Saturday

kung dati diyaryo, flyers ng mga fastfood chains, brochures ng macro, bills ng kuryente, telepono at tubig ang dumarating sa bahay, ngayon magtataray na ako–package na ang natatanggap ko.

sinabi ko noon na hindi na ako tatanggi sa regalo na ibibigay sa akin. ang lathala na iyon ang naging hudyat ko na tumanggap ng kahit anong mula sa kahit kanino na sinimulan ng datkom ko na mula kay Ferbert hanggang sa nagkasunod-sunod na. birhen pa ako sa aspetong ito ng blogging dahil sa buong diyosa lifetime ko, bukod sa pers taym kong nakatanggap ng package, pers taym ko rin tumanggap mula sa mga online buddies ko na di ko ganap na kakilala. pero keri lang dahil buong puso ko silang itinuturing bilang malapit at tunay kong mga kaibigan. infairness sa akin, hindi ko naman dinaan sila Lunes at Carmelo sa dahas at santong paspasan. hindi sila nagpapadala sa mga ganung istilo dahil kusa na lang silang nabihag at nabilanggo sa taglay kong alindog para makapagboluntrayo na makagpadala sila ng regalo.

walang blogista ang nakakakilala sa akin sa personal at nabibilang sa daliri ni kokey ang mga masuswerteng nilalang na nakakita na sa litrato kong pagkaganda ganda. naging malaking isyu at pagsubok para sa akin ang isugal ang misteryosong katauhan ko para isiwalat ang mas personal na buhay ni xienahgirl sa pamamagitan ng pagbibigay ng address at ng totoo kong pangalan. inaamin ko, pitong daan pitumput pitong libot pitumput pitong daan–putek, basta mahigit sa 777, 777 beses kong pinagisipan kung ibibigay ko ba ang personal na impormasyon ko kina Lunes at Carmelo. malaki na rin ang naipundar kong tiwala sa kanila, sa mga kaibigan ko. alam ko hindi sila gagawa ng kahit anong ikapapahamak ko–sana. isa pa, masama tanggihan ang grasya at hindi maganda ang pakiramdam ng tinatanggihan kaya heto na: ang best packers of the blogosphere.

ang pinadalang package ni Lunes sa akin ay naglalaman ng isang box ng pili nut tarts, honey coated pili nuts at roasted pili nuts. ang daming mani. sa lahat ng patay gutom, ako ang choosy kaya masasabi ko na talagang masarap ang mani ni Lunes–manamis namis at malinamnam lalo na yung honey coated pili nuts, ang sarap dilaan at sipsipin. langit sa labi. kaya naman sana makaulit ako na makatikim ng mga ipapadala ni Lunes.

nakulitan na yata si father god sa amin dahil matapos ang mahigit sa isang buwan na pagnonobena, ang package of the millenium na dapat ay balingtayms ko natanggap–sa wakas, dumating na. ang laman ng paperbag na pinuno ng staple wires? bukod sa resibo ng 3 toblerone bars na nabili sa watsons, sinamahan niya rin ito ng red white black personalized shirts na nakabalot sa itim plastic bag at ang pinakamabangis sa lahat ang the postman cd na hindi ko pa rin napapakinggan hanggang ngayon dahil sa sira ang CD drive namin. angkop na angkop. inalog alog ko nga muna yung itim na plastic bag baka kamo bomba yun at sumabog. mabuti na lang hindi, obyus ba buhay pa ako?

hindi ako makapaniwala na meron akong mga kaibigan na tulad nila. na may mga taong nabubuhay para magbigay ng walang hinihinging kapalit. galing galing. sa sobrang bait nila sana wag muna sila kunin ni father god. ang nararapat para kina Ferbert, Lunes at Carmelo ay higit pa sa salitang salamat. ipinaramdam nila sa akin kung gaano ako kaespesyal at hindi ko ipagpapalit yun sa kahit anong makamundong pagaari. kahit kailan, hindi nasusukat ng materyal na bagay ang pakikipagkaibigan na maaaring pagsaluhan namin habambuhay. kadiri, nagmoment ako.

kaya sa mga blogista na gusto magpadala ng package, gifts, letters, cash, donations, used clothes, canned goods, bigas, toiletries, cellcards–sabihin niyo lang sa akin at ibibigay ko sa inyo yung address ko.



25 Comments»

    mnel
    Saturday at 5:18 pm

    pagmamahal lang ang kaya kong ibigay xienah. ahahaha

    tumatanggap naman ako ng pagmamahal pero mas magiging masaya ako kung may regalong kasama.

    [reply to this comment]



    FerBert
    Saturday at 6:12 pm

    lahat kaya kong ibigay.. ano address mo? ibibigay ko na titulo ng lupa’t bahay namin..
    hehehehe.. :D

    di nga? ibibigay ko nga address ko. haha. kahit na yung lupa pa ng kapitbahay niyo ibibigay mo? yeee. ang suwehehet.

    [reply to this comment]



    lunes
    Saturday at 7:53 pm

    wow wow may bagong entry..at extra pa si lunes..salamat X.. sa sunod PUNO na ng PILI NUT ang ipapadala ko.. wehehe. wag mag alala hindi yan humuhingi ng kapalit..tama na ang frndship..ahaha..nagmoment rin…

    kung naalala nyo pa nun, nakapagpromise ako nun sainyo ni mia..sabi ko pagbalik ko sa bicol..wehehe…

    thank u..thank u…advans happy bday!! sana makuha mo ung lappie..bday wish ko sau!!wehehe..

    sana kapag nagpadala ka ng puno–kasama yung ugat. haha. uu nga moment tayo ng moment dito. sus. bumalik ka na sa bicol. dalian mo. haha. salamat ng madami. salamat. salamat. salamat.

    [reply to this comment]



    Noime
    Saturday at 8:26 pm

    Naghahanap ako kung ano pwede ko ibigay sayo. :| Hindi ko kasi alam ang sukat ng mga damit ko, baka yung pambarbie doll na lang muna. HAHA. :D

    Eh ayun. Ano nga, small medium large xlarge? siguro xlarge na lang noh? yaan mo di xa ganun kalake. hehe. kapag nakabili ako, hindi ko na lang ipapadala. iaabot ko sayo yun ng personal. may kasama pang camel. HAHAHAHAHA. aaah!! di ako makapagisip kung ano ireregalo ko. :|

    yung binigay sa akin ni carmelo e xL pero malamang pambata yun. haha. extra medium nga ang size ko. uu tama yan iabot mo na lang sa akin total magkikita naman na tayo pero gusto ko karga mo yung camelyo. sabi 12 lang daw ang camelyo sa pinas–gagawin mong 13? yehoo. haha

    [reply to this comment]



    MirrahGanda
    Saturday at 9:56 pm

    wow hangkyukyut naman ng mga packs sayo. ako i wanna pack too! pack me now! hehehe :-j

    ang susyal naman ng mga nakaalam ng address mo.. ako maganda lang pero di ko ata kering magpadala ng susyal na regalo.. lalo na kung mani pa yun! sus naman! pero pwede kitang samahan mag-sex :) hehehehe

    you want me to pack you? haha. naku. wala ka pala mirrah e. kung maganda ka dapat yung regalo mo din. haha. sasamahan mo ako magsEx? pwede. gusto ko sa bahay namin para kumportable tayong makapagsEx.

    [reply to this comment]



    mia
    Saturday at 10:27 pm

    pede bang kiss ang ibigay ko sayo?hehehe! :) ah sarili ko na lang. hahaha!:)

    kay dhie na lang yang kiss mo. einubeh. wag mo na bigay sarili mo sa akin–baka di makayanan ng magulang ko ang may 2 tambay sa bahay. hahha

    [reply to this comment]



    mia
    Saturday at 10:28 pm

    at sarap ng mani ni lunes talaga! malinamnam at matamis tamis! apir!

    masarap diladilaan. haha

    [reply to this comment]



    iamsomeone
    Sunday at 4:39 am

    dear xg/x/sx(kahit sino ka pa, pareho lang yun sa’kin!),

    ako, ang unang-unang gusto kong ibigay sa’yo ay sorry… ‘di mo ‘ko nakikilala pero mga pangatlo o pangalawang disguise ko na ‘to… kaya ibubuko ko na ang sarili ko… ako yung laging nag-sasabi ng poh at tanong ng tanong tungkol sa walang kwentang bagay… ako din yung nag-tanong ng clue sa password-protected post mong i’ll never stop… yung sinagutan mo ng “google”… at ako rin yung nag-tanong kung pa’no mag-lagay ng password-protected entry sa wordpress… at ako yung nag-lalagay ng comments na anti sa’yo… pero, di naman ako anti… katunayan nga, gusto ko yung blog mo… pero parang kapantay lang s’ya ng kung gaano ko kagusto yung mga libro ni bob ong… merong kang isang mambabasa na nakakakilala sa’kin… pero ‘di yun kasama sa topic… isang malaking SORRY ang binibigay ko sa’yo… tsaka siguro, yung laging pag-bisita sa blog mo… ako ay — years old palang kaya wala pa ‘kong mabibigay sa’yo… pero sana maappreciate mo ang comment kong puno ng pag-sosorry… at sana rin, kung may galit o inis kang nararamdaman sa’kin, kalimutan mo na ‘yun… peace na tayo ha?!

    from iamsomeone…

    [reply to this comment]



    iamsomeone
    Sunday at 4:39 am

    grabeh! masyadong “full of emotions”! hehe… ok lang ‘yan…

    dito na lang ako magkokomento. haha. ayaw ko sirain ang moment mo doon sa isang komento. haha. kasi ganito yan–hindi naman ako galit. AYAW ko magalit. hanggat maaari ayaw niyo na makikita akong galit dahil tiyak ko hindi niyo magugustuhan na makatikim ng matatalim na salita mula sa akin. hindi ako galit sa iyo, nagkataon lang na pagod ako nung nagsasagot sa blogsikret kaya siguro sa iyo ko binaling yung pagod ko. bakit kailangan mo magdisguise? alam ko naman na ikaw yung madalas na nagtatanong sa blogsikret pero hindi talaga kita kilala pa rin. pero ayos lang, trip mo yan. kung ilang taon ka pa lang ay wala na yung kinalaman dito basta balik balik ka lang yun ang pinakamagandang maibibigay mo sa akin

    [reply to this comment]



    vera
    Sunday at 11:06 am

    nakita ko nga sa multips mo. ang gandaaahh. *inggit mode*

    gusto ko nga sana yung red kaya lang malaki sa akin kaya si vEx na lang ang nagsuot.

    [reply to this comment]



    linglingbells
    Sunday at 11:49 am

    naku! estudyante pa lang ako.. wala pa kong budget..

    hahaha. natawa naman ako dun. parang may balak ka talagang magbigay pero dahil estudyante ka pa lang e ayaw mo. ikaw ang bahala–hindi naman ako nanghuhuthot. hahaha

    [reply to this comment]



    mr_d
    Sunday at 1:16 pm

    nasarapan ka sa mani ni lunes? kung ganon hintayin mo yung pulang itlog ko.

    ano yan? yung maalat? baka mamaya bugok naman yan.

    [reply to this comment]



    Meryl
    Sunday at 1:41 pm

    Pwede kitang padalahan ng gift of friendship. Hehehe. Anong address mo?

    ay kapag ganyan email mo na lang para makatipid. haha

    [reply to this comment]



    Madnote
    Sunday at 4:14 pm

    “kaya sa mga blogista na gusto magpadala ng package, gifts, letters, cash, donations, used clothes, canned goods, bigas, toiletries”

    Hahaha,ano ka, nasalanta ng bagyo? XD

    daig ko pa nasalanta ng bagyo. haha. mukhang wala na kasi kaming supplies dito sa evacuation center

    [reply to this comment]



    churvah
    Sunday at 10:43 pm

    answet nman po ng mga frenships mo.
    .sarap ng pili nuts..fave ko, kahit bawal.

    nga po pla.
    i voted for you sa best humor blogs.
    sana manalo ka.

    bawal sa iyo? bakit? may gouty arthritis ka?. salamat nga pala sa pagboto mo sa akin para sa projectlafftrip laffapalooza.sana manalo ako sa rapols. dun lang ako nangangarir e. haha. kailangan ko ng kinse mil kundi ibebenta ko lungs ko–buy one take one.

    [reply to this comment]



    mia
    Sunday at 10:49 pm

    hahaha! dalawang tambay.. hehehe!:) mayaman naman ata kau.. hehehe! :)

    dinidilaan mo rin? manamis namis kasi ang mani ni lunes! lunes! salamat sa mani! :)

    hindi kami mayaman. sino ba nagkakalat na mayaman ako? tsk tsk tsk. uu nga. e masarap ang mani talaga. nakakadik

    [reply to this comment]



    churvah
    Sunday at 11:00 pm

    di ko magets kung pano mag msg sa tagboard mo.

    bobita eh.heheh.

    kaya dito ko na lng sasabihin ang aking pasasalamat sa pagbisita mo sa blog q.

    nkakatuwa.heheh.

    sobra ka naman. hindi ka bobita. nakaprivate talaga yung cbox ko. walang anuman yun. hindi mo sa akin kailangan magpasalamat dahil ginagawa yun ng mga magkakaibigan.

    [reply to this comment]



    ignoramous
    Monday at 1:42 am

    Puwede mo na ba tanggapin yung package ko? Ako lang naman ang laman tas may ribbon sa leeg. Mail mo nalang sakin ang address mo ha diosa?

    Mga 2 weeks from now siguro matatanggap mo na yung package.

    p.s. Churvah, wala lang.. wahahaha

    ayaw ko nga tanggapin yan. haha. meron na ako e, si somemaleblogger. take your time kahit mga one year. haha

    [reply to this comment]



    kuri
    Monday at 10:50 am

    maswerte ka at may mga kaibigan kang handang magbigay ng walang hinihinging kapalit.
    ayus!

    tumambay laang…

    sobrang swerte ko talaga sa kanila. hindi ko sila ipagpapalit kahit kanino. eto ka, mas maswerte sila sa akin at hindi nila ako ipagpapalit kahit kanino. hahaha. gege tambayero ka muna dito

    [reply to this comment]



    Sam
    Monday at 4:27 pm

    Aba’y bakit kapag description tungkol sa mani at ang pagkain nito eh iba ang napupunta sa isipan ko kapag ikaw ang nagbabanggit. Di ko maiwasang ma-visualize ang mga pangyayare.

    Tsk tsk tsk. Ano nga ba ang pwede ko pang ipadala sayo? Tutal may clinic naman kayo ng kahayupan eh di magpapadala na lang ako ng mga ligaw na pusa dito sa amin. Isasama ko na din yung mga jebs nila para naman sabihin mo eh kulang ang bigay ko.

    Tsk tsk, grabehan talaga ang lebel ni xG, di na mapapantayan.

    mahalay ka kasi kaya yung utak mo e mapaglaro. natatawa nga ako sa clinic kasi may mga pusa na pinaampon. e aksaya lang yun sa oxygen e sarap isiopao. haha. di biro lang. ayaw ko ng jebs ng pusa. kadiri. ambaho.

    [reply to this comment]



    Ayiene
    Monday at 10:10 pm

    Hay dyosa, namis kita.
    Kita tayo sa THE BLOCK, tayo’y magdate pero libre ni Noime.

    Pero srsly, ako’y nag-iisip ng pwedeng iregalo sayo? Pwede na ba ang chocolates, marami kasi dito nun, kakauwi lang ng tita kong spokening dollars. X)

    naku ka ayiene ha? mahal mo na me? pero wait lang huh, dapat make ligaw muna me, ok? hahaha. sokoleyts? naku. dalin mo na rin yan kasama ng tiyahin mong spokening englishings ng mahuthutan ng dolyar. haha

    [reply to this comment]



    mia
    Monday at 11:06 pm

    naffeel ko lang na mayaman ka! ubos na nga ang mani ni lunes e.. kinain ng nanay ko.. tsk tsk.. hehhee

    hindi ako mayaman. mahirap lang kami. ang totoo niyan wala kaming ulam–bagoong lang. wag ka na makishare. haha. akshuli yung sa akin e nanay ko rin umubos kasi si papa bawal din sa kanya ang mani

    [reply to this comment]



    Kevin Paquet
    Tuesday at 5:07 pm

    Blog hopping ^6,)

    Care to link exchange?
    You may also add me sa ym: popsterkevin

    I have some other blogs to link ex too.
    Comment back =)

    [reply to this comment]



    popoy
    Wednesday at 1:07 pm

    xienah : nagiisip pa ako ng ireregalo sau… naisip ko na na laptop na lang yung ibigay sau. yung VTECH? yung pangbata? hahaha. joke lang :)

    hindi pag may nakita akong bagay sau cge ipapaFEDEX ko. ayoko LBC gasgas na yun eh hahaha. PIZ!!!

    meron na akong vTech na laptop. haha. talaga yan ah? magreregalo ka ah. pangako mo yan? aasahan ko yang regalo mo. haha

    [reply to this comment]



    popoy
    Wednesday at 4:19 pm

    xienah yung mga tanong mo regarding sa new entry ko nandun na nakapost sa akin. hindi ko talaga makita yung cbox mo. hahahaha

    oo nakita ko na nga e. walang cbox kasi nakaprivate ito

    [reply to this comment]



Leave a comment