hari ng bato
akala ko hindi pa ako nakakapunta ng glorietta, yun pala–deja vu. nakapunta na pala ako, nalimutan ko lang na glorietta pala ang tawag ng mga taga pilipinas sa bulding na iyon.
anakngpitumputpitongputingtupa.
napagtripan kong gumala sa glorietta para ipamalakaya ang kagandahan ko. sayang naman kasi kung nakaimbak lang sa bahay namin. hindi ko naman pwede asnan ang sarili ko para mapreserba ang naguumapaw kong alindog kaya minabuti ko na lang na ilako iyon sa soyal na lugar. alam ko matagal pa ang santakrusan pero ayaw ko makisabay sa sagala ng mga bakla kaya pumarada na lang ako ng maaga at magisa. kung sino man ang nagsabi ng the early bird catches the worm, huwag magalala dahil di ko siya ipatutumba–wala namang siyang kinalaman sa ikukuwento ko.
pretty woman, walking down the street
pretty woman, the kind I like to meet
pretty woman
i don’t believe you, you’re not the truth
no one could look as good as you…
Mercy
mabuti pa si mercy, pretty woman. ako nga woman lang, pero mas madalas man. yikeee. kras yata ni roy orbison si mercy. kung sino man si mercy wala na tayong pakealam dahil lab layp nila yun. pero malamang friends lang sila. ganun naman lagi, diba? may bago pa ba? di na kayo nasanay. tsk. kung si roy orbison may pretty woman, si sean kingston naman may beautiful girls.
ang galing sumegwey. tae. ano ba spelling ng segwey? saglit, magoogle nga. segue pala. yun pala yun.
teka. saka na natin paguusapan yung kay jose marie chan, ibang kwento na yun.
tinext ako ni sean kingston, punta raw ako sa free concert niya sa glorietta. sabi ko naman: shucks! akalain mo yun? nagtatagalog ka na pala. nakakahiya naman baka sabihin niya indiyanera ako. ang totoo, cowgirl talaga ako kaya nagpunta na rin ako. nung naghahanap na ako ng magandang pwesto, kinunsidera ko yung madaling makakanenok ng wallet at makakatsansing–ang hirap pala. hindi pala madali ang magpanggap na maging magnanakaw at manyak ng magkasabay sa iisang lugar. dahil dun, napagpasyahan ko na lang pumwesto malapit sa entrance at tumambay. nadinig ko kasi, okey payn, sinadya ko talagang umepal sa usapan nung mga sosyal na indios at sinabi nila na kapag limang minuto na lang ang natitira at may bakanteng upuan pa ay magpapapasok sila ng mga outsider sa labas. parang naeksayt naman ako ng madinig ko yun kasi sawsaw na nga lang ako sa concert tapos may pagkakataon pa ako na maging outsider sa loob. panalo.
ako naman, antayera. ilang minuto ang lumipas may isang hitad na humahada kay kuya guard. sinusubukang pumasok. kala mo maganda, dukha naman. nagpakulot pa hindi naman bagay. prepared ang hitad. sabi ni kuya guard kung may passes daw ba siya? sabi ni hitad wala daw. paano naman makakakuha si hitad ng passes? hindi naman siya yung tipo na bibili ng halagang 500 sa kahit anong tindahan–yun lang ang paraan para magkaroon ng tiket. kunwari arte arte, konyo konyo ang hitad. abay akalain mong may friendster pala si hitad at pumwesto sa tabi niya. ngayon ang lumabas–nasa unahan ko ang mga hitadera. inagawan ako ng pwesto. nung mga panahon na iyon ang sarap talaga maghukay ng 6feet. ay talaga naman, ang sarap magtanim–ang sarap magtanim ng mga hitad. hinayaan ko lang. bagong buhay na ako. hindi naman ako panatiko, kaya ayos lang.
mayamaya sinabi ni kuya guard na atras daw yung mga dukha, siyempre di ako umatras. pero napilitan din ako nung sinabi niya na atras ang magaganda. ako naman masunurin, umatras naman ako. nagulat ako at napunta ang kagandahan ko sa likod. dahil alam ko na sobrang ganda ko, ayun nasobrahan din ang atras ko. naglabasan yung mga wrinkles ko. paano ba naman? dun ako naka pwesto kung saan kitang kita ko si kingston, kitang kita ko yung tarpaulin ni kingston. nung limang minuto na lang ang natitira, nagpapasok sila ng mga tao na pwedeng umupo sa bakanteng silya. malas. malas talaga. nakapasok ang mga hitad, pero ako? hindi.
mabilis naman ako nakarekober kaso ramdam na ramdam ko na out of place ako nun. ako na yung dapat na susunod na papasok. ayaw ko naman sisihin ang mga hitad pero dahil dukha sila, sisisihin ko pa rin. kasalanan nila kung bakit di ako nakapasok. nandon ako sa mismong entrance. para akong kawawa dun. kaharap ko si kuya guard. mukha lang ni kuya guard nakikita ko.
lumabas si wilson at alano. ganda ng legs ni wilson, kras ko talaga yun. tapos, simula na. teka. tapos pero simula? ang labo. basta, ayos ang sounds pero di ko pa dama. shy type ako. ayaw ko gumalaw galaw ng todo dahil baka pagpawisan ako. ayaw ko kasi talaga ang nagaamoy araw sa gabi. labas ang sean kingston, hiyawan lahat ng tao. hindi pa nga siya kumakanta pero pawis na agad. kuha siya ng tuwalya. punas sa ulo. punas sa leeg. tapon sa audience. nagulat ako kasi lalake yung kumuha ng tuwalya. einubeh. makipagagawan daw ba sa babae? meron pa nga nagtanong siya: sino daw ang gustong sumama sa kanya sa jamaica? natulala naman ako nung nadinig ko yun kasi ayaw ko sa jamaica. sa hongkong na lang para makapagdisney land ako. ang dami nagtaas ng kamay. kala mo naman alam nila kung saang parte ng mundo yung jamaica. habang kumakanta si sean kingston, tumitingin siya sa anggulo ko. wow, ang ganda ko diba? pero dinedma ko lang yun kasi performer siya at ek ek lang niya yun.
tayuan lahat ng tao ng bumaba siya ng stage. nabalewala yung upuan. habang naglalakad siya may humablot ng kwintas niyang bling bling. ang bait. hinubad yung kwintas at binigay. uulitin ko: HINUBAD YUNG KWINTAS AT BINIGAY. kung sino man nakakuha nun ay napakaswerteng nilalang. dun naramdaman ko na mabait si sean kingston. nasabi ko na ba mabait siya? naglakad lakad na siya at jackpot–pumunta siya sa lugar ko. maswerte pala ako. labs ako ni father god. ginanahan na ako simula nun. nahawakan ko siya. ahahahay. malas nung mga hitad, hindi nila nahawakan si sean kingston. nahawakan ko yung pagkakintab na relos niya. wow. gusto ko nga sana hablutin yung singsing niya pero baka sabihin naman nenokera ako kaya huwag na lang. masaya. ang lapit niya sa akin. saka nadarama ko talaga na mabait siya. may ganung enerhiya. hindi ako panatiko pero gusto ko siya dahil bukod sa magaling kumanta ay mabait rin siya.
isang oras lang yung concert pero sulit. galing galing. ito ang kaunaunahang foreign artist na napanood ko–sa pagkakatanda ko. nalimutan ko yung gutom ko. kahit nga yung zipper ng pantalon ko di ko na naisara at nung pauwi ko na lang naalala. iba talaga yung pakiramdam ng pers taym. sa una nahihiya ka pa pero sa bandang huli todo bigay ka na. masakit pero masaya. may alinlangan pero masarap. nakakapanginig ng laman.
aral ng moral lesson:
siguraduhing full battery ang telepono para makaiwas na magbayad ng pagkamahal mahal na pagchacharge nito sa pampublikong lugar para lang makausap ang mga bloggers sa pamamagitan ng yahoo mobile messenger na hindi rin naman pala makakapunta.








April 18th, 2008 at 8:25 am
hehehe. xG anong time ba nagsimula? nagdaan ako sa glorietta eh inaayos pa lang yung stage eh..
okey lang hindi naman ako panatiko ni sean kingston.
naenjoy mo tlaga ha heheheh ;)
[Reply]
April 18th, 2008 at 9:15 am
ay ayus yan ah. andun ka pala kahapon, dumaan din ako dun eh. pero nung na-sense ko na may blogger na malapit dun umalis agad ako. haha
bilib ako sa pateince mo, talagang dinaan mo na lang sa ganda.
[Reply]
April 18th, 2008 at 9:19 am
Hanggang karatula lang din ni Sean Kingston ang nakita ko. Dun ata sa may bandang Ayala ko nakita at nasabi nga na dadating daw siya dyan.
Kung di lang dahil dito sa pistingyawang trabaho ito eh malamang-lamang naman eh nakapunta din ako diyan at nakipag-indakan sa Byotipol Gerls.
Minsan mahirap talaga ang maging maganda, bukod sa mainit sa mata ng office employees, medyo napapaatras pa ng todo pag kapangitan ang basehan ng libreng upuan.
Congrats at nahipo mo si Sean. Malamang kasi byotipol gerlalo ka nga.
[Reply]
April 18th, 2008 at 10:12 am
natawa naman ako sa kwento mo xienah.
para sayo ba yung kanta ni sean kingston na un?
bat di kasi ako sumama sa inyo nun e para naman nakita kita. tsk!
ingats palagi ha=]
[Reply]
April 18th, 2008 at 11:34 am
ay naku.. mas magaling pa ko kumanta saka mas mabait pa ko kay sean kingston..
sino nga sya ulet? hahahaha
napakaswerte nung nakakuha nung blingbling nya.. taena! magkano kaya yun pag sinangla? tiba tiba yung mokong na yun..
[Reply]
April 18th, 2008 at 12:57 pm
naku mare..dapat tinuloy mo pagnenok nung relo.. lappie na mare katapat nun..wehehhe…
[Reply]
April 18th, 2008 at 1:02 pm
Seang Kingston of the Philippines ako! hahahaha
yung pic kong naka aviator shades saka semi kal pa ako eh hawig daw sa cover ng album ni sean.. boo!
labas tayo ngayon! papakalunod ako sa alak! hehehehe
[Reply]
April 18th, 2008 at 2:49 pm
haha. ni hindi ko nga alam na dumating si sean kingston sa pilipinas! =P
yung beautiful girls hate na hate ng roommate ko dahil nung naadik ako sa kantang yun, paulit-ulit kong kinakanta at pinapatugtog di lang yung version ni sean kingston, pati yung kay jojo. mantakin mong pati instrumental eh pinatulan ko rin? haha.
ang lakas ko pa naman maka-LSS. lahat ng nakakatabi at nakakasama ko nun eh nahahawa sa LSS ko kaya galit na galit yung roommate ko. haha. magkwento ba raw. =P
[Reply]
April 18th, 2008 at 4:04 pm
suot suot ko ngyon ang bling bling na kuha ko kay sean kingston..astig! para lang ako aso rito na nagco-computer..ahahha!
sana hinablot mo na rin yung relo nya para sulit na sulit ang binayad mo. di ako fan ni sean kingston dahil wala ako maalalang ibang kanta nya maliban sa byutipul gels na yan..kay jose mari chan pa rin ako. “beautiful girl wherever you are..i knew when i saw you…”
[Reply]
April 18th, 2008 at 9:06 pm
hindi talaga ako makaget over sa bilbil si shang kingstong.
sa rip off nya ng d’yer mak’er ng led zeppelin
sinayaw namin to sa p.e. (social dance – chachacha) nung college.
~wenawenawey for duin may pers kraym..~
[Reply]
April 18th, 2008 at 10:09 pm
wow! xg at sean kingston??!! bagay!!! hehe! tipo mo ba yung mga ganun??
[Reply]
April 18th, 2008 at 11:30 pm
Hindi kaya para sa’yo ‘yung kanta ni Sean Kingston na Beautiful Girls? Hmm. Girls. Sige, sa ating dalawa para “girls.” :D
Haha. Naki-epal naman ako. :P
[Reply]
April 20th, 2008 at 10:30 am
aba, nakikipagkita ka pala sa mga blogger dyan? Pag umuwi ba ako, makikita kita?
Hahahaha!
[Reply]
April 20th, 2008 at 2:56 pm
Dahil nawala ang comment ko, magcocomment ulit ako.
anakngtupangkinabayo.
nandito pala si sean kingston.
bakit di ko alam yun? T___T
[Reply]
April 20th, 2008 at 3:34 pm
bat nawala yung comment kong maganda?
[Reply]
April 21st, 2008 at 11:44 am
wow ang galing ng nakakuha ng bling bling. san na kaya nagpapa-party un. harrr.
hi xg! =)
[Reply]
April 22nd, 2008 at 10:22 am
Alam mo ba na ayaw ko din kay Sean ngunit dahil sa blog mo, at sa sinabi mong mabait siya, nagbago na yata ang perspektibo ko sa kanya.
[Reply]
April 22nd, 2008 at 3:06 pm
sana nahawakan mo yung pantalon ni S.K.,
para hinubad at binigay din sayo.
[Reply]
April 22nd, 2008 at 4:13 pm
Bakit nga ba hari ng bato ang ipinangalan sa lathalang ito? Kasi madaming bato sa katawan si Sean Kingston 2GB Flash Drive?
Nagtaka lang naman ako.
[Reply]
April 22nd, 2008 at 5:09 pm
Kung ako sayu kinuha mo na lang ang relo at sing sing niya,remembrance kung baga. O di kaya ang mic na gamit nya. pa frame mo at ilagay xa wall of fame…ahe he he…gusto ko ding marining si jose mari chan na nagrarap…teka?si sean kingston pala pinanood mo no?churi…
[Reply]
April 24th, 2008 at 7:35 pm
tangna! binigay nya yung bling bling?!
sabi ko na eh .. peke mga bling blings nila eh. ehehe
pero swerte ni koya/ati na nakakuha nun ah.
[Reply]