lappie
sa kaunaunahang pagkakataon, gusto ko sanang manawagan at humingi ng pinagsanib pwersang tulong ng buong sangkablogosperyuhan para mapanalunan ko ang matagal ko ng inaasam asam at pinapangarap na jackpot–ang lappie tappie mula sa 2008 CandyBlogAwards.
alam ko matatalinong tao kayo at madami kayong moment in time kaya hindi kalabisang abala para sa inyo ang pumindutero at magkomento para sa EMPERMERA at sa CHIKSILOG. malinaw sa akin na hindi kayo marunong tablan ng mga pa-mercy epeks. hindi kayo madaling maawa kung sabihin ko na:
kulay red na yung monitor–malabo na parang mockbuster ng cloverfield
madaling mag-init ang CPU na tower
10GB lang ang memory ng computer ko at 4GB na lang ang free space
walang ibang application at makapaginternet lang ayos na
puro ngatngat ng daga ay este ni mabait yung cord at wires ng internet connection
yung mouse napo-possess at may sariling buhay kaya nagsasara na lang basta yung window habang nagsusulat ako ng lathala
tinanggal ko ang yahoo messenger dahil pinapabagal nito ang system ko.
einubeh. oo na, ober OA umakting ang PC ko pero hindi pa rin kayo magpapadala sa kwentong loser life ko. hindi talaga, strong kayo diba? hindi niyo kailangan ng mga boladas at pambobola mula sa akin para makuha ko ang kakarampot na simpatya ninyo. nasa tamang wisyo kayo, lately nga healthy na kayo dahil bukod sa nage extra rice na kayo, iodized salt na hinihithit ninyo diba? kahit nga inufibers tinitira niyo na rin at hindi niyo na pinatawad. malalaking damulag na kayo para makapagpasya sa kung ano ang maganda at pangit–malamang ako na yung maganda, at si kilala niyo na yung pangit.
in the long run–pagod na tayo, kaya kailangan natin karerin tulibu dibou douchou ang pagboto at pagkomento sa 2008 CandyBlogAwards para sa EMPERMERA at CHIKSILOG ngayon na, bago pa mahuli ang lahat at ibang chaka kalukadidang belles ang makakuha nitong lappie ko.
ang bottomline: tayo ang dapat na nasa itaas. wala na akong pakealam kung ako na ang tangahaling karir woman of your lifetime basta dapat manenok natin yang lappie tappie na yan. akin yun. akin ang lappie tappie na yan. mga ambisyosang hitad na ito magkakalat lang sa candyblogawards pa. pektusan ko sila ng makita nila sakit ng katawan na hinahanap nila.
at the end of the day–gabi na, kaya kailangan na natin matulog. ano daw? teka nga. ulit. nagkakalokohan na tayo dito. seryosohan na. malaking tulong talaga para sa akin kung mapanalunan ko ang laptop na yun. kailangan ko ng ipahinga ang desktop pC ko dahil naghihingalo na siya at matagal ng umuungol ng hustisya para makapagretiro. kung mapapansin ninyo nitong mga nagdaang araw, panay ang paglilihi ko tungkol sa laptop kaya nung makita ko ang patimpalak ng Candy para sa mga blogs ay di na ako nagdalawang isip pa na lumahok dahil alam ko na ito ang kasagutan sa aking problema.
kung ganda lang ang labanan dito, inaamin ko–talo na ako. mabuti na lang talaga ang paligsahan na ito ay base sa nilalaman ng panulat, kalidad ng paglalathala at siyempre ang pinakamalupit–ang friendsters friends list. kamon. mahirap buhatin ang sariling bangko lalo na kung nakaupo ka pa pero susubukan ng powers ko na gawin yun. kakapalan ko na talaga ang foundation ko para sabihin sa inyo na alam ko na kaya ko ito. ang lakas ko. ang lakas ko. ang lakas ko. bumubuga ako ng apoy. humahatsing ako ng lava. sumusuka ako ng dugo. umiire ako ng jebs. handang sumugal at makipagtagisan ng galing ang EMPERMERA at CHIKSILOG sa kung sinong ponsiyo pilatong nominado para sa patimpalak na iyon.
parang natakot ako sa sinabi ko. nakakatakot pala akong kalaban.
wala. kayo naman, pinahaba ko lang yung entry. kailangan niyo lang magregister tapos punta kayo sa page ng EMPERMERA at CHIKSILOG. huwag niyo kalimutan pindutin yung heart para makapagRATE at makapagKOMENTO, yun nga yung pinunta niyo dun diba? mga adik. ang hindi bumoto babangasan ko ang bungo at papasabugin ko ang baga.
PS: sa may 2, 2008 pa lalabas ang mga kalahok para maging semi finalist–ibig sabihin dun pa lang natin malalaman kung nakapasok ako para sa patimpalak para makapagsimula na kayong bumoto hanggang sa katapusan ng buwan. sa july 2008 naman tatanghalin ang mga magwawagi kaya chillax muna tayo as of now and yesterday.








March 27th, 2008 at 2:11 am
iboto at ipapanalo si xienah! :)
[Reply]
March 27th, 2008 at 8:07 am
sus sisiw yan sayo diyosa..ay itlog pala.ahaha.. wala na ang mga sosyalera..iyong iyo na c bebe lappie..kelangan full force.. gusto mong promotion? katulad ng dati??wehehe..naalala mo pa ba ang nakaraan.. kung saan ako nagpromote sa blog ni *&^%%&&..wehehe..
Oi nagkomento na ako kagabi bago matulog..kaso hindi ako marunong bumoto..pano ba?? pano?? pasensya na, mejo imbecile akong ipinanganak…
Dapat ang bday gift sau mare laptop sleeve..pumili ka na nung matitipuhan mo..wehehe..at alamin na rin ang size ni bebe lappie…
[Reply]
March 27th, 2008 at 9:08 am
Haaay nako si Xienah, nangha-harass! Nanakot para makamit ang laptop! Wahaha! Manggagamit! Sige, gamitin mo na ang katawan ko!
Ayos lang yan, dapat nga dati ka pa nabiyayaan ng laptop. Bagay na bagay sa kagaya mong magaling na gurlash dahil mukhang masaya atang makita kang nagta-type ng blog entry mo sa kung saang kapihan all over Benensuwela.
Aba, teka lang, salita pa ako nang salita eh di magre-register na lang ako dito, sus yan.
MABUHAY ANG CHIKSILOG! You go Candy Girl!!!
[Reply]
March 27th, 2008 at 9:31 am
kung mananalo ka dun, malamang kuhaan ka ng picture habang hawak hawak mo yung laptop with matching ngiti ang shake hands with the promoters. hehe
baka makita ka na at ma-reveal ang pagkatao mo? or im just assuming a consequence?
boboto kita. pahiram na lang nu’n pag nanalo ka. haha
[Reply]
March 27th, 2008 at 11:56 am
Sauce! si Inday nga natalo mo yung mga echos pa kaya sa candy mag.. weee! :D
[Reply]
March 27th, 2008 at 2:31 pm
oo sau ang lappie na un.. ipapanalo ka namin! ganyan ka namin kalabs!
[Reply]
March 27th, 2008 at 3:19 pm
ayos to a! haha. iboboto kita. :) link ex? :D
[Reply]
March 27th, 2008 at 3:32 pm
xienah pag nagcomment ba dun sa candy mag site eh nakaboto ka na?? sori tanga lang ha??!! hehhee..
natakot naman ako sa description mo pag naging kaaway ka??
TINALO MO PA ANG DRAGON hehhehee :)
SANA MAKUHA MO YANG LAPPIE NA YAN AT MAKAPAG WIFI na kung san san hehehe ;)
[Reply]
March 27th, 2008 at 4:21 pm
panu bumoto?
[Reply]
March 27th, 2008 at 7:40 pm
TAPOS NA PO BUMOTO. HEHEHE. EBRIDAY KO NANG GINAGAWA YAN. KASAMA NA SA SCHED KO. AHAHAHA. LABB KA NAMIN KAYA PAPANALUHIN KA NAMIN.
[Reply]
March 27th, 2008 at 8:34 pm
naku! dapat mapasaiyo ang laptop na yan.. magreregister na ko..
[Reply]
March 28th, 2008 at 12:16 am
putek! naglakad ako ng five blocks para maka log on. lahat ng pinagtanungan ko walang kwenta! good luck sa bid mo for laptop!
[Reply]
March 28th, 2008 at 12:16 am
maswerte ka xienah dahil matagal na kong member ng candymag.com
ooops… napaghahalata. ahahahaha.
go xienah go!
[Reply]
March 28th, 2008 at 12:59 am
ate xienah. di mo na kailangang gumawa ng post kasi sure win ka na. super uber duper uber uber. hahaha
[Reply]
March 28th, 2008 at 4:41 am
go xg! go xg! go xg! i’m cheering for you! go xg! (sabay may nakitang ibang blog [me:wow! ang ganda! ito nalang yung ivovote ko! di naman malalaman ni xg e! ikaw: ivovote mo parin ba 'ko? ako: syempre! ang ganda ng blog mo e! go xg! go xg! go xg!] {sa isip: mas maganda yung ******** kaysa sa chiksilog o empermera! yun yung ivovote ko!} [ako: go ******** este xg! go **-- xg! go ***-- xg! go!]) peace tayo ha?!
[Reply]
March 28th, 2008 at 10:48 am
aba.. xiena my sarili ka na rin plang dot com/…. awww… tapos magkakalaptop ka.. cge.. iboto si xienah.. go go go…
[Reply]
March 28th, 2008 at 10:59 am
xienah nakapagregister na ko hindi ko makita ang lintek na VOTE link sa site ng CANDYMAG puro pink kasi eh hehehe :) parang patay kasi yung kulay ng site hehehe :) san ba yung link ng vote dun??
[Reply]
March 28th, 2008 at 6:55 pm
excuse me excuse me..
MAY 2??
kaarawan ko un!!
weeeee…
[Reply]
March 29th, 2008 at 12:00 am
dala ko yung laptop. kaso taragis 600 pesos yung 30 minutes kaya naghanap ako sa labas! bwahaha.
[Reply]
March 29th, 2008 at 1:48 am
libre libre ba? san outing? hahaha
[Reply]
March 29th, 2008 at 2:50 pm
wooohooo! iboto! libre namna jan!
[Reply]
March 30th, 2008 at 11:05 am
weh. napasign up ako sa candy. akala ko kailangan pang lagyan ng impormasyon yungmga closet at kung ano anong pampalandi dun. kamangmang ko talaga. erk. pwede ka na din kumandidato xienah
[Reply]
March 31st, 2008 at 3:07 am
tsk tsk.. xG.. sa totoo lang.. matagal ko nang pinapangarap magkaroon ng lappie.. pero dahil mabait ako.. geh.. sayo na..
<n_n;
[Reply]
April 4th, 2008 at 2:02 pm
huwaw, laptop. Wala atang lumipas na araw na hindi kami nagkabiruan ng mga kagrupo ko na bumili na kami ng laptop para magamit. Laking ginhawa kasi, haaay. Isa sa mga bibilin ko kapag nagkatrabaho na ako, hehe:)
[Reply]