the blog awards challenge

kung gusto ninyo manalo ng iPOD Shuffle at mga libro, maari lamang na gumawa kayo ng isang maikling lathala sa inyong blog na nagalalayon na ipamalakaya at ipamalita ang tungkol sa The Blog Award Challenge.
The Blog Awards Challenge is a blog competition combining literary skills, interactivity and peer polling. The Blog Awards Challenge is bi-weekly theme-based writing event for everyone in the blogosphere. A challenge is posted in the site every two weeks. Bloggers who wish to compete will write about the theme and post the entry in their respective blogs. A panel of regular and revolving set of guest judges will select the ten best entries out of the submissions. The ten finalists will be posted in the Blog Awards Challenge website and is open for polling by readers.
para sa mga karagdagang detalye at impormasyon, maaari lamang na pumunta kayo sa theblogawardchallenge.com
tagtuyo
how will you seriously answer someone in the following situations given? what if someone (a stranger) insults you and tells you this.
01. ang arte mo!
+ e kung sinasampal ko kaya yung pagmukha mo para malaman mo kung gaano kakapal?
02. mas matalino naman ako sayo!
+ kelan pa? siguro sa past lifetime mo.
03. crush ako ng crush mo?
+ einubeh. hindi ka magiging type ni misterE. pangit ka at boba.
04. ang bobo mo pala sa math!
+ pasensiya ka na. trigonometry kasi ang gusto ko. tsaka physics. tsaka geometry. tsaka calculus. hindi ko kasi hilig ang basic arithmetic. so third world.
05. bilisan mo naman!
+ siyempre importante ako e
06. ang sungit mo!
+ it is stupid to state the obvious.
07. gusto mo ng away?
+ tara sa may flagpole pagka dismiss ng klase. kala mo di kita uurungan. pabugbog kita sa mga adik dito makita mo.
08. takot ka ata sakin eh?
+ may cacophobia kasi ako.
09. mas mahal niya ko!
+ alam ko naman na mas mahal ka niya. kasalanan ko ba na katawan ko lang ang habol niya sa akin?
10. ang bababa naman ng mga grades mo!
+ malaki naman ang ulo mo.
what if sinabi ito sa’yo ng crush mo?
01. crush kita.
+ yeeee. einubeh. misterE naman halikan kita diyan e. mwah mwah mwah.
02. hindi kita mahal.
+ ok lang. kras lang naman kita.
03. mahal na kita.
+ aaaaaack. sigurado ka ba misterE? baka nabibigla ka lang.
04. pakopya naman ng assignment.
+ lunch muna tayo. libre mo. haha.
05. crush ko un friend mo
+ sino dun? puro lalaki yun ah?
06. pwedeng patabi sa upuan?
+ yeeee. halika dito tapos kiss mo ako. haha.
07. pwede mo ba akong isayaw?
+ sige ba. yun lang pala.
08. feeling ko may gusto ka sakin.
+ meron nga talaga. may gusto ako sa iyo.
09. ang cute mong mag-smile.
+ siyempre naman misterE dahil para sa iyo lang ang mga ngiti ko.
10. bakit ang bait mo sakin?
+ kasi nga misterE lagi mo ako inaaway kaya dapat magpakabait na lang ako sa iyo.
empermera sa mata ni jojitah
wala akong kamalay malay na nanalo na pala ako sa blogtsina of the month awards ni jojitah. alam ko, walang ibang taong makapagkukwento ng tungkol sa Empermera kundi ako lang din pero mas interesado ako na malaman ang pananaw at tingin ng iba sa kung ano nga ba ang epekto ng Empermera sa kanila.
ang susunod na mababasa ninyo ay ang ginawang pagsusuri ni jojitah sa Empermera:
[start]
Hirap na Hirap akong gawan ng rebyu ang CHIKSILOG dahil madami ang nageexpect na mabigyan ko ng hustisya kung gaano kagaling na blogistatsina si xienahgirl. Pero naisip ko bakit ba ang pagbabasehan ko ay ang magiging expectation ng pans ni xienah na humihithit ng vetsin? Keri na, kahit medyo kinakabahan ako na baka kidnapin nila ako pag hindi sila nasiyahan at kunin ang atay at balun-balunan ko at ipakain sa askal. Bahala na! Nagpapray naman ako once a month.
Hindi alam ni xienah na matagal na akong lurker ng blog niya, although hindi ko naman masasabi na nakuha ko din humithit ng vetsin kalaunan e hindi ko naman nakakalimutan dumaan sa balay niya para tumikim hindi ng pinya kundi ng mainit-init at greaseless pa na talak ni xienah.
Ang totoo naiintimidate ako sa personalidad ni xienah. Hindi dahil insecure ako kundi dahil malakas talaga ang dating ni xienah. Hindi ko alam kung anong dating yun, basta malakas ang dating. Pero nito-nito lang nung sinubukan ko magparamdam, at kalaunan naging hilaw na kumare ko nadin. Hindi ko naman naramdaman na nagpaplastikan kami kasi hindi naman compulsory ang magdalawan kami sa kanya-kanya naming mga balay. Basta wala lang. Yun wala lang.
May sense ba ako? Hayaan niyo na para naman magmukhang mahaba ang rebyu na ito.
CHIKSILOG
Author: Xienah
Blogging Since: 2006 [di sure]
Writing Style: di din ako sure
Civil Status: di ako sure ulit
Citizenship: Pinay ata [di pa din sure]
LAYOUT. Kahit ipinagkakalat ni xienah na walang kwenta daw ang mga layout niya, hindi yun totoo, konti lang. echos! Ang totoo cute na cute ako sa mga layouts niya. Ano nga sabi nila simple pero rock? Eeeewww… Pero nadidisturb ako sa sisiw feeling ko kasi may namatay at nangangailangan ng katarungan. Pero pinalitan na niya yun at sinaksak na itlog na puti naman. Naisip ko bakit kaya hindi pula yung itlog na sinaksak. Wala lang. Paborito ko kasi ang itlog na pula.
CHOVARLOOS. Aliw ako sa tagboard ng chiksilog, kahit na hindi ako madalas mag-iwan ng mensahe dun dahil sa dami ng pans ni xienah hindi ko na masundan ang topic sa dami ng tumatambay sa balay niya. Gusto ko din yung twitter kahit hindi ako masyadong fan ng twitter. Wala lang. Kapansin-pansin din na konti lang ang nasa blogroll ng chiksilog, ibig sabihin pihikan si xienah. May taste si xienah kasi nasa blogroll niya ko. LOL! Wala lang, maisingit lang.
PUNTO POR PUNTO
~ Walang effort sa pagpapatawa, although ang sabi niya hindi naman talaga siya nagpapatawa. Pero feeling ko sabi niya lang yun. Nagpapatawa talaga siya.
~ Malalim managalog si xienah isa lang ang ibig sabihin nun, best in Filipino siya. Nyenye… oo na, korni.
~ Sarcasm yata ang inaalmusal niya sa umaga, pero charming naman ang dating kaya keri lang.
~ Marami ang nagkakakras kay xienah. Basta madami, feeling ko lang din. Pero damang-dama ko ang pagka-kras niya talaga kay Mr.E. Yiheee…
~ Sabi niya malandi siya, feeling ko ulit hindi naman. Press release niya lang din yun.
~ Ang tagumpay ng chiksilog ay ang misteryo sa kung anumang misteryo ni xienahgirl. Wag niyo kong tanungin kung ano yun, misteryo nga e.
~ Articulate si xienah at inggit na inggit ako. Alam mo kasing pag binasa mo ang “lathala” niya may direksiyones. Pinag-isipan. May art, hindi kagaya ng iba diyan na puro lang arte. Hindi kayo ang pinariringgan ko ang sarili ko.
~ Addictive. Feeling ko sobrang daming vetsin ang blogtsina ni xienah kaya ang tawag ko sa pans ni xienah ay mga nakahithit ng vetsin.
~ Palagay ko apo siya sa tuhod ni madam auring dahil alam na niya ang sikreto nating lahat. wahahahaha! Ang korni ko diba? Buti pa si xienah hindi.
PANGHULING TALAK
Halo ang damdamin ko na si xienah ang bwena mano kong blog rebyu. May takot, inis, agam-agam, kaba, saya, excitement, pasma, rayuma at kung ano-ano pa. Rebyu para sa isang ekstra ordinaryong blogeratsina mula sa isang tralalang blogera loka. Kailangan ko pa ba ieksplain?
Kung susumahin naman hindi naman talaga mahirap ipaliwanang si xienah, isa na rin siguro sa malaking tagumpay ng CHIKSILOG ang pagiging katulad din niya sa atin. Mas kaya lang laruin ni xienah ang mga salita kumbaga sa cook magaling lang siya magtimpla at isa yung talent. Sabi ko na talentada si xienah.
Sana nabigyan ko kahit papano ng hustisya ang CHIKSILOG, kung hindi you may appeal in the Court of Appeals.
Panghuli, CONGRATULATIONS sa CHIKSILOG sa pagpasok sa nakakalokang mundo ng dot com. Oh yeah.. Oh yeah… Magpugay kay xienah at dalawin siya sa kanyang bagong balay.
PAHABOL
Sa mga nagexpect na maglabas ako ng picture ni xienah, sorry to disappoint you guys. Hindi ako namimilit sa mga ayaw magpakita. Kung kailan na lang niya gustong lumantad hayaan na lang natin siya. Basta isa ang paniniwala ko, pareho kaming diyosa ni xienah. Echos!!!!
[end]
abangan niyo sa susunod kong lathala ang sagot na gagawin ko sa masusing pagsusuri na ginawa ni jojitah







