Sunday

kamusta na tayo? oo tama ka, tayo–ikaw at ako. matagal na kitang di nakakausap ng matino. hindi na tayo nakakapagusap ng normal, yung tipong nagbabangayan na parang aso at pusa hanggang sa magkasakitan ng damdamin, magkayurakan ng puri at magkabasagan ng pagkatao. ganun tayo–noon, pero ano na ang nangyari sa atin?

hindi ko alam kung mababasa mo itong sulat ko, pero itutuloy ko pa rin. yung lathala ko nga [noon] na tungkol sa iyo nabasa mo, ito pa kaya? hindi ko nga pala naipaalam sa iyo na datkomista na ako pero sigurado ako na nabalitaan mo na ang tungkol dito. dinadala ka talaga ng tadhana patungo sa akin–patungo sa puso ko.

alam mo ba nung sinabi sa akin na magdadatkomista na ako, ikaw kaagad ang pumasok sa isip ko? gustong gusto mo ako maging datkomista, di mo lang pinapahalata. naisip ko nga baka shy type ka lang–pademure, para itago sa akin ang tungkol sa nadarama mo pero alam ko ipinagmamalaki mo ako. marami sana akong gusto itanong sa iyo–tungkol sa mga bagay sa pagiging datkomista dahil gusto ko kabahagi kita sa kung ano ang mararating ko. kaya lang nahihiya talaga ako kasi alam ko na abala ka sa buhay mo ngayon.

alam mo ba na magdadalawang taon na kitang hinahangaan? magdadalawang taon na kitang kras. nagsisimula pa lang ang karera ko sa paglalathala, hinahangaan na talaga kita. hindi naman sa nabubulagan ako ng dahil sa paghanga ko sa iyo pero nakikita ko talaga na mabuti kang tao. kahit minsan inaangasan at tinatarayan mo ako, alam ko naman na paraan mo lang yun para makuha ang atensiyon ko.

akala ko malandi ako, pero ang totoo mas malandi ka pala. naisip ko, ang kalandian mo ang naging dahilan kung paano ka nangyari sa buhay ko. isa yun sa mga masasayang alaala ng pagiging blogista ko. noon nga, nagtataka yung tatay ko kasi babae yung aso namin pero isinunod ko ang pangalan niya sa iyo. doon nga din sa slum book ng tropa ko, isinusulat ko kaagad ang pangalan mo sa patlang katabi ng katanungan na who is your crush. nakakapanghinayang nga lang. maraming katanungan ang nasasagot ng mas madami pang katanungan na naging dahilan kung bakit mas nagiging kumplikado para sa atin ang mga bagay.

gusto ko nga pala na humingi ng pasensiya dahil sa hindi ko pagimbita sa iyo sa pagdiriwang na gaganapin para sa nalalapit kong kaarawan. pakiramdam ko kasi wala naman akong halaga sa iyo–hindi mo nga alam na hehep hep hurray happy birthday ko na. ayos lang, hindi ko rin naman natatandaan ang petsa kung kelan ang kapanganakan mo. gayunpaman, natutuwa at nagagalak ako at ipinanganak ang isang suplado at wirdo na tulad mo sa buhay ko.

isa pa nga palang dahilan kaya di kita maiimbita ay sa kadahilanang baka matorpe ako sa harapan mo. hindi ako ipinanganak para kausapin ng normal ang mga taong hinahangaan ko. hindi ko alam kung paano kikilos kapag malapit ka sa akin. nagiinit ang pisngi ko at lumalamig ang kamay ko sa tuwing naiisip ko na magkatabi tayo. baka nga titigan lang kita ng matagal pero siyempre ayaw ko na matunaw ka at mawala ka sa buhay ko kaya mas makakabuti na manatili ka na lang sa kinalalagyan mo. sa malayo, kung saan malaya ako na humahanga sa iyo.

hindi ko alam kung napapansin mo ako o nagiinarte ka lang na hindi dahil nga nagkukunwa-kunwarian kang suplado. wala kang karapatan dahil di ka naman gwapo para magsuplado ng ganyan. ayos lang, yun nga yung nagustuhan ko sa iyo. hindi maitatanggi ng mga tao ang nalalaman nila tungkol sa nararamdaman mo para sa akin. balita ko kasi kras mo rin ako. naisip ko tuloy, paano kaya kung boyps kita? kilala mo ako misterE, ambisyosa ako. sa palagay ko nakakatuwa yun. masayang makita na tayo. paano mo kaya ako liligawan? baka nga di na ako magpaligaw dahil ako na lang ang manliligaw sa iyo.

aaminin ko, dati nalito ako sa kung ano ang meron tayo na ako lang ang may alam. kala ko noon lab kita, mabuti na lang pala hindi–talagang kras lang ang nadarama ko para sa iyo. kasi naman yung mga tao sa paligid natin tinutukso tayo, ayan tuloy nilagyan ko ng malisya tayong dalawa. pero mabuti na lang matalinong bata ako. hindi ako basta basta nagpapadala sa buyo ng iba. naniniwala naman ako na mas matalino ka sa akin, pero nagpabuyo ka rin. tsk. tsk. tsk.

ikaw talaga misterE–akalain mong mas sikat ka pa kaysa sa akin? isa kang malaking misteryo na mismong buong sangkablogosperyuhan gustong mabunyag. ang daming mga tsismosong kapitbahay ang nakikibalita sa kung ano na nangyayari sa iyo, sa kung ano na ang nangyayari sa ating dalawa. madaming inggiterong lalake ang gustong kumuha at pumalit sa posisyon mo–ang pagiging kaisaisahang blogger kras ko. ikaw? hindi mo na kailangan pang sumubok pa. sayang nga lang dahil hindi mo naman alam kung paano papahalagahan ang kung ano mang paghanga ang meron ako para sa iyo.

ipinapangako ko na kasabay ng pagwawakas ng liham na ito ay ang pagbubukas naman ng isang panibagong yugto para sa ating dalawa. hanggang sa muling pagsasalubong ng landas misterE, hanggang sa muli.

ikaw pa rin ang espesyal na payaso ko
ikaw pa rin ang espesyal na payaso ko



20 Comments»

    Noime
    Sunday at 6:24 pm

    Ayokong makilala si MisterE, naalala ko kais yung sinabi mo na kapag nakilala namin siya ibig sabihin tapos ka na sa blogosphere. hehe. kaya ayun. Haha. Hindi ko na tatanungin kung sino ba siya kasi mas gusto ko na di ko siya kilala kesa wala ka. :|

    kapag may isang nakakilala kay misterE–goodbye xienahgirl na ang drama ko. haha. wala na lang magtatanong kung sino siya.

    [reply to this comment]



    FB
    Sunday at 6:27 pm

    ayiiheee!

    napakachever nito..

    “Ikaw pa rin ang espesyal na payaso ko”

    ano kaya magiging reaksyon ni SMB pag nabasa nya to…

    ABANGAN…

    hahahahaha

    guto kong makita sina Mr.E at SMB na nagsusuntukan.. ang saya non.. haha..

    FB=ADIK!

    saka na ko magkokomento ng matino.. rereview muna ako para sa exams ko.. :D

    nagseselos si somemaleblogger kay misterE dahil kahit siya hindi niya alam kung sino. haha. sa palagay ko hindi sila magsusuntukan. mababit yung mga yun e. baka ako lang ang nanununtok. hahaha. aral ka nga muna. gege.

    [reply to this comment]



    Mariano
    Sunday at 9:58 pm

    Tsk tsk tsk, napakasinsero ng sulat na ito. Damang-dama ko ang paglalantad ng damdamin at paglalahad ng saloobing kakilig-kilig.

    misterE, kung sino ka man, dyan ka lang at wag ka na lang gagalaw. Unahin na lang muna natin si SMB, haha.

    Iba ang epekto ng sulat na ito, parang MMK ang tono eh.

    sinsero ba? e ginago ko lang ito kasi alam ko na babasahin ni misterE. haha. oo tama. kung nasan man siya dun na lang siya at unahin na lang si somemaleblogger. mmk? sus. malayo naman sa kwentong buhay ang liham na ito dahil kras letter lang ang ginawa ko.

    [reply to this comment]



    Abad
    Sunday at 10:21 pm

    aww. ayos sa lakas ng loob x. ito na ang katuparan ng prediksyon ko. tingin mo?

    sus. ito ang paraan ko ng paglalathala–sinasabi ko ang nadarama ko at kung ano ang nasa utak ko. hindi malakas ang loob ko dahil sadyang nasanay lang ako na malayang pakapagpadama. akshuli ibang bloggers yung tumupad dun sa prediksiyon mo e. hindi ako. haha. meron akong nalaman kung sino

    [reply to this comment]



    mia
    Sunday at 10:49 pm

    sadyang nadarama ko ang mga bawat letra sa sulat mo..

    mister e, kahit hindi kita kilala! crush ka daw ni xienah! :)

    misterE sabi ni mia kras daw kita.

    [reply to this comment]



    loudcloud
    Sunday at 11:22 pm

    bangag na lang yang si misterE pag di siya nalusaw diyan sa letter na yan. nagsusuplado di naman kamo gwapo. i post mo nga yung pic niya ng mahanting tapos masapak. hehe.

    this letter is what i mean when i say there is that vast reserves of undeclared talent about chiksilog. even in her most tender moment she still manages to breath a dose of humor, and even her most off-hand observations and madcap way of saying things cut you in that deeply personal way.

    she gets into your head, that’s why you get addicted to her prose.

    anything this delicious should be declared illegal!

    p.s. bangag ka pa rin misterE!

    ano daw yung english part ni carmelo? epistaxis. di siya pwede pa malusaw kasi kapag nangyari yun e magdiriwang ang sangkalalakihan. haha. oo di naman gwapo yun e. haha. panget siya akshuli. picture? meron siya sa site niya. dun pagulpi mo pwedeng pwede. haha. undeclared talent? dancing lang talent ko. kasi naman kung lahat ng bagay seryoso baka hindi na ako manalo sa parapols ni badudels. haha. this is not prose nga diba? this is not blogging. this is typing. haha. i am illegal. havent you read the advertisement? gawwd. watch television. haha. joke. sumasangayon naman ako. bangag talaga si misterE kaya nga kras ko e

    [reply to this comment]



    linglingbells
    Monday at 6:34 am

    wow.. nadama ko ang tunay na paghanga mo kay mister E.. ang swerte naman ni mister E.. :)

    maswerte siya. malas ako. haha

    [reply to this comment]



    lunes
    Monday at 7:12 am

    naku misterE.. kaswerte mo!! kras ka ni diyosa!! kelan ka kaya gagawa ng lathala o sagot sa sulat na ito??hhmmm…

    oi diyosa..bc ka ngaung week??? ako rin…miss na kita..miss ko na kau!!!.. malapit na ang kaarawan!!

    hindi alam ni misterE na maswerte siya–na diyosa na ang may kras sa kanya. tsk tsk tsk. hindi siya sasagot kasi suplado yun e. haha. hindi naman ako abala–naghahanap lang talaga ako ng dahilan para makawala mula sa bahay. malapit na bertdey ko. wooot.

    [reply to this comment]



    ignoramous
    Monday at 12:18 pm

    Wala akong masabi diyosa..

    Puwede ba magtanong?

    Have you seen my childhood?

    lagi ka namang walang masabi e. ngenge ka. haha. i never saw your childhood for i was a fetus back then. haha

    [reply to this comment]



    Hener
    Monday at 6:19 pm

    AMP! Sino ba yang misterE na yan ah!? Umamin ka na kasi! Si ano ba yan….?

    hindi ako pwede umamin pero parang alam mo na yata. pakiramdam ko. haha

    [reply to this comment]



    gyk
    Monday at 10:39 pm

    akala ko malandi ako, pero ang totoo mas malandi ka pala.

    sino kaya si misterE? hmmm.

    kylan birthday mo ate? di ako invited? hehehe

    walang nakakakilala kay misterE kahit isa. haha. pero may mga hinahinala na yung mga tao at parang totoo. gawwwd. haha. kabertdey ko si KC concepcion. bongga diba? makikisawsaw ako sa party niya. kaya lang mukhang sa ampunan siya magpaparty. haha

    [reply to this comment]



    coldman
    Tuesday at 1:40 pm

    isa bang imahinasyon si Mr E.?

    ayaw mo ba si Mr. C ?

    Hahaha!

    einubeh. kala mo may delusion ako? haha. ayaw ko kay mister c. sus naman yan.

    [reply to this comment]



    krisjasper
    Tuesday at 4:09 pm

    Mister E…

    sino kaya yan? ang alam ko dati eh si Master E…

    sikreto ng mga gwapo.

    alam ko rin yung master E hahaha. hindi gwapo si misterE. panget siya. haha

    [reply to this comment]



    ignoramous
    Tuesday at 5:23 pm

    The next best thing since Paul’s letter to the romans. Very powerful!

    ewan ko sa iyo igno. hahaha

    [reply to this comment]



    mia
    Wednesday at 1:41 am

    misterE sabi ni mia kras daw kita. -xG

    o gulay bakit mo pinasa sakin ang pagkacras mo saknya?hehehe

    di ko pinasa sa iyo. sabi ko sa kanya na sabi mo na kras ko siya.

    [reply to this comment]



    lunes
    Wednesday at 2:02 am

    oi X..gusto ko lang magcomment!! ahaha..

    install mo na YM mo!!!..

    kapag nagkalappie ako e saka pa lang ako magYm

    [reply to this comment]



    Ayiene
    Wednesday at 9:46 am

    Ako gusto ko makilala si MisterE. Pati na rin yung topic natin sa sibaks kahapon.

    Ang misteryoso talaga ni MisterE. :P Wooots, hiya effect ka pa ate X, dapat nagpatulong ka rin sa kanya sa pagtatayo ng datkom. Pero bakit MisterE? bakit hindi MisterA, B , C, F, G…Z?

    PS. Hawig tayo ng penmanship. :)
    PPS. Mahal ko na ang pangalang Ginger.

    si misterE na lang wag na yung si topic natin. haha. oo nahihiya ako sa kanya–torpe ako sa kanya e. gusto ko magpatulong kaso abala nga siya masyado sa buhay niya. kaya nga kasi MisterE kasi nga mysterY. get? get? aww. hawig ba tayo ng penmanship? abay kung ganun maganda tayo. at iyo na ang ginger na pangalan para sa cbox.

    [reply to this comment]



    popoy
    Wednesday at 4:00 pm

    awwwwwwwhhhhhh…

    XIENAH, emo na naman???!!!!

    Okey lang yan…
    buhay pa naman si Mr.E..
    masama nun kung patay na xa at crush mo pa din sya haggang ngayon hehehe. hala baka mabasa to ni mr.e lagot ako dun hehehe :)

    emo naman ako palagi. buhay na buhay si misterE. hindi masama magkakras kay rico yan. haha. lagot ka kay misterE gusto mo na siya mamatay.

    [reply to this comment]



    vera
    Wednesday at 11:00 pm

    sadyang kay drama naman. gang ngayon na iintriga ako sa inyo.

    sabi nga ng kaibigan kong hiphap

    “DAYM, I FEEL YA GUUURL!”

    wassap ma homie? haha. maintrigang nilalang talaga ako. gotta bounce. wanna roll wit me?

    [reply to this comment]



    arvin
    Monday at 9:57 pm

    Naaalala ko yung sinabi mo sa akin dati. Na mas tatagal ang sayang nararamdamn kung itatago mo ang kanyang dahilan. Kaya sige, tago mo lang siya dyan sa puso mo.

    Isang crush post. Tagal ko na ring hindi gumawa ng ganito, hehe. Hmmm, makaisip nga.

    ako ba nagsabi nun? nasabi ko ba yun? akalain mong kowtabol kowts na pala ako. ahaha. totoo naman yun e. hanggat di mo siya sinasabi andon lang sa puso mo mas tatagal yung kaligayahan. osige gumawa ka ng kras entry. aabangan namin yan.

    [reply to this comment]



Leave a comment