empermera sa mata ni jojitah
wala akong kamalay malay na nanalo na pala ako sa blogtsina of the month awards ni jojitah. alam ko, walang ibang taong makapagkukwento ng tungkol sa Empermera kundi ako lang din pero mas interesado ako na malaman ang pananaw at tingin ng iba sa kung ano nga ba ang epekto ng Empermera sa kanila.
ang susunod na mababasa ninyo ay ang ginawang pagsusuri ni jojitah sa Empermera:
[start]
Hirap na Hirap akong gawan ng rebyu ang CHIKSILOG dahil madami ang nageexpect na mabigyan ko ng hustisya kung gaano kagaling na blogistatsina si xienahgirl. Pero naisip ko bakit ba ang pagbabasehan ko ay ang magiging expectation ng pans ni xienah na humihithit ng vetsin? Keri na, kahit medyo kinakabahan ako na baka kidnapin nila ako pag hindi sila nasiyahan at kunin ang atay at balun-balunan ko at ipakain sa askal. Bahala na! Nagpapray naman ako once a month.
Hindi alam ni xienah na matagal na akong lurker ng blog niya, although hindi ko naman masasabi na nakuha ko din humithit ng vetsin kalaunan e hindi ko naman nakakalimutan dumaan sa balay niya para tumikim hindi ng pinya kundi ng mainit-init at greaseless pa na talak ni xienah.
Ang totoo naiintimidate ako sa personalidad ni xienah. Hindi dahil insecure ako kundi dahil malakas talaga ang dating ni xienah. Hindi ko alam kung anong dating yun, basta malakas ang dating. Pero nito-nito lang nung sinubukan ko magparamdam, at kalaunan naging hilaw na kumare ko nadin. Hindi ko naman naramdaman na nagpaplastikan kami kasi hindi naman compulsory ang magdalawan kami sa kanya-kanya naming mga balay. Basta wala lang. Yun wala lang.
May sense ba ako? Hayaan niyo na para naman magmukhang mahaba ang rebyu na ito.
CHIKSILOG
Author: Xienah
Blogging Since: 2006 [di sure]
Writing Style: di din ako sure
Civil Status: di ako sure ulit
Citizenship: Pinay ata [di pa din sure]
LAYOUT. Kahit ipinagkakalat ni xienah na walang kwenta daw ang mga layout niya, hindi yun totoo, konti lang. echos! Ang totoo cute na cute ako sa mga layouts niya. Ano nga sabi nila simple pero rock? Eeeewww… Pero nadidisturb ako sa sisiw feeling ko kasi may namatay at nangangailangan ng katarungan. Pero pinalitan na niya yun at sinaksak na itlog na puti naman. Naisip ko bakit kaya hindi pula yung itlog na sinaksak. Wala lang. Paborito ko kasi ang itlog na pula.
CHOVARLOOS. Aliw ako sa tagboard ng chiksilog, kahit na hindi ako madalas mag-iwan ng mensahe dun dahil sa dami ng pans ni xienah hindi ko na masundan ang topic sa dami ng tumatambay sa balay niya. Gusto ko din yung twitter kahit hindi ako masyadong fan ng twitter. Wala lang. Kapansin-pansin din na konti lang ang nasa blogroll ng chiksilog, ibig sabihin pihikan si xienah. May taste si xienah kasi nasa blogroll niya ko. LOL! Wala lang, maisingit lang.
PUNTO POR PUNTO
~ Walang effort sa pagpapatawa, although ang sabi niya hindi naman talaga siya nagpapatawa. Pero feeling ko sabi niya lang yun. Nagpapatawa talaga siya.
~ Malalim managalog si xienah isa lang ang ibig sabihin nun, best in Filipino siya. Nyenye… oo na, korni.
~ Sarcasm yata ang inaalmusal niya sa umaga, pero charming naman ang dating kaya keri lang.
~ Marami ang nagkakakras kay xienah. Basta madami, feeling ko lang din. Pero damang-dama ko ang pagka-kras niya talaga kay Mr.E. Yiheee…
~ Sabi niya malandi siya, feeling ko ulit hindi naman. Press release niya lang din yun.
~ Ang tagumpay ng chiksilog ay ang misteryo sa kung anumang misteryo ni xienahgirl. Wag niyo kong tanungin kung ano yun, misteryo nga e.
~ Articulate si xienah at inggit na inggit ako. Alam mo kasing pag binasa mo ang “lathala” niya may direksiyones. Pinag-isipan. May art, hindi kagaya ng iba diyan na puro lang arte. Hindi kayo ang pinariringgan ko ang sarili ko.
~ Addictive. Feeling ko sobrang daming vetsin ang blogtsina ni xienah kaya ang tawag ko sa pans ni xienah ay mga nakahithit ng vetsin.
~ Palagay ko apo siya sa tuhod ni madam auring dahil alam na niya ang sikreto nating lahat. wahahahaha! Ang korni ko diba? Buti pa si xienah hindi.
PANGHULING TALAK
Halo ang damdamin ko na si xienah ang bwena mano kong blog rebyu. May takot, inis, agam-agam, kaba, saya, excitement, pasma, rayuma at kung ano-ano pa. Rebyu para sa isang ekstra ordinaryong blogeratsina mula sa isang tralalang blogera loka. Kailangan ko pa ba ieksplain?
Kung susumahin naman hindi naman talaga mahirap ipaliwanang si xienah, isa na rin siguro sa malaking tagumpay ng CHIKSILOG ang pagiging katulad din niya sa atin. Mas kaya lang laruin ni xienah ang mga salita kumbaga sa cook magaling lang siya magtimpla at isa yung talent. Sabi ko na talentada si xienah.
Sana nabigyan ko kahit papano ng hustisya ang CHIKSILOG, kung hindi you may appeal in the Court of Appeals.
Panghuli, CONGRATULATIONS sa CHIKSILOG sa pagpasok sa nakakalokang mundo ng dot com. Oh yeah.. Oh yeah… Magpugay kay xienah at dalawin siya sa kanyang bagong balay.
PAHABOL
Sa mga nagexpect na maglabas ako ng picture ni xienah, sorry to disappoint you guys. Hindi ako namimilit sa mga ayaw magpakita. Kung kailan na lang niya gustong lumantad hayaan na lang natin siya. Basta isa ang paniniwala ko, pareho kaming diyosa ni xienah. Echos!!!!
[end]
abangan niyo sa susunod kong lathala ang sagot na gagawin ko sa masusing pagsusuri na ginawa ni jojitah








March 15th, 2008 at 6:44 pm
mabuhay si xienah!!!
(halatang hindi nagbasa sa comment noh?)
[Reply]
March 15th, 2008 at 7:05 pm
mabuhay nga si ate xienah.
*effortless nga ang pagpapatawa nia.
*sikat na sikat ang tagboard nia. parang ginawa talagang chatroom ang cbox nia.
* kick-ass talaga mga layout ni ate xienah
* i luv ate xienah! wohooo!
[Reply]
March 15th, 2008 at 7:28 pm
Tumpak ang rebyu ke XG! Natumbok mo jojitah!
[Reply]
March 15th, 2008 at 9:23 pm
tama.. malakas talaga ang dating mo.. kaya nga kras kita dati.. weeee! :D
[Reply]
March 15th, 2008 at 10:08 pm
Xienahgirl will be Xienahgirl.
Wala ng tatalo. Effortless sa pagpapatawa. Mageexceed yata bandwidth ng site na to dahil minuminuto ko tong binibisita, at I’m sure pati na rin ang iba.
Sa tagboard ni Ate X ako humanga. Aba kagabi lang kausap ko si Mr_d kasi ayaw niyang maniwalang nasa set ako ng live na reception ng Marimar. Aba, wifi dun, sarap mag-internet. Tinanong pa ako ni mr_d kung artista daw ako,aba’y oo.
Ayan, ate x, may kaibigan ka ng artista, ako yun! HAHA. Hayop, kapal ng apog ko. HAH. Bakit ba kasi napunta si marimar sa comment na to?
Ewan ko ba. May something kay Bb. X na nakakapangakit ng madlang people. Nakakainis, para bang drugs? HAHA. Ayuuun. Aylavyuu ate x! :D
[Reply]
March 15th, 2008 at 10:26 pm
kung bakit kasi di alam ang civil status?
[Reply]
March 15th, 2008 at 11:02 pm
dahil sa tagboard ni xienah, nakilala ko ang greatest tropa ever sa blogosperyo! :) apir!
[Reply]
March 15th, 2008 at 11:46 pm
di na kita kras ngayon kase i adore you na.. hehehe.. :D
[Reply]
March 16th, 2008 at 2:25 am
napansin kong dumalaw ka sa aking blagag. wow. totoo ka pala. hehe. biro lang. oo. nilink kita sa multiply kasi mas madalas ako dun. eh i want to share your witty writing style (ayan may style ka na)
at syempre. idol kita. original chismis girl ever.
[Reply]
March 16th, 2008 at 7:59 am
mare mare…congrats..maya maya magkokoment uli ako..di ko pa kasi nababasa lahat…wehhehe…late na ako sa pasok ko ngaun…gusto ko lang makasali sa comments!!
congrats congrats…tsktsk..galing tlaga…
[Reply]
March 16th, 2008 at 11:21 am
Ang empermera ay hindi nabibili ng pera
Wala ng cocontra at di na ito bagong balita
Kung tatanungin ako kung ano ang empermera
Einubehnemenyen ah,
Edi xienah mclovin’
*bow*
[Reply]
March 16th, 2008 at 12:24 pm
bat si Gyk may piktyur saka si ayiene.. bat ako wala.. bat manok lang… pano ba to? hmmm.. kelangan kong matuto nito..
plugin na naman ba to? hehehe…
i adore you nga eh kase Ikaw ang dyosa ko..
eto nga’t nakaluhod na ko.. gusto mo halikan ko pa paa mo.. :D
[Reply]
March 16th, 2008 at 4:04 pm
pwede ba kitang marebyu gamit ang ilong?
[Reply]
March 16th, 2008 at 4:28 pm
Isa ka pa ring dakila at napakamalikhaing bathaluman sa kolokyal na literaturang Pinoy. Kulang na lang, mag-Palanca ka. Lol.
Hayz, nahihirapan akong mag-update. -_- anyway, hindi pa rin ako seryoso sa pag-a-update ko ng blog. Hanggang twitterizationizing muna ko. Pag natapos na ang lahat-lahat, tentereeen… tetetereen…
[Reply]
March 16th, 2008 at 7:24 pm
aba. bongga ka xienah. ^_^
[Reply]
March 16th, 2008 at 9:42 pm
wehehe…nabasa ko na ng buo.. napamahal na si jojitah sau.. satingin ko lang..pero totoo naman ang mga pinagsasabi ni ms.jojitah!
i agree….
nakakmiss ang itlog na nasaksak!wehehe.CONGRATS..
[Reply]
March 16th, 2008 at 11:32 pm
bkit may picture ang comment ng iba? inggetera na naman ako.. haha :)
[Reply]
March 17th, 2008 at 4:46 am
gusto kong magsampa ng apila sa korte suprema! kulang ang hustisya mula sa rebyu ni jojitah!
UNANG-UNA, hindi totoong humihithit ng vetsin ang fans ni xienah. dahil isa ako dun! (makasinghot na nga lang. asan na ba yung ajinomoto?)
PANGALAWANG-PANGALAWA, bakit ang daming hindi pa sure sa basic info ni xienah, like civil status and citizenship?
PANGATLONG-PANGATLO, wala naman yatang Mister-Yo si Xienah. Mister-E, meron.
PANG-APAT, naubusan na ako ng irereklamo. hihintayin ko na lang mailathala ang tugon mismo ni xienah ukol sa rebyung ito.
(yehey! may piktyur ang comment ko. adik!) n_n
[Reply]
March 17th, 2008 at 7:41 pm
naku jojitah, ang dami ng fans ng chiksilog na mag-aapila.. parating na ang subpoena sa bahay mo… lagot ka! hehehehe!!! joke lang.. inpeyrness naman, madami namang nasabi si jojitah.. inpeyrness..
[Reply]
March 17th, 2008 at 10:36 pm
kala ko isasagot mo..
I dont need to be adored. I need to be loved (mula sa pelikulang If Only)
hahahaha
o sige na nga.. kras pa rin kita.. yan okay?
hahahaha :D
[Reply]
March 18th, 2008 at 5:57 am
Empermera sa mata ni Jojitah eh nabasa mo na.
Eh yung Chiksilog at Empermera sa mata ni Mariano? Mahalaga kaya yun sayo? Echos.
Ang isa lang sa mga nakakalungkot nung panahon na yun eh wala ang victory pose mo nung nanalo ka.
Pero syempre di na ako magtataka. Mag-aantay na lang ako ng tamang pagkakataon para makita ko ang pinakahihintay na item na yun.
Bat ang haba ng comment ko? Ewan ko.
Basta eto ang Empermera sa mata ni Mariano
-> Patok i-back read
-> Mainam na pampalipas ng kasipagan
-> Sibaks ng bayan
-> Lahat ng tambay dito sikat, pwera ako
-> Pinakapanalo sa lahat yung owner ng website
[Reply]
March 18th, 2008 at 10:06 am
hala xienah nahuli ako magpost ng comment. naks.. ang lupet mo talaga. may review review ka na from other blogger :) parang CD ah may review ?? hehehe. :) u deserve it. *applause* CONGRATS!!!! :)
[Reply]
March 18th, 2008 at 3:01 pm
@xienah. cge bibili ako ng CD. san ba yan ibebenta?? sa NORTHMALL sa monumento??? hehehe :) piz!!!
[Reply]
March 18th, 2008 at 4:45 pm
kahapon ko pa tsinetsek kung panu mag leave ng comment…
eto lang naman comment ko…
Congrats!
[Reply]
March 18th, 2008 at 5:48 pm
empermera yata ang matimbang sa akin dahil:
> and empermera nagturo sa akin magtagalog. sa pagsulat ng blog, sa pag chat, empermera yung pinoy thesaurus ko. nalaman ko dito ang chorva, dugyutin, korash and by extension yung tikol. hahaha.
> ang empermera ang portal ko sa pagkakilala sa mas maraming magaling na bloggers sa blogroll niya.
> ang empermera walang password protected entry at hidden cbox (ARGH!)
> ang empermera is my prescription to escape undiluted boredom. it never fails to crack me up kahit ayaw aminin ng may ari na fine-tuned ang sense of humor niya.
> ang empermera ay hindi made up character. my depth siya. pag nagbabasa ka sa blog niya feeling mo katabi mo lang siya nakipaghagikhikan sayo.
> love ng empermera ang mcdo kaya nanakawin ko ang tagline ng mcdo to describe empermera: ‘love ko to!”
[Reply]
March 18th, 2008 at 11:09 pm
sabi ko “and by extension yung tikol” hindi ko naman nalaman yang word na yan kung hindi ako napadpad sa blog ni badoods dahil prinomote at ni-link mo yung laffapalooza project niya. kakasuya yang password protected chorva na yan. dagukan ko yan si mr wordpress!
di ako takot sa mumu. takot ako kay madam auring.
oops, mali. finger lickin’ good pala hindi love ko to. hmm. hahahaha.
btw, i hope magaling ka na. even goddesses get the flu? news ito sakin ah.
[Reply]
March 20th, 2008 at 1:44 am
mahal ka na ata ni jojitah :)
[Reply]