-beloved employee
projection your honor ang drama. hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko para humingi ng saklolo nung mga oras na sinabi ni beloved employee ang mga salitang iyan: ang abstract dancers ba para may kasama akong tumambling ng 3 beses dahil sa kagalakan na tinawag niya akong maganda o ang magkakapatid na tulfo ba para murahin yung supladong beloved empleyado ng gobyerno na iyon. kapal naman ng mukha ko, wala namang akong load sa cellphone para makatawag ng kahit isa sa mga nabanggit ko.
ngayon niyo lang madidinig ang kwentong ito dahil kahit ako, ngayon lang nakaranas kung paanong ang kagandahan ay naging kabawasan sa pagkatao.
oiliness is next to ugliness ang naging motto ko nung sumapit ang tanghaling tapat kung kailan ito naganap. hindi pa nga ako nakapaglagay ng pulbos sa mukha at wala ring nagtext sa akin para sabihin na naimbento na pala ang salitang suklay kaya naman talagang nagtataka ako kung paano nasabi ni beloved employee na maganda ako. gusto ko pa nga sana ipagyabang sa kanya kung anong itsura ko kapag bagong gising ako sa gabi, pero parang next time na lang. wala siyang gana. wala siya sa mood makakita ng taong may panis na laway at mamasa masang muta sa katirikan ng katanghalian tapat.
inaamin ko, nabiyayaan ako ng kakaibang alindog ni father god kaya marami akong pabor na napagbibigyan. hindi ko na kailangan pa magkamot ng ulo dahil kusa na akong nilalapitan ng mga empleyado para sa tinatawag nilang serbisyo publiko bente kwatro oras. ngayon lang, ngayon lang naging malaking pagkakamali ang pagiging maganda ng isang tao. hindi ko alam kung ano ang naidulot na masama ng kagandahan ko sa angkan ni beloved employee para biglang maging warla ang apelyedo niya. siguro, imbes na may dapat akong gawin para sa ikatatahimik ng kalooban niya ay wala akong ginawang kahit ano kaya ganoon na lang ang paglaki ng butas ng kanyang ilong.
medyo napansin ko na nanghahamak ang tono ng boses ni beloved employee at pinamumukha niya sa akin na hindi ko alam ang ginagawa ko. maganda pero boba. beauty but the coconut is empty. ayun, sapul. natamaan nga talaga ako dahil hindi ko nga naman talaga alam ang dapat kong gawin. ang akin lang, kaya nga siya nakapwesto dun dahil yun ang silbi niya–ang asikasuhin ang mamamayan ng sangkapilipinasan. nandon siya para sabihin sa akin kung ano ang gagawin ko. hindi ako tanga. hindi pers taym ang direktang kahulugan ng salitang boba. ang totoo, naibaling niya lang sa akin ang galit niya. punching bag, akoy isang sexy na punching bag. ayaw ko patulan si beloved employee–di ko siya kalebel. saka ang laking manong nun, baka masuntok pa ako. sayang ang pretty face ko na pwedeng gamitin for future consumption. target locked–man down. malas lang niya dahil ang magandang kinaiinisan niya ay nakikihati sa kanyang oxygen supply.
naubos na sa suking panaderya namin ang pasensiya kaya sa ngalan ng mga magulang ko, ako na ang hihingi nito mula sa inyo. patawarin sana ninyo ang mga magulang ko dahil naganak sila ng maganda. kasalanan nila yun. parusahan niyo sila. para ngang hindi ko na alam kung saan ako lulugar. minsan gusto ko na lang maging tindera ng yakult–yung may umbrellafan sa ulo, ng sa gayon hindi na napansin kung maganda ba ako o hindi. para walang isyu basta nagtitinda ako ng yakult, period. mahiya kayo sa umbrella fan ko. igalang niyo ang umbrellafan ko. sayang, hindi ako nakapagdala ng umbrellafan nung mga panahon na iyon, baka sakaling iginalang pa ako ni beloved employee. siguro natanga lang ako nung moment na yun kaya nalowgets ko ang pass the message niya. hindi ko kailangan ng gamot sa tanga dahil hindi ako ang salitang tinutukoy nun.
napahiya ako. ipinahiya ako ni beloved employee.
this is why i love the philippines. world peace.



Apr 3, 2008
Stupidity is too often beauty’s imperfection.
— French proverb
mahirap talaga maging maganda. hehehe.
hindi ka kaya giyerahin ng mga janina-diehards dahil sa title mo? =P
Apr 3, 2008
ayos lang yan janina… este… xienah.
lahat tayo natatanga. haha. mas madalas nga lang sa ibang tao. haha.
Apr 3, 2008
ang way out ko sa mga “schupid me” situations ay ang pag-flash ng killer smile. always works. haha. lalo na pag di ka nangtoothbrush ng matagal-tagal. hahahaha. joke lang. =P
Apr 3, 2008
Wahahaha… nakakainis, wala ka namang ginawang masama tapos sinungitan ka. tisktisktisk…
Sana sinadya mo nalang gumawa ng mali.
Gustong-gusto ko nga ulitin ang favorite hirit ko pag nasa starbucks: “Miss, 1 starbucks please.” Gusto ko talagang pinalalabas ang sarili kong tanga/painosente/pakyun/t.
pagtapos, maihihirit ko na ang “Miss, walang service charge para diyan sa smile mo ha?”
:P
Apr 3, 2008
para lalong nag init ang ulo ko sa binasa ko..
gusto ko tuloy pumatay ng tao..
ang init ng pinas ang init pa ng ulo ko tas pinainit lalo ni God Bless Beloved Employee.. kase parang ako lang din yung taong nandito sa eksena na pinagmumukhang tanga.. Yun ang ayaw ko eh yung pagmukhain akong tanga! nakakinsulto, nakakabanas, nakaka grrrr!
di ba? tangina! nagmukha akong tanga. Pinaasa nya lang ako letseng pag-ibig to ooh whoah ohhh.. tsktsktsk
Apr 3, 2008
naku naku…
kung sino man siyang epmleyado..gagawin ko rin siyang tonsils ko in my second life..katulad ng gagawin mo ki diaper.
napaka laking insecure..manicure..pedicure..
wag na lang siya patulan at malamang panget sya. at ika’y maganda!!! Hindi ako naniniwala na may taong tanga.. mejo nalilito lang minsan..
Apr 3, 2008
hindi ako makapaghintay na magcomment si mirrah! haay
mare. hayaan mo na yun. masestress ka nyan. sayang naman ang kagandahan mo na walang ka effort effort!
Apr 3, 2008
Sadyang may mga taong walang mapagbalingan ng panandaliang menopausal stage nila kaya sa mga magaganda nababaling.
pagpasensyahan mo na lang ang ugali ng mga taong empleyado na yan. wala kasi silang pagpapahalaga sa ethics kaya ayun, andyan sila at nag-iinit ang ulo sa pakikihati mo ng oxygen sa kanya.
malas lang niya at naging dahilan ka ngpagkamiserable niya nung araw na yun.
Apr 3, 2008
sabihin mo sa kin kung sino sya at susugurin ko! Ipagtatangol ko si Xg!
Bayaan mo na yun, may araw din sya. =)
Apr 3, 2008
Siguro sobrang iritado si manong at ikaw ang napagbalingan. Masyado ka lang maganda kaya iyon ang tinira nya, tsk minsan sarap manapak ano?
Apr 3, 2008
oiliness is the best way to man’s heart. yan ang magandang motto. lol!
ay naku, keri na. ganyan talaga mga government employee parang year-long nireregla.
Apr 4, 2008
ok lng un.
at least aminado si beloved employee na mganda ka..
na-intimidate siguro..kaw ba nman ang makaharap ang isang dyosa.
Apr 4, 2008
XIENAH.
hahaha. natawa ako kahit galit ang namumutawi sa iyong kwento. :)
joke.
seryoso.
nakakabanas talaga ang mga government employee. ang sarap ngang isalaksak sa mukha nila na TAX natin ang sinuweldo nila di ba?
biruin mo yun?
PUNTA KA NG QC CITY HALL maraming DRAGONG empleyado hahaha
Apr 4, 2008
pero bakit, anu bang ginawa mo?
Apr 4, 2008
minsan, mahirap din talaga ang maging maganda.. na satin ang sangkatutak na pressure kasi maganda tayo.. hehe!
Apr 4, 2008
si beloved employee ay dapat isinasabit ng patiwarik.
that’s all, thank you.
Apr 5, 2008
hahahaha. na experience ko na rin yan, at nakakabobo ang feeling…
…at nagcomment ako dito for the pers taym.
…at binoto kita sa contest ni badoodles,
galit kasi ako kay inday. haha.
good luckness.
Apr 5, 2008
sinu ba yung beloved employee na yon? lagot siya sa mga tauhan ko. buahaha!
Apr 5, 2008
picturan na yang beloved employee na yan.. baka matawag din akong gwapo! =P
Apr 5, 2008
Hay nako girl, hayaan mo na si beloved employee. Baka stressed out lang. Hahaha.
Gusto mo ipatumba na natin?? Haha.