akong nabasa… baka nman nainggit?
may nag iwan din dati ng comment sa blog ko, hindi daw ako marunong magsulat, wala daw kwentang sinusulat ko! Paki ko sa comment nya! nag thank you na rin ako sa kanya!
dalaw ka nmana sa akin tas exchange link tayo!
[Reply]
April 23rd, 2008 at 9:45 pm
grabe wag init ulo, halika inom tau..
huwaw alam mo na ang IP address niya? ahmmm wala rin naman mangyayari kahit na iblock mo siya na maka access sa blog mo, malabo un kasi public yung blog mo eh.. ndi mo rin pwede i-hack siya kasi may firewall un malamang at baka sa computer shop lang siya.. hehe..
well, hayaan mo nalang yung mga ganyan… relax..
[Reply]
April 24th, 2008 at 4:10 am
Tangina.. hahaha.. Ngayon lang ulit ako nakaraan dito diyosa.Senxa na. With angst- ang lakas ng loob ng nagsabi non! Bukod kay inday eh wala ng ibang may karapatang magsabi non sayo.
As usual, hindi ko parin nabasa ng buo ang entry. But the fact that I love you as a person still remains. Taena noh? Tibay non. Henglish pare, Henglish..
Tangina nung nagtanong non sa blogsikret! Ang baho ng trip mo!!!
[Reply]
April 24th, 2008 at 8:45 am
mejo magiisang linggo na kong nagbabasa ng blog mo…at sa aking palagay ay intelektual ang pagkakalathala ng iyong mga biro…di cguro kinaya ng powers niya at nasabing corny ka dahil lumuga ang utak niya patungo sa tenga ng mabasa ang mga blogs mong nakakatawa kung may utak ang nagbabasa:)
[Reply]
April 24th, 2008 at 11:30 am
xG. natakot na naman ako sa lathala mong ito. tama ka. hindi ka binayaran para mapatawa ang iba. hindi mo rin kami o sila inutusang basahin ang mga lathala mo. hindi mo rin kinokonsider ang maging humor blog dahil naalala ko nung empermera ka pa lang eh ilang ulit mong binanggit yun sa mga entries mo.
im kinda serious now. tama ka. like you ayoko nang ikonsider ang blog ko bilang humor blog na balak ko sana. mahirap pala. ano pa nga ang sasabihin nung nagsabi sayong korni ka pag nabasa nya pa uyng entries ko.
mahirap magplease ng tao. nakuha ko ang point mo.
dont wori xG. hindi naman nabawasan respeto namin sau.
:)
[Reply]
April 24th, 2008 at 12:53 pm
aba tara at sugurin.. hahaha..
nga pala san ka napapadpad at di kita naabutan magonline..
shet, namimiss na kita e..
[Reply]
April 24th, 2008 at 1:38 pm
sesegunda ako ki mia.. nasan ka xG???
wat keeps u goin on??..oops..mali..wat keeps u up?? wat?? ano ba.. ano na palang kinabbchan mo?? – bale yan lang naman talaga tanong ko.. wehehe.. (baka tawagin nya rin akong corny).. wehehe…
miss na kita!!!
[Reply]
April 24th, 2008 at 5:42 pm
I love pandas as I love you.
doobiedoobiedoo…
I misses you
I misses you
doobiedoobiedoo…
[Reply]
April 24th, 2008 at 7:31 pm
ei ei ei…
isa ako sa mga matyagang nag backread dito.
and masasabi ko lang na hindi ka naman corny kasi hindi ka naman talaga nagpapatawa.
simple lang naman kinukwento mo… pero maganda pag kaka deliver.
kudos!
[Reply]
April 24th, 2008 at 10:07 pm
Saktong post naman ni FerBert ng boxing kaya naman nainspire akong bumili ng punching bag at idikit ang IP address nung si Tolibudibu. Douchou. Kung nagkataon na nag-iwan siya ng picture eh di na ako bibili ng punching bag at baka gaas na lang at posporo para sa litrato niya.
Ako nanamaaaaaan ang naisakripisyo. Sa lahat naman ng kaibigan mo, ako lang ang korny haneh? Sige na nga, labsidabsi naman kita kaya papayag na ako. Tangina mo nga pala tol, sabi ko.
Oo, maniwala kayo kay xG, ganyan siya kagiliw sa mga kwento niya. Kaya naman ayaw kong magkwento siya ng mga ganitong klase sa personal kasi mararamdaman mong sumisingaw ang init ng po-ot sa kanyang katawan.
[Reply]
April 24th, 2008 at 11:00 pm
hehehe..
buti nga konti pa lang post ng naabutan ko.
at least medyo fresh pagiging datkomista mo.
kung dun ako sa isang site nag BR
magkaka grado salamin ko
[Reply]
April 24th, 2008 at 11:25 pm
Bilang pagtugon sa tanong mo kung nagsalaysay ka na ba ng may poot eh WALA PA. Lahat naman ng kwento mo tungkol sa pag-ibig, kainisan at a very minimal level, at majority na eh puro SMB. Ni wala ka ngang nabanggit na napakarami tungkol kay Tol, mas minabuti mo pang isulat na lang.
At ayoko na sigurong magkwento ka sa personal ng may halong poot dahil malamang eh hindi na ako makagalaw sa sobrang lakas ng hate aura mo nun.
[Reply]
April 25th, 2008 at 12:42 am
to xG: wow! may new hater ka ate xienah. pa-berger ka naman. “ber-ger! ber-ger! ber-ger!”
to xG’s hater:
if what you intend is to demean XienahGirl and her fans/readers/friends with your unsolicited opinion, or maybe it’s just that you’re too bitter like a bittergourd (haha, that’s corny, right?) to appreciate any witticism from this blog, whatever is it that you want to accomplish by your comment, congrats… you’ve successfully FAILED. please don’t try again. (o kaya, pa-berger ka na lang. matutuwa pa ako sa’yo. n_n)
to xG’s iPrends:
wag nating masyadong pasikatin at halukayin pa sa kailaliman ng lupa ang tunay na identity ni anonymous hater (pati kung may blog din ba sya). baka ma-exposed at kumalat pa sa hangin.
nakakasasama kasi sa ozone layer ng blogosperyo ang emission ng mga ganitong negative auras ng “corny-haters” (“mga-taong-galit-sa-korni” o pwede ding “mga-korning-magagalitin”).
tulong na natin ito sa kapanakanan at kalusugan ni inang kalikasan na nagbabanta ng global warning.
ipanalangin na lamang natin siya at ang iba pang kabuteng susulpot na katulad niya.
let’s pray for their souls. follow me …
“p*&^*^%@#;%*(”
ehy-men.
[Reply]
April 25th, 2008 at 8:52 am
ano ang mga anik anik na minu-muni muni ni xG??..wehehe.. talagang nakichismis..
[Reply]
April 25th, 2008 at 3:13 pm
aena xienah may lumapastangan pala sayo. ayos ah! antapang! buti naman at di ka nanahimik dahil baka sumakit pa puson mo kakapigil ng galit na yan…
tapusin na natin yang mga haters na yan. baka naman nagpapapansin lang sayo. kitams epektib! nasabihan mo pa ng i love you so much..ahehe! inggit ako
[Reply]
April 26th, 2008 at 9:13 am
Napadaaan!
Awoo, kilala ko ba yan? *blinks*
Anyway, mami. Wag ka na lang paapekto sa kanya. :D
[Reply]
April 26th, 2008 at 7:59 pm
homaygaddd! xG=corny? no. no. no.
yun lang. ;)
[Reply]
April 28th, 2008 at 2:47 pm
wala lang, uulitin ko lang sinabi nila. tapos yung sinabi mo, na intindihin mo nalang.
sus. hayaan mo na yun. sayang lang sa energy.
[Reply]