Apr
7th

i am xG

Myspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace Glitters
Myspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace GlittersMyspace Glitters

hindi kayo naliligaw. nasa chiksilog datkom pa rin kayo at wala sa kahit kaninong nakakasilaw na friendster profile. seryoso, kapag may magiiwan ng ganitong komento sa friendster ko, sisikuhin ko talaga yung nguso hanggang sa malunok yung pustiso. magtigil kayo. makuha kayo sa salita. wala ako sa mood.

oo, tama–wala ako sa mood kahit dineklarang holiday ang bertdey ko. hindi ako masaya sa tuwing sasapit ang araw kung kailan ako ipinanganak. ang totoo, mas inaabangan ko pa nga ang biyernes santo kaysa sa bertdey ko. biyernes santo ang pinakapaborito kong araw dahil ang tahimik, mapayapa at ang babait ng mga tao–daig pa ang kabaitan ng mga tao sa tuwing sasapit ang kaarawan ko. hindi naman sa hindi ako masaya dahil hindi rin naman ako malungkot, ang gulo diba? kumbaga ngayon na 7,671 days na akong nabubuhay sa mundo parang wala lang, kalma lang. chillax. parang normal na araw lang. wala naman dapat ikatuwa at ikaaligaga dahil hindi naman ako artista na lalabas sa paborito ninyong variety show para magkaroon ng espesyal na production number kasama ang aking mga bloggertropa na nakita ko backstage.

21. bente uno. dalawamput isang taong gulang. wow. thats like less than twenty two and more than twenty. you know? its like the product of seven times three. kamanghamazing. binata na ako. nung nakaraang taon sinabi ko na naninibago ako dahil sa 2 na nagsisimula ang edad ko, walang hiya. hindi pa nga ako nakakamove on mula doon kaya heto ako at mas maninibago sa pagsusulat ng edad ko dahil sa bukod sa 2 may 1 na kasunod. useless information brought to us by chiksilog datkom.

im not a girl not yet a woman. bakit? bukod sa napagkakamalan akong estudyante kahit ako ay propesyunal na, nais ko rin sabihin na babaeng bakla ako. babaeng bakla ako. isa pa, babaeng bakla ako. ewan ko na lang kung di pa tumanim sa kokote niyo yan. dami damihan niyo kasi ang paginom ng nilagang lagundi ng sa gayon ay mawala ang pagkasabaw ng utak niyo. dahil alam na natin na ang identity ko ay babaeng bakla sinasabi ni erikson na kailangan ko tumalon sa panibagong baitang: intimacy vs isolation stage. bowl craft. halata naman na isolated ako. yiheee. einubeh. hindi nga, wala ako sa intimacy dahil nasa isolation stage ako ng buhay ko. i isolate myself from myself. masyado kasi akong madaming self. hayaan ninyo, gagawan natin ng paraan yan sa takdang panahon. malapit na. sapat na yung 21 years na paghihintay hindi ba? huwag niyo na masyadong problemahin yan dahil baka sumakit lang ang batok niyo sa sobrang stress. ako nga di ko pinoproblema yan, kayo pa kayang mga inggiterong kapitbahay?

merong isang survey na ginawa tungkol sa kung sino ang pinakakinaiinggitang babae at ang nangunguna sa listahan ay si KC Concepcion. kabertdey ko siya. wala naman. trip ko lang sabihin. naisip ko, babaeng bakla talaga ako dahil hindi ako naiinggit sa kanya. hindi ako kagaya niya na magdiriwang ng month long birthday celebration sa pamamagitan ng 4 part drama series. hindi rin ako kagaya niya na magdiriwang ng kaarawan sa ampunan. kahit magkabertdey kami–siya yun, ako ito. magkaiba kami. wala man akong karangyaan na tulad ng sa kanya, alam ko mapalad rin ako. mapanga, maputi at mas maganda lang siya ng bahagya pero kahit pareho kaming maganda, magkaiba pa rin kami.

dahil sa magkakaiba tayo, hindi ako katulad ninyo at wag ninyong asahan na makakabisado ko ang inyong bertdey. ayos lang talaga sa akin na hindi ninyo kabisado kung kelan ang bertdey ko dahil gayun din naman ako sa inyo. patas lang. sinasadya kong ibahin ang petsa ng kaarawan ko sa mga social bookmarks hindi para manglito kundi para malaman kung sino ba talaga ang totoong nakakaalam ng tamang petsa. awa naman ng diyos, meron naman mangilan ngilan na nabibilang sa daliri. huwag magalala yung mga taong nagkamali ng bati sa akin dahil hindi ako magagalit dahil lang dun. ang babaw. oo, obligasyon ng mga magulang ko na tandaan ang bertdey ko pero hindi niyo kailangan gawin. uu, paramis. hihi.

tuwing bertdey ko, nagsisimba lang ako. konting bili diyan, konting kain diyan tapos–yun na. tapos ang bertdey. wala akong press release na anek anek o churva churva. mairaos lang ng matiwasay, keri na. pero gusto ko ng maiba. gusto kong sumubok ng madaming bagay. panahon na para sa pagbabago. bilang panimula, nagsuot ako ng bagong underwear. matagal ko ng nabili ito, nung bagong taon pa. medyo masikip, hindi nakakahinga yung mga ariarian ko dito pero keber niyo, bago kasi kaya walang pakealamanan.

ipinagdiriwang ko ang bagong taon sa kaarawan ko. natutunan ko yun kay juday monay santos. ganun daw kasi siya kapag bertdey niya, sabi naman ng self ko ang tambok ng pisngi niya. tama siya. ito ang natanging araw kung saan binibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon na baguhin ang pagkatao mo–na maging mas magaling sa kung naging sino ka noong nakaraang taon. hindi ko man maitatama ang mga mali pero kailangan subukan na matuto mula doon at sa parehong paraan ay makapagsimulang muli.

sabayan niyo ako sa panibagong simula ng aking buhay. kampay para sa panibagong taon ni xG, maligayang kaarawan sa kanya.


40 Responses to “i am xG”

  1. gyk
    Apr 7, 2008

    wow! kabirthday mo pala si KC!
    pag birthday ko din, simba lang tas kakain lang sa labas… masaya nako dun. pero mas masaya din kung may gift. hahaha. and kung sino man si juday monay na hindi ko talaga kilala, sa tingin ko maganda idea niya na mas magandang icelebrate ang bagong taon sa birthday.

    HAPPY BIRTHDAY ATE XIENAH!

    di ko alam kung ano gift ko sayo kasi mukhang nasayo na lahat. beauty, brains, pera (sponsored posts, haha).. pero, if may request ka na alam mong kaya ko naman (wala pala akong pera, ate. haha), anjan lang shoutmix ko okaya sa ym. again….

    HAPPY BIRTHDAY!

    sa kamalas malasan, kabirthday ko nga si KC. tama ka–mas masaya kapag may regalo. si juday monay si judy ann santos, nadinig ko yun sa isa sa mga interview niya. anong nasa akin na ang lahat? marami kang pwede ibigay sa akin gyk, lalake. haha. wala akong lalake. hindi naman malaki ang pera sa sponRev, tamang pampagana lang. haha. salamat sa binigay mo sa aking jpeg file. garabe. salamat. matagal ko na hinihingi sa iyo ang header pero keri na ito. salamat. ang angas. haha

    [Reply]

  2. mnel
    Apr 7, 2008

    happy bday x.

    ^_^

    salamat mineli. kita tayo sa eleben, dalin mo regalo ko. bwahaha.

    [Reply]

  3. Neil
    Apr 7, 2008

    Batjaluman!

    Sengil chukhahe. :D

    gustong gusto ko talaga kapag tinatawag mo akong bathaluman. napakagirlie. hahaha. ikaw lang tumatawag sa akin nun diba? haha. sabagay madami kasi nagpapanggap na diyosa diyan sa tabi tabi. tsk tsk. kapal ng mukha. haha. susubukan ko ang maging bathaluman. parang mas maganda sa pandinig. ?????

    [Reply]

  4. gyk
    Apr 7, 2008

    inaantok na ko.. ito nalang nakayanan ko.. hehehe.. http://tinyurl.com/6cc48m

    [Reply]

  5. arvin
    Apr 7, 2008

    hapi bertday! dramang birtday post naman, hehehe:D

    madrama ba? parang normal ko lang ito. di ka na nasanay. haha. salamat sa pabati.

    [Reply]

  6. M
    Apr 7, 2008

    Panalo. Patok. Apir to the max para sa dyosa ng blogosperyo. Kung san man nakakabili ng dahon ng lagundi para sa kung anong sakit. Yun na lang ang pagtagayan natin sa birthday mo, ang dahon ng lagundi.

    Sana lang kung aalis ka, isuot mo na ang bago mong underwear para masanay na ang ariarian mo at makatikim ng bagong environment.

    Ano pa ba? Wala, happy birthday sayo dyosabeh.

    patok? panalo diba? sabi ko sa iyo wag mo lang ako pagkakakausapin e magiging healthy talaga ang brains ko. gusto mo ba yung inihaw na dahon ng lagundi? tae. ano ito? para naman tayong nagbabahay bahayan. haha. oo sinusuot ko na nga yung bago kong underwear para lumuwang naman kahit paano. medyo choosy at spoiled kasi itong mga ariarian ko. salamat sa pabati.

    [Reply]

  7. lunes
    Apr 7, 2008

    maligayang kaarawan sa diyosang si bebeh X!

    Pula ba ung binili mong underwear?? dapat pula maliban sa peborit mo sya..bday mo rin ngaun..at swerte raw ang pula na underwear!!

    Napaka saya at binata ka na. yeah yeah!! pwede na manligaw!! manligaw na tau xG!!wehehe.

    Naku di ko makakalimutan bday mo!!kasi magkasabay kau ng bstfrnd ko..kaya lang mag28 na sya ngaun..ahaha…

    Nawa’y maging healthy ang mga itlog at manok ni xG..sumagana ang nursing career..mapasok ang intimacy at kalimutan ang isolation. Mas maraming entries.. Sumaya at maging mapayapa ang pagiging binata.. at dumating ang BAGONG LAPPIE!!

    Salamat sau xG!!! Lab ka namin!!

    haha. nakikibebeh ka na rin mare? harujosko baka mapagkamalan tayong mga tibo. haha. madami akong binili–isang set ito. uu may pula dito. ayos parang laging red day. haha. binata na ako. pakers, hindi lang ako pwede manligaw dahil makakabuntis na rin ako. haha. oo dapat talaga ipagdasal ang manok ko at ang itlog ni somemaleblogger. hahaha. nursing career mare? meron niyan. madami, ako lang may ayaw. yung isolation medyo nalilimutan ko na nga. hahaha/ bagong lappie? ewan ko. bahala na si father god. haha. salamat mare. mahal tayo ni jollibee.

    [Reply]

  8. FerBert
    Apr 7, 2008

    Ayos! Bente Uno na! binata na!
    weeeee

    maligayang birthday XG! :P

    oo. binatang binata na ako, binatang bakla. sheeeth. salamat sa pabati.

    [Reply]

  9. mia
    Apr 7, 2008

    binata na you.. :) happy birthday xG! apir..

    salamat miatots. regalo ko kamo pasabi kay miong. hahaha

    [Reply]

  10. jep
    Apr 7, 2008

    happy birthday… ngaun ulet ako nakadalaw at aba may magandang selebrasyon pala akong nadatnan.. Happy birthday ulet..

    oo nga napansin ko din na ngayon ka napadalaw, pero ayos lang. yung selbrasyon sa iabng araw gaganapin. haha. salamat.

    [Reply]

  11. camilleeee
    Apr 7, 2008

    apee birtdey xienah!
    kampay!! :D

    salamat. kampay kampay. haha

    [Reply]

  12. popoy
    Apr 7, 2008

    hey hey heypi bdya xG :)

    21 ka na debut mo na ha?? hehehe piZ!!!

    buti wala kang dopelganger?

    parang hihikain ka sa pabati mo ah. haha. oo debut ko na. opisyal na. ganap na binata. haha. dopelganger? ano kala mo sa akin kaluluwa? haha

    [Reply]

  13. jeck
    Apr 7, 2008

    nice post ha. panibagong simula. ngayon din natatapos ang hiatus ko. hehe
    happy birthday, XG! :D

    salamat naman at nagustuhan mo. haha. mabuti at tapos na hiatus mo. balik ka na.

    [Reply]

  14. Meryl
    Apr 7, 2008

    Wahaha. Akala ko ayaw mo ipaalam bertdey mo? Hahaha.

    At dahil babaeng bakla ka… Meaning kalahati babae, kalahati bakla. So doon sa kalahating bakla, may kalahating lalaki… er. Wala lang. Binata ka na!

    “Steady lang.” – ‘Yan ka! Or pwede ding sakto lang.

    oo nga ayaw ko ipaalam kasi naaaligaga sila. oo basta yun. yung baklang parte ng pagkatao ko e binata na. haha. steady lang ako. kalma.

    [Reply]

  15. Holy Kamote
    Apr 7, 2008

    today is an official holy-day.

    dahil may dyosang dalawampu’t isang taon ng nakikipagsiksikan sa masikip na mundo ng mga tao. congrats naman at successful ka sa pag-isolate sa sarili mo.

    na-inspire tuloy akong bigyan ng hustisya ang nangangamote kong blog, at gumawa man lang ng makabuluhang tema sa mga may kaarawan. (mamaya siguro, pag hindi na ako tinatamadz)

    minsan lang ‘to. tapos hayatus ulit.

    n_n

    hahaha.
    pipipi.
    berberber.
    deydeydey.

    happy new year, too!
    binibining eks-dyi.

    san ka na naman galeeeeeng? tama ka eric. 21 years na akong nakikipagsapalaran sa mundo ng mga tao. mahirap pero kakayanin ko. pwede mo ba akong gawan sa blog mo? yiheee. haha. hiatusero. ewan ko sa iyo pero salamat sa pabati.

    [Reply]

  16. iamsomeone
    Apr 7, 2008

    Happy birthday to you!

    http://tinyurl.com/57md5c

    salamat. salamat ng madami.

    [Reply]

  17. jojitah
    Apr 7, 2008

    it’s a holiday, coz it’s your birthday today.. oh yeah.. oh yeah.. ;)

    oo, tinext ko si gma sabi ko pakideklara na holiday ngayon–sumunod naman. hahaha. salamat mare sa hapi bertdey mo.

    [Reply]

  18. Ayiene
    Apr 7, 2008

    ito na. nalaman ko na rin na kaarawan mo ngayon. :P

    isang napakaligayang kaarawan sayo binibining xienah.

    greetings is good but i need gifts – xG

    ttry ko maghanap talaga! sana marami kasi akong pera para mabilhan kita ng havs. XD

    oo, madami ka namang stuff diyan sa bahay niyo. pwede na yun. kahit yung plasma niyo o yung ref basta may laman keri na. ok? haha. sabihin mo sa parents mo kapag hinanap namisplace mo lang. haha

    [Reply]

  19. cHeRrY mAe
    Apr 7, 2008

    tsk tsk.. sabi ko na nga ba today’s da day..

    HABERTDAY! ~.^

    today is the day. salamat ng marami.

    [Reply]

  20. loudcloud
    Apr 7, 2008

    I’ll keep this brief but never short on fond wishes:

    HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY X! :)

    yiheee. tatlo yung happy. yiheee. salamat carmelo. yiheee.

    [Reply]

  21. saminella
    Apr 7, 2008

    heyheyheypidbay mare.

    mwah.

    sasasalamat mare. x0×0

    [Reply]

  22. mr_d
    Apr 7, 2008

    11.23… umabot pa. happy birthday xienah

    haha ano ba gusto mo paabutin ng 11:59pm? naknangtokwa you naman. haha. salamaaaaaat. yung regalo ko ah? wag mo kalimutan. sabi mo iaassemble mo ako ng bagong pC diba? yiheee.

    [Reply]

  23. gyk
    Apr 7, 2008

    gusto mo ng header? ok lang yon. kung gusto mo talaga, bigay ka lang ng details. lakas ka sakin eh. hehehe..

    oh wow. ang bilis ng reply ah. haha. wag na nahihiya ako. em shuper shyr. haha. wag mo ako pilitin. haha.

    [Reply]

  24. buffalo soldier
    Apr 7, 2008

    dahil sa kaarawan mo..mag-iiwan na din ako ng comment dito.. :lol: nakikifree reading lang ako sau parati eh… maligayang kaarawan tsong..
    x link tau kung oks lang

    haha. lurker ka pala. salamat sa pabati. daan daan ka lang palagi dito. salamat.

    [Reply]

  25. mia
    Apr 8, 2008

    beh si miong may topak na naman. hahaha! adik talaga yun! happy birthday ulit! apir

    nakikibebeh ka na rin? haha. kanino ka pa ba magmamana ng kabaliwan mo miatots? siyempre kay miong. haha

    [Reply]

  26. kuri
    Apr 8, 2008

    HAPPY BIRTHDAY Xg!
    njoy ur day!
    add kita ha.friends?

    salamat kuri. salamat naman.

    [Reply]

  27. popoy
    Apr 8, 2008

    Xienah hindi ko talaga mawari kun gpano magpost jan sa tagboard mo eh wala namang txtbox para pagtaypan ng letters????

    yun ang hanapin mo kung paano popoy. haha. nakaprivate nga ang cbox ko. tsk tsk tsk. mahahanap mo rin yan.

    [Reply]

  28. coldman
    Apr 8, 2008

    happy birthday to you
    happy birthday to you
    happy birthday, happy birthday
    happy birthday to you!

    effort yun ah?!

    tandang ka na ngayon, meaning binata ka na (lol)

    seriously, I wish you more blessings and journeys! Keep on blogging my friend, marami kang napapangiti. =)

    aww. ang sweet naman ni coldman. yiheee. wala pa nga kumakanta sa akin ng happy birthday. bihira lang. salamat. oo tama tandang na ako ngayon. sus na yan. salamat sa mensahe mo. salamat salamat.

    [Reply]

  29. yeye
    Apr 8, 2008

    katams nagbalik na ako hehehehe

    nibati na kita kahapon sa multiply…

    pero haberdey padin

    namiss kita hehehe

    di ko na xado nibasa post mo. haba eh. hahaha

    mainam naman at nagbalik ka na katams. di ko pa nakita yung sa multips pero salamat ng maami. oo nga mahaba, kelan ba ako nagkaroon ng maiksing entry? haha

    [Reply]

  30. Marianong Hubad
    Apr 8, 2008

    Kakantahan na lang kita…

    Happy Birthday to you
    You belong to the zoo
    With the monkey and the donkeeeeeey.

    Happy Birthday xG!!!

    the gorilla is youhooooooo

    [Reply]

  31. GODDESS
    Apr 8, 2008

    Happy Birthday!!! sana makuha mo yung gusto mo.sana maging masaya ka… God bless!

    salamat naman sa pabati. happiness talaga ang mahalaga sa buhay.

    [Reply]

  32. cedeux
    Apr 8, 2008

    happy happy bday!
    ingats palagi ha.=]

    salamat. gege. iinom ako lagi ng biogesic.

    [Reply]

  33. gasti
    Apr 8, 2008

    uy happy bertdey xienah! 21 yrs old ka lang pla? tapat na ba yan? hehe! tama ka..new year mo na ngyon este kahapon pala…

    wag mo gagayahin ang mga plastikang bertdey party sa mga tv. naiirita ako sa ganung eksena..kala mo naman importante sila sa lahat ng tao. lols! pero gusto ko magkaron ng vtr na pabati mula sa mga kaibigang totoo sa bertdey ko.

    uu 21 lang ako gasti. hahaha. tapat na yan. wala ng bawas walang dagdag. hindi na ako tutubo niyan suki. haha. oo di ko gagayahin yun kasi di naman ako artista. yiheee. maganda nga yung vtr na yan. tama. salamat sa pabati.

    [Reply]

  34. Leyn ?
    Apr 8, 2008

    woi! bumebertday!

    taenang buhay to.
    wala na ba akong makikitang babaeng blogger na ka-edad ko o mas matanda sakin. haha.

    more birthdays and glitter greets to come!

    meron yata akong kilala na mas matanda sa iyo. madami. si ano saka si ano. di ko pwede banggitin basta pagdating sa edad pro madami diyan. haha. uu nga. nadali ako sa glitter text. haha. salamat sa pabati.

    [Reply]

  35. mia
    Apr 8, 2008

    oo nga e., manang mana ako kay miong, tsk tsk

    magtataka talaga ako nun kung sa nanay ko ikaw nagmana. haha

    [Reply]

  36. Holy Kamote
    Apr 9, 2008

    grabe. wala nga yatang hustisya. dahil wala akong nai-post nung lunes!

    mas nauuna ko pa kasing dalawin tong blog mo kesa maglogin sa account ko at magsalitype kausap si sarili.

    basta kahit mawala na kaming mga hayatuseros, tuloy-tuloy pa rin dapat sa pangingitlog itong datkom mo.

    hapi-berdie ulit.
    binibining eks-dyi-beinte-uno.

    kalma ka lang. chillaxers. ang sweet naman ni eric nagpunta agad sa site ko. yiheee. di pwede. kung mawawala kayo ano na mangyayari sa akin? mawawalan na ako ng gana magsulat. salamat ulit sa belated mo.

    [Reply]

  37. kulot
    Apr 9, 2008

    happy birthday, nakikibati na rin kasi napadaan lang ako, pwede po bang ilink mo ako at ilink din kita, para di na ako dadaan lang dito sa site mo kundi bibisita na araw araw

    salamat sa pagbati mo. daan daan ka lang ulit.

    [Reply]

  38. zak
    Apr 10, 2008

    galing naman! paglaki ko at single ka pa miss maganda, liligawan kita :)) sana hintayin mo ako. happy birthday…

    naku sana naman di na ako matandang dalaga nun. salamat sa pabati.

    [Reply]

  39. krisjasper
    Apr 14, 2008

    advance hapi bday na lng jan for next yr

    pangalawa ka ng bumati para sa birthday ko next year. haha

    [Reply]

  40. Ayiene
    Apr 23, 2008

    happy birthday ate x.
    wala lang, trip ko lang bumati ulit. XD

    april pa naman. kaya pwedeng pwede pa.

    [Reply]

Post a Comment