rejoice
paano kung magasawa ako ng mayaman?
isang araw tinanong ko yan sa tatay ko habang pumepetiks siya sa salas at ako naman ay kaswal na nagiinternet sa harap ng computer.
wag muna
bakit wala kang reaksiyon?
hindi naman sa ganun. pero sa ngayon, wag muna.
hindi nga? paano kung magasawa ako ng mayaman?
wala na akong magagawa kung yun talaga ang nakatakda para sa iyo diba?
nagbibiro lang naman ako nung tinanong ko ang tatay ko tungkol sa kung ano ang mangayayari kung magpapakasal ako sa mayaman. hindi imposible yun, sa ganda kong ito? pwede na nga akong magescort service sa mga mayayamang asukalera de papa. malas dahil nagdamdam ang tatay ko. hindi raw siya makatulog sa gabi. ayos lang, mas magtataka talaga ako kung hindi siya makatulog sa umaga.
sineryoso ng aking tatay ang sinabi ko. balak ko pa man ding biruin siya at sabihin na buntis ako pero parang next lifetime na lang siguro–yun ay kung anak pa rin niya ako. ang mas mahalagang tanong, gusto pa rin kaya niya ako maging anak?
hindi ko alam, ang sama ko. parang naiyak naman ako ng bahagya sa kagagahan ko. ayan na nga yung luha, nangingilid na sa mata ko. ang dami kasing pangarap ng tatay ko para sa prinsesa niya, para sa akin. nasira daw yung diskarte niya para sa buhay ko. nung marinig ko yun parang kinurot yung puso ko, naging mahapdi ang bawat paghinga ko simula noon. hindi dahil sa tambay ang gusto ng tatay ko na mapangasawa ko kundi nararamdaman ko na ayaw niya pa ako magasawa. bata pa ako. kahit ako hindi ko rin maisip na may asawa na ako. boyps nga wala, tapos magugulat na lang siya may asawa na ako at eto pa–buntis ako. sang parte ng utak ko naman nakuha yung ideya na yun?
isa pala ito sa mga natatagong dahilan kaya wala akong boyps–ayaw ko magdamdam ang tatay ko. naging sapat ang pagmamahal ng pamilya ko sa akin para hindi na ako maghanap pa ng iba. pakiramdam ko noon kumpleto na ako. nagaral ako ng maigi. nagsikap akong makatapos. matataas ang mga marka ko sa eskwela. umuuwi agad ako sa bahay. hindi ako bumabarkada. pinipili ko ang kaibigan ko. hindi ako naglalakwatsa. hindi ako nakikipagmabutihan sa mga lalake. hindi ako sumubok magkaroon ng siyota.
ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat, mahal ko ang tatay ko–ayaw ko siya masaktan. alam ko na kapag nasaktan ako ng lalake dahil sa katanghan ko sa pagibig, doble ang sakit na kailangan pasanin ng tatay ko. ayaw ko na maging sanhi ng kahit ano na ikalulungkot ng tatay ko. ayaw kong dagdagan ang problema niya–hindi ako kahit kailan naging at magiging problema niya.
i dont want to be a disappointment to my family thats why i decided to be the daughter he wanted me to become.
akalain mo na nakakapagenglish pa ako sa ganitong pagkakataon. hindi naging mahirap para sa akin ang maging prinsesa, natural kong nagagampanan yun. hindi naging mahirap para sa prinsesa kung paano pasayahin ang hari ng pamilya. yayakapin ko lang, kuntento na. konting ungot ko sa layaw, nasusunod agad. hindi ako humihiling sa kanya dahil alam ko na gagawin niya ang lahat para ibigay sa akin iyon. madalasnga hindi na ako humihiling pero binibigyan pa rin niya ako.
wala akong natatandaan na kahit ano na ginawa ko na ikinasama ng loob niya. WALA. hindi sa nagmamalinis ako pero ganung ang naging paraan ko sa pagiging anak. mabuting tao ako, pero hindi ako santa. nagkakamali rin ako, nagkakasala pero nababalewala yun dahil mahal ako ng tatay ko. pero mas madalas talaga, hindi ako nagkakamali. pramis. sus.
tangena naiiyak ako. patawarin niyo ako. kailangan ko muna magpunas ng uhog. matapang akong bata, awayin niyo na ako wag lang pamilya ko dahil sila ang lakas at kahinaan ko. hindi ko na mababawi yung nasabi ko sa tatay ko, pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi ako maging sanhi ng sakit ng ulo niya. hindi naman dahil sa hinahayaan ko na patakbuhin niya ang buhay ko, ang punto ko: anak niya ako at buong puso kong gagawin iyon ng paulit ulit.
ang totoo, mukhang matatagalan pa naman ako magpakasal kaya makakahinga pa ng maluwag ang tatay ko. ipagpapaliban ko muna yung kagustuhan kong magkaanak. gusto ko magpakasal pero ayaw ko ng matrimonya. bata pa ako para sa ganyan. alam ko, darating din ito–ang araw na magpapakasal ako sa lalake na ituturing ako bilang reyna niya. wala ng magagawa ang tatay ko dun kundi ang maging masaya siya para sa akin. sabay sabay natin na lilingunin ang lathalang ito at hindi ko alam kung ano na ang magiging estado ko sa mga pagkakataon na yun. kaya ngayon pa lang sinasabi ko na kung sino man yung magpapakasal sa akin siguraduhin mo lang na mayaman ka at di mo ako papaiyakin.








April 11th, 2008 at 2:02 pm
nak ng teteng ako na naman nauna oh? Xienah biruin mo yun nakapagpost ka habang abalang abala ka para sa partey mamaya?? hehehe. pupunta ba sila kokey? hehehe.
sayang hindi ako imbayted. kasi hindi ko pa alam kung pano magpost sa sibaks mo hehehe.
okey ka ng magpakasal xienah no. nakapagdebut ka na naman. o ayan nga may parteeeeyyy pa kayo o?
for sure maganda design ng party mo no? nagputol ka ng mga dahon ng niyog? naggupit at bilot ng crepe paper? naks, ang sosyal naman xienah ha. ang saya ng party mo :)
re sa entry : sabi ko nga pede ka na magasawa. hanapin mo yung nanalo ng lotto na worth 249 milyon tax free, single daw yun walang anak. yun nga lang 59 years old na nyahahaha :)
ENJOY SA PARTEY maya :)
[Reply]
April 11th, 2008 at 4:44 pm
una sa lahat goodluck sa partei..wehehe
at eto pang morning shift na ako sa blogosphere, kaya naman parang pangalawa ako sa komento..wehehe…
Ikaw ba’y daddy’s lil gurl?? tsktsk..sarap nun..kaya mejo mahirap nga kung ikay magiging pasaway..which is hindi ka nga naging isa..tsktsk..nakakabilib un..
Malamang sa wedding ceremony mo nyan sa isang mayaman na groom, luluha yan si tatay..tsktsk..pero pagnabigyan mo na yan ng cute na apo..sus tuwang tuwa yan..
enjoy enjoy pala uli…wehehe..
[Reply]
April 11th, 2008 at 10:38 pm
buti pa kayo ganyan yung tatay n’yo… ang swerte n’yo… nakakainggit naman… ‘di ko pa kasi na-experience yung ganon e… yung “gagawin ang lahat para ibigay sa akin iyon. madalas nga hindi na ako humihiling pero binibigyan pa rin niya ako.” yun.. di ko pa na-experience… kabaligtaran nga ata yung akin e… minsan lang ako humiling pero hindi pa n’ya binibigay… hindi tulad ng inaakala mo… hindi s’ya isang rare item o super mahal na item… ang gusto ko lang naman ay membership sa cp… ang totoo nga, ako pa yung magbabayad pero ayaw parin n’ya… bank account lang n’ya yung hihihiram ko… wala na ‘kong hiningi sa kanyang iba… ‘di naman ako masyadong pasaway… matagal na rin naman nung last time na may hiningi ako sa kanya… siguro mga last year pa… hay xg… ang swerte mo…
[Reply]
April 11th, 2008 at 10:52 pm
dahil competitive nga ako at hindi ako nagpapatalo, sasabihin kong ganyan din ang dad ko at nobela din itong comment ko.
haayy… mahirap yang ganyan. alam ko nararamdaman mo. ako na bunso at daddy’s little boy. ahem… hindi ako pwedeng makalabas ng bahay ng hindi tumatawag o ng walang kasama. baka daw mapasali ako sa isang gang o maghithit ng marijuana. pilit ko naman ipinapaalam sa kanya na di ako sasali sa gang dahil rockers ako at kung hihit-hit man ako ng weed eh sa bahay na lang din, kaya di na sya dapat naga-alala. ahihihih!
mahirap yang ganyang daddy, yung tipong di ka na mapakawalan, para kang pet na alagang-alaga. yung masyadong emotional dahil sinabe mo, “dad magpapakasal na ko mamaya sa las vegas”. yung araw-araw kang tinatawagan sa cellphone kc lumayas ka at di alam kung buhay ka pa. prang walang freedom diba.
pero in the end dahil ayoko rin namang nakikita na umiiyak daddy ko, uuwi na rin ako, kahit lasing at mukhang nasapak. ayus na. ahihihii!
sana nga makahanap ka ng mayamang mapapangasawa na may kapatid na cute na boylet na ise-set up mo sakin. ahahaha!!
ayiiiii!!
[Reply]
April 11th, 2008 at 10:56 pm
p.s. HAPPY PARTY!!
[Reply]
April 12th, 2008 at 12:20 am
Ang hirap talagang maging daddy’s daughter. Biro mo, kumurot sa kin yung malaking expectation sa yo ng parents mo tapos bibiglain mo sila sa isang bagay na hindi nila aasahang gagawin mo dahil may plano pa sila sa iyo, o talagang ayaw ka nilang bitawan dahil mahal na mahal ka nila.
Pero wala pa ring magagawa ang tatay mo kung dumating na talaga ang panahon na hindi mo maaaring piliin ang mga magulang mo kapalit ng lalaking mahal mo higit pa sa buhay mo. (Yuck, love topic. wayemaytokingabawtit?) Pinalaki ka nila, inaruga, minahal para balang araw, kaya mong tumayo nang mag-isa. Masakit para sa ama mo, ngunit wala siyang magagawa.
Pero kung wala ka pang mapapangasawang mayaman, e di wait ka laang di-yan. Aba’y enjoy munang payamanin ang sarili bago i-share ang fortune, di ba? LOLOLOLOL!!!
[Reply]
April 12th, 2008 at 4:08 pm
Walang kinalaman tong comment na to sa entry mo dahil hindi ako makamove on sa party tulad ni popoy
Electra Complex ba ito? hehehehe
mama’s boy ako at karaniwan din naman sa mga babae eh daddy’s girl. pero nung namatay na si mama eh naging close na rin kami ni Papa. masasabi kong idolo ko ang tatay ko dahil hindi nya kame hinayaang maghirap, lahat ng luho eh sinasagot nya, at kahit na ilang beses akong magrebelde at magkamali eh tinatanggap pa rin nya ako. Hindi ko alam kung baket ganun sya, at ni minsan eh hindi pa nya ako napalo o nakitang nagalit man lang sakin. Lagi nya akong inaalala. at kahit na matanda na ako eh hindi ako nahihiyang mag i love you sa kanya. Tuwing umuuwi pa nga yun ng pinas eh hinahalikan ko pa sya sa pisngi bago ako umalis ng bahay.
:D
[Reply]
April 12th, 2008 at 7:31 pm
kaya pala no boyfriend since birth.
ganian din sakin daddy ko nun. nung wala pa kong boyps. ayaw niang nkikibarkada ako kung kani-kanino. may curfew. gusto nia namimili ako ng kaibigan. sa lahat ng pupuntahan ko, kailangan hatid-sundo ako. hanggang malapit ng matapos highschool life ko, ganian ako. eh nung ngkaboyfriend ako.. nagselos ata. nung una, hinayaan niya ko.
tas naging maluwag na siya sakin. basta lang magpaalam ako, kung may pupuntahan man ako. okay na daw yon. sinasanay na daw niya kong maging independent.
hindi totoo yung sinasabi ng mga kabataan na iba na walang tiwala ang mga magulang sa mga anak nila pag ngiging strict sila. kabaliwan lang yun.. pagmamahal lang ang reason. wow, ang baduy ko.
[Reply]
April 12th, 2008 at 8:24 pm
It’s the same thing as being a mama’s boy, babaeng baklang bathaluman, fyi. I think you can easily dig on that when you read elementary literary, right? :p
Aba’y oo nga. Nagkwento ako tungkol sa lab. (*iling-iling). At inaaway mo na naman ako? -_-
Hmmm… madaling makapangasawa ng mayaman. Alindog mo lang, xG. Alindog mo lang.
Rrrr..
teka… wait (*flushes himself out of the scene)
[Reply]
April 12th, 2008 at 9:04 pm
kinurot din naman ang puso ko.. parang ganito din ang dahilan ng tatay ko kaya siya naiyak nung ipinakilala ko si dhie sa kanya.
napaisip tuloy ako kung hihiwalayan ko na ba si dhie o wag. hay buhay life..
nabuksan bahagya ang aking mga mata dahil sa entry mo na yan xG.. isa ka talagang dyosa..
naiiyak ako takte talaga..
[Reply]
April 12th, 2008 at 9:21 pm
BAT BA ANDRAMA NG POST MO AH.
:P Dyosa na pala ang mami ko ngayon hehe. Nga pala, kaya ako napapunta dito sa site mo ay dahil sa pag-aakalang may GABBY post ka na!!
Wala pa pala. :(
[Reply]
April 12th, 2008 at 10:24 pm
Marami rin ako ng away. Nabili ko sa University admin. Buy 1 take 1 pa nga eh. Gusto mo? :p
(*sigh) may aftertaste pa rin sa kin ang entry mo. Kalungkot. Pero di pa mangyayari sa kin yan.
Magpapayaman muna ako bago magparami. Bwahahahahahaha!!!!
[Reply]
April 13th, 2008 at 12:35 am
ansarap namang isiping may mga anak pa pala sa generation natin na kagaya mo. im so proud of you.
sa totoo lang, naiinggit ako sa kalagayan mo ngayon. maayos naman ang f&d relationship namin ng itay sa isat isa, pero nagkakalamat lang dahil sa paminsan minsan nilang turingan nila ng inay. syempre, pagtatanggol ko rin nanay ko. mahal ko din yun eh.
..yun eh nangyayari lang naman kapag sapi ng espiritu ni San Miguel.
beergilio kasi pangalan ng itay. err. virgilio pala. trivia: junior nga dapat ako kung naging lalake ako. josko. buti nalang naging babae ako. hence, the name vera. oha!
[Reply]
April 13th, 2008 at 4:28 am
mayaman ako. Period.
game na?
dyuk lang baka maniwala ka. Hahaha!
[Reply]
April 13th, 2008 at 7:42 am
pasensiya na at di ko pa nababasa. makapagcomment lang muna. baka sabihin mo ano eh… wehehehe… mahiwagang magic piaya na galing kay smb at hindi kayamanan ang ikaliligaya mo. :P
[Reply]
April 13th, 2008 at 12:41 pm
hehehe
ang kulit ni ateh!
[Reply]
April 13th, 2008 at 2:55 pm
ganyan din tatay ko. pati pa nga nanay eh.
kaya ngayong may bi-ep na ako. ayaw maniwala. kunwari lang daw na may bi-ep ako. sus. pasalamat sila asa bundok ung juwawhoops ko kaya di ko mapapabayaan silang mga magulang ko. hahaha.
haaaay. parents.
:)
wag lang mayaman asawahin mo. gwapo at mayaman. at matalino. at mabait. at masipag. at faithful. LOL meron pa ba nian. hahahahahaha malay naten
what xienah wants, xienah gets.
LOL
[Reply]
April 13th, 2008 at 9:21 pm
sana mabasa ito ng tatay mo. siguradong matutuwa yun sa iyo. ^_^
i’m my dad’s favorite daughter kaya mahal ko rin ang dad ko. di nga lang masyadong obvious. hehe. kahit minsan pasaway ako, alam ko mahal ako nun. kaya nga favorite eh. hehe. pero wala siyang choice dun. dahil ako lang ang anak niyang babae.
[Reply]
April 13th, 2008 at 9:57 pm
wait. mamaya na. napapaluha na ako.
namimiss ko tuloy si father, ate x naman eh.
teka teka. tumutulo na. wait. tissue!
[Reply]
April 14th, 2008 at 1:38 pm
XG Hindi talaga ako makapagmove on sa parteeeyyy na yan. madaya talaga kau. galit ako galit hahahaha :)
[Reply]
April 14th, 2008 at 3:20 pm
XG : lam ko na magpost sa sibaks mong private hehehe
[Reply]
April 14th, 2008 at 4:01 pm
Ganun naman kadalasan ang magulang sa mga babaeng anak nila, lalo pa’t panganay. Kailangang protektahan dahil iba na din ang panahon ngayon at mahirap ang umasa sa mayamang asawa tulad ni Ruffa.
Pero sa mga lalake naman ganun din ang style. Ayaw din naman syempre na nagbabarkada at nagkakagulo ang buhay.
Itong buhok ko eh malaking issue pa din sa magulang sa kung bakit ayaw kong magpagupit at kung ano-ano pang kabulastugan na di naman ikasisira ng buhay ko pero ayaw lang talaga nila.
Basta ang mga dahilan na pagsusungit nila eh nagmumula lahat sa pagmamahal. Kung di ka kasi mahal ng magulang mo, di ka na sana naipanganak at natambak ka na sa Limbo.
[Reply]
April 14th, 2008 at 4:26 pm
hay naku.. namiss ko tatay ko bigla.
[Reply]
April 14th, 2008 at 8:53 pm
ang malamang na mangyari sa akin eh ang tatay ko ang magtanong sa akin nyan.
“Anak, ok lang bang magpakasal ako sa isang byudang may isang anak na dalagita?”
Tugsh. Uunahan na naman ako ng tatay ko
[Reply]
April 15th, 2008 at 7:58 am
haaay.. iba talaga pag ang tatay ang usapan..
[Reply]
July 11th, 2010 at 3:51 pm
ewan kku za inyung lhat ..
[Reply]