yellow line
sir pambabae po dito, dun lang po tayo sa panlalake
hindi ko alam kung sino ang kinakausap ni manang guard. hindi siya nakatingin sa akin nung nagsalita siya pero alam ko na ako ang tinutukoy niya. lumipat ako sa kabilang linya para pumila. nang ako na ang papasok, agad na sumenyas si manong guard–pwede na raw ako pumasok kahit hindi man lang niya tiningnan ang bag ko, pati ang mukha ko.
araw araw naman ganito rito, masyadong madaming tao lalo na kung ganitong oras. sawa na siguro si manong guard sa iba ibang mukha na nakakasalamuha niya. umakyat ako sa hagdan kasabay ng mga nagmamadaling kung sino man habang kinukuha ko ang phone ko sa aking bulsa at ikinakabit ang earphones sa aking tenga.
shit naman, low batt yata ako.
ito na nga ba ang sinasabi ko–kung kailan naman ako bibyahe ng matagal saka naman ako hindi nakapaghanda ng baterya. ayos lang. papatayin ko muna ang phone ko at bubuksan ko na lang mamaya para magamit ko kapag nakasakay na ako sa tren. ibinalik ko na ang aking phone sa kaliwang bulsa at dumukot na lang ng bente pesos sa kanang bulsa.
isang single journey
mahaba ang pila pero mabilis naman ako nakakuha ng ticket. sinuklian ako ng aleng nakasimangot na nasa likod ng salaming binta ng 5 piso habang iniaabot ang magnetic card. habang naglalakad ako papunta sa machine, minasdan ko ng maigi ang card kung nasaan ang itim na arrow–yun kasi ang palatandaan sa kung anong parte ng card ang una mong ipapasok sa machine. medyo kupas na nga nakasulat sa card pero kabisado ko na yun at ipinagmamalaki kong sabihin na kahit kailan, hindi pa ako nagkamali sa paggamit nito.
ipinasok ko ang card at lumabas yun sa kabilang parte ng machine. pumasok na ako sa mismong istasyon ng tren–monumento station. dulo ito ng lrt kaya madami talaga ang tao, sayang gusto ko sana kumuha ng Libre kaya lang paparating na ang tren. hindi na ako pwede magpatumpik tumpik pa dahil ayaw kong maghintay para sa susunod na biyahe.
hindi maiwasan na magkatulakan ng likod dahil sa paguunahan kung kanino tatapat ang pinto. siyempre nakisiksik na ako, sakto lang ang dami ng tao kaya hindi ako gaanong nahirapan. parang walang katapusan ang pagaantabay sa kung kanino bubukas ang pinto. ilang segundo matapos huminto ang tren, sa wakas bumukas na rin ang pinto. unahan sa pagpasok ang mga tao dahil ayaw nila magpalamang sa upuan.
sir, doon lang po tayo sa kabilang tren.
sir? ako nga yata yung tinutukoy niya. tinuro ni manong guard sa pamamagitan ng kanyang batuta ang pinto ng sumunod na tren. napangiti na lang ako at napailing kay manong guard. hindi na ako pumalag. nakakapagod. sa araw araw na ginawa ng diyos, palagi na lang ako sinisita para lumipat sa kabilang tren. nagmadali akong bumaba sa unang tren at tumakbo papunta sa pinto ng kabilang tren. narinig ko na ang buzzer–hudyat na magsasara na ang pinto at papaalis na para bumyahe.
sandali lang. huwag niyo muna isasara.
nakaabot nga ako, pero huli na dahil wala ng bakanteng upuan. umaandar na ang tren pero naglalakad pa rin ako para maghanap ng metal hand railing na pwede ko mapagpwestuhan–nagbabakasakali na baka may bumaba kaagad para makaupo ako.
approaching 5th avenue station
doon pa lang ako nakakita ng kumportableng lugar. habang lumalayo ang tren, dumadami ang mga taong sumasakay kaysa bumababa. minamasdan ko ang mga tao sa paligid, lahat sila nagmamadali na parang hinahabol ang sarili nilang oras. nalingat ako sandali at hayun tumayo ang lalakeng nasa tabi ko.
ang tamad naman nito, 5th avenue station pa lang bumaba na?
naisip ko, nakakatawa. pangalawang istasyon pa lang bumaba na siya? sana nagjeep na lang siya ng nakatipid pa. pero kanya kanyang trip lang yan.
upo ka na dito
sabihin man nung lalake na yun o hindi, uupo talaga ako. kamuntik pa ako maunahan nung isang babae sa pwestong nabakante. malas niya, mahaba ang paa ko at mabilis akong kumilos. nang kumportable na akong nakaupo, inilabas ko ang aking phone at ipinasak ang earphones sa tenga ko para makinig ng mga paborito kong kanta–ito lang naman ang pwedeng gawin bukod sa tumingin tingin at magobserba ng mga taong sasakay at bababa.
papalapit na, R. Papa station.
menu. down. down. down. extras. sounds. play.
sana talaga umabot ang baterya ko hanggang sa dulo ng biyahe. hindi ako mahilig matulog sa sasakyan at ayaw ko magmukhang tangang nakatulala lang sa hangin habang nakasakay sa lrt.
song: temperature
artist: sean paul
napapaindak talaga ako sa tuwing nadidinig ko ang kantang ito. hindi ko maiwasan na maigalaw ang mga paa ko kasabay ng pagtugtog ng kanta.
ay sorry po.
sa kakaindak ko–nasangga ko ang paa ng lalakeng ito. ngumiti naman siya. siguro nagtataka siya kung ano ang ginagawa ng baliw na yun sa harapan niya. teka lang, siya ba yung nagbigay sa akin ng upuan? kala ko ba bumaba na siya 5th avenue station? akalain mong meron pa pala talagang kagaya niya sa panahon ngayon. ano naman ang problema nitong lalakeng ito, bat tingin ng tingin? kasasabi ko pa lang na maginoo pero kung makatingin naman parang may malisya.
abad santos station, approaching abad santos station
bumaba na ang katabi ko kaya napaupo ang lalakeng naunang nagbigay sa akin ng upuan sa tabi ko. hindi niya iwinawaglit ang kanyang mga titig sa akin. naiilang na talaga ako.
pota naman talaga.
at nawalan na ng tuluyan ng baterya ang phone ko. tapos ang maliligayang araw ko. tinanggal ko na ang earphones ko at itinabi ang phone ko sa loob ng bag ko. seryoso ako, ang sarap talaga sikuhin itong lalakeng katabi ko, kanina pa tingin ng tingin.
blumentritt station, blumentritt station
nakikita kita na laging sinisita ni manong guard
ako?
oo, ikaw. lagi ka kasing sumasakay sa pambabaeng tren.
ganun ba? agaw eksena na pala ako.
manyak ka siguro ano?
ano daw? kung makangiti naman itong lalakeng ito parang nangungutya. ako? manyak? siya kaya kung makatingin parang holdaper. patawarin naman sana niya ako kung lagi ako pumapasok sa pambabaeng tren ng lrt. sinusubukan ko lang naman si manong guard kung gaano katalas ang pakiramdam niya. malas ko lang dahil ginagawa niya talaga ang trabaho niya.
papalapit na, Tayuman station
maganda yung gupit mo, anong tawag diyan?
nakita ko lang ito sa magazine ang pangalan the convertible
panlalake yung gupit na yun diba?
oo nga, bagay naman sa akin.
huwag ka na babalik dun sa pinagpagupitan mo
pakiramdam niya close kami para magbigay siya ng payo? hindi porket ibinigay niya sa akin ang upuan niya may karapatan na siya sa kung ano ang mga dapat kong gawin. pero ngayon ko lang napansin, gwapo pala siya. kaya lang antipatiko,
bambang station, huwag po natin salubungin ang mga bumababa–hindi po natin sila kamaganak.
hindi ko talaga maiwasan na matawa sa tuwing binabanggit yun ng train operator. isang istasyon na lang, bababa na ako. sa wakas makakalayo na rin ako sa lalakeng ito. nakakainis na kanina pa ngiti ng ngiti. kala niya madadala niya ako sa pagpapacute niya.
doroteo jose station, doroteo jose station
boy, yung panyo mo nalaglag.
ay, hindi po sa akin yan.
tumayo na ako at naglakad papalapit sa pinto. kakaunti na lang ang tao kaya hindi ako nahirapan. huminto na ang tren at bumukas ang pinto nito. ilang hakbang pa lang ay napahinto na ako dahil hindi ko makita kung nasan ang magnetic card.
yung magnetic card, nasan na?
kinakapa ko sa jacket ko. wala. sa bulsa ko, wala rin. sa bag ko, wala pa rin. ayaw ko magbayad ng multa para sa kapiranggot na piraso ng card. di bale na nga. kakausapin ko na lang ang manegement ng lrt baka sakaling maawa sa akin at pauwiin ako ng buhay.
miss ganda, sandali lang! miss ganda!
napalingon ako sa direksiyon kung saan nanggagaling ang boses. siya na naman? kelan ba ako lulubayan ng lalake na ito? nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin para iabot ang card.
naiwan mo ang magnetic card mo
naku, salamat nakuha mo pala
oo nga, galing ko ano?
paano mo nalaman na
na babae ka?
oo
lumingon ka nung tinawag kitang miss ganda.
aaaaah.
ang kapal ng mukha mo ano?
hahaha. gago ka rin.
nakita ko ang screen saver mo bago nawalan ng baterya ang phone mo
screen saver?
oo, ang ganda nung babae na nasa screen saver.
ganun ba?
oo, pero mas maganda siya sa personal.
biglang tumigil at tumahimik ang magulong mundo ng lrt station. wala na akong ibang nadidinig kundi ang tibok na lang ng puso ko habang nakatitig sa kanya. nakakailang na pagkakataon ito. hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko–ang isasagot ko sa mga ngiti niya. ang ikikilos ko, pati paghinga ko hindi ko alam kung ititigil ko na.
ayan na yung buzzer.
magsasara na yung pinto
sige mauna na ako sa iyo
sige babay
bye miss ganda, ingat ka.
gusto ko ng matunaw. lahat ng mata ng mga usiserong pasahero nakatingin na sa akin para hanapin kung sino ba si miss ganda na tinutukoy ng lalake na iyon. mukhang nadismaya sila dahil ang tanging nakikita nila ay isang babae na kumportableng magsuot ng damit na panlalake. habang siya ay kumakaway, unti unti naglaho ang kanyang imahe sa likod ng pinto ng lrt kasabay ng pagasa na mas makilala ko pa siya. kakaibang lalake, bibihira lang ang nakakasigurado na babae nga talaga ako kahit na sinusubukan kong magdamit ng panlalake. mas kumportbale kasi ako kapag ganito, sa pagiging magaslaw at hindi pino, pero hindi maikukubli ng mga katangiang ito ang totoo–na babae pa rin ang isip at puso ko.








April 9th, 2008 at 1:24 pm
@XG : ndi mo ko iniimbayt sa kiddie party mo.. galit na tayo xienah. bad ka!! hmpf..
:)
HAHAHAHAH :)
[Reply]
April 9th, 2008 at 1:27 pm
astig. nakakainggit naman yung kwento mo:D parang gusto ko ring magsulat, hehe.
[Reply]
April 9th, 2008 at 2:14 pm
@XG ang daya nyo talaga. seryoso na to. galit na ako. BWHAHAHAHA!!!
HAPI BETDEY ULET XIENAH ;)
[Reply]
April 9th, 2008 at 2:22 pm
parang hana kimi lang ah.. hahaha.. pero ang ganda ng storya.. mabuhay ka! :) apir
[Reply]
April 9th, 2008 at 2:36 pm
@XG:
Naku inlab naman to si XIENAH??hehehe
[Reply]
April 9th, 2008 at 2:43 pm
ambilis ni komski magbasa hahaha
hayun
hi miss ganda!
:-h
[Reply]
April 9th, 2008 at 3:00 pm
Aba naman, kwentong tibo ba itich? Ahay, grabehan namang katungeksan ng mga gwardya’t di man lang nahalatang babae nga pala ang sumasakay sa women’s section ng tren.
Kung ako ang lalake, Boy Ganda ang isisigaw ko dun at hindi miss ganda.
Sabagay ang mga model naman kadalasan astang lalake din at simpleng panlalake lang din.
Korni nung lalake. Di man lang bumaba para mag-antay na lang ng sunod na train.
[Reply]
April 9th, 2008 at 5:14 pm
ah eh…
sino ba yang tibong yan?
is it you?
may jabee part ba dito? bat di ko nabasa? anong pinagsasabi ni popoy..
ah eh
kitakits sa friday!
[Reply]
April 9th, 2008 at 5:37 pm
ehehe. xb ka pala dapat eh.
chivalry is not dead. it’s only sarcastic. nyehehe.
[Reply]
April 9th, 2008 at 6:55 pm
Mabilis ba? Wala kasi ako magawa kanina, kaya nagbasa ako at nagkomento pa, at hindi lang dialogues ha, hehe:) anung inedit mo?
[Reply]
April 9th, 2008 at 9:13 pm
Mama, ang haba!
:) Pero I enjoyed the stuff and all. Hindi ko akalaing fiction ang mga stories mo – kung di mo lang sinabi saken…. :P
[Reply]
April 9th, 2008 at 9:29 pm
buti pla nagbasa ako ng comments… akala ko kasi totoong nangyari lolz… ganda ng story..
[Reply]
April 9th, 2008 at 10:33 pm
Noong una, akala ko sa ibang POV to, kasi may sir. Yun pala POV mo, kaso naman, fictional. :P
MISS Ganda.
DUH. Dyosa eh.
Obvious ba?
[Reply]
April 9th, 2008 at 10:55 pm
ang ganda ng entry na ito.. love it!! :D
[Reply]
April 10th, 2008 at 12:10 am
ang galing. pwedeng ng movie, miss maganda. cast mo ko, kahit si manong guard lang ako.
[Reply]
April 10th, 2008 at 12:22 am
Ayos to ah! hahah! Di ako tumigil kakabasa, natapos ko ng 3 mins! hahah! :))
gawa ka pa nito haha! nakakainspire :D
[Reply]
April 10th, 2008 at 5:26 am
kilig ako pinsan :X
[Reply]
April 10th, 2008 at 5:44 am
1. dahil competitive ako sasabihin kong natapos ko basahin tong nobela mo in ten seconds lang.
2. buti sana kung may bigote ka, madali lang mapagkamalan. balita ko talagang nakakabighani ang beauty mo.
3. ang landi ng boylet sa train, sana kinuha mo cp #, tas bigay mo saken para may ka-text ako. ahahah!
4. kapag nakauwi ako, ikaw na pala una kong hahanapin para magkaron din ako ng fans club na susundan ako kahit saan. kahit sa train lang.
5. alabyu na! ahahhaha!!! oi, girlash ako ah… ayiiii!
[Reply]
April 10th, 2008 at 9:49 am
syempre binasa ko ng buo.. na-hook kagad ako eh.. hehe! sana madami pang ganito.. :D hmm, xg, pwede ko bang gawan to ng pelikula?? film student kasi ako.. baka pwede ko tong gawin sa mga future prods ko, tapos lalagay ko na “story by xienahgirl o real name”..
[Reply]
April 10th, 2008 at 11:27 am
ikaw ba yung girl sa story? hehehe. wala lang.
[Reply]
April 10th, 2008 at 12:07 pm
hindi ko naramdaman na mahaba.. siguro dahil sa nakaaaliw na flow..parang nanonood lang ako…
kung ganto ang mga passages sa ielts hindi ako makakatulog in the middle of exam..wehehe..
plano mo tlaga magpagupit??..naku sayang ng buhok mo..naransan ko na ung uber ikli..ok naman at tatlo na raw lalakeng anak ng tatay ko..wehehe
[Reply]
April 10th, 2008 at 12:44 pm
Syet, ang haba ng post mo kung di ka lang malakas sa akin, di ko to babasahin! Hahaha! Effort na naman to! lol
Anyway, na curious tuloy ako kung paano ka pumorma?!
[Reply]
April 10th, 2008 at 1:24 pm
magpakita ka naman kahit konting “skin”
kaw din?! lol
[Reply]
April 10th, 2008 at 2:15 pm
hindi kita binobola..pero pwede kong bolahin reviewers ko..ahaha.. kung barber’s cut ang gusto mo sa barbero ka pumunta, wag sa parlor..wehehe..sabagay nga naman nakakatamad magsuklay saka ang mahal mahal na ng shampoo at conditioner..weheh..ako talaga minsan nakaalis bahay walng suklayan..ahaha..
[Reply]
April 10th, 2008 at 2:26 pm
weeee.. ehehe kyut ng post. naka-relate ako sa ‘isang babae na kumportableng magsuot ng damit na panlalake.’ ;)
[Reply]
April 10th, 2008 at 10:20 pm
kay haba naman nito. hehehe. natry ko ang maging boyish. mga mahigit isang dekada na ang nakararaan. haha.
[Reply]
April 10th, 2008 at 10:21 pm
Andy! Andy!
Umm…
Ashiya! Ashiya!
—-
Naks… panatiko ng mga babaeng crossdresser ah. Astig ang short. Napabasa talaga ako.
Halimaw ka talaga! :D
[Reply]
April 10th, 2008 at 10:59 pm
ang ganda! nalilito ako nung una, kala ko brokeback. yun pala she’s a girl ahihihih ang cuuuuute. :)
ps. i’m not gay (dipensib)
[Reply]
April 11th, 2008 at 10:32 pm
wow naks! gusto ko poh tuloy makita sa personal… maganda daw kayo tsismis nila e… hehe…
[Reply]
April 14th, 2008 at 4:19 pm
Ms. Ganda, galing ng kwento mo.. parang Mahabharata. lol.
[Reply]
April 22nd, 2008 at 10:27 am
Hahaha! Ako naman, simula elementarya pa lang,napagkakamalan ng tomboy.
[Reply]
July 17th, 2008 at 4:54 pm
hi dyosang xienah, squatter ako sa datkom mo…hehehe, saya nitong isang to….parang john lloyd/bea ang dating!!!! wahahahah….ito at ang lahat ng mga posts mo, nakakaaliw….
[Reply]