part 4: datkomista
hindi ko alam ang mga tamang salita na magsisilbing susi sa pagbubukas ng lathalang ito para sa bagong yugto ng aking buhay blogista. sadyang matumal ang huli ko sa karagatan ng mga kataga gamit ang aking lambat kaya marapatin ninyo na banggitin ko ng buong galak ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng mga salitang:
materpakiningsiyetnes. kurash. datkomistanaketchiwa.
tamang pagkakamali ang naganap sa pagsasara ng Empermera at seyosong biro naman ang sa pagbubukas ng Chiksilog. ang timing nga naman, kahit kailan–laging tama sa oras. kaya heto, atrasado ang unang lathala sa datkom dahil sa hindi mabilang na aberya na resulta yata ng maling pagkaka feng shui sa mukha ko o baka naman dahil sa dali dali kong nilunok ang buddha beads imbes na nginuya muna.
para patayin ang oras sa paghihintay ng hindi ko naman alam kung ano ang darating, minabuti kong humingi na lamang ng pahintulot mula sa mga bathalumang sinasamba ninyo na ipunin ang lahat ng salamat sa mundo para buong pusong ialay sa mga mahahalagang tao na naging kabahagi ng pagbabagong anyo ng Chiksilog.
una, kay FerBert sa pagpapatotoo niya sa kanyang pagiging tunay na lalake sa pamamagitan ng pagtupad sa kanyang binitawang pangako na pagbigay ng datkom. sa ngayon, ito ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. isa itong biyaya mula sa kalangitan–sa mga kaibigan niyang alien na nagbigay sa akin ng pagkakataon na maiangat ng isang baitang ang aking pagiging blogista.
kay Gyk at sa kanyang pagpapasensiya sa tuwing pinipiga ko ang kanyang murang isipan na maglabas ng mga kasagutan mula sa tanong na naguugat sa aking katangahan. sa pagpapakalma sa tuwing naaaligaga ako sa paulit ulit na pagsabog ng datkom.
kay Ayiene sa pagtulong niya sa akin sa pagbuo ng teknikal na bahagi ng Chiksilog. sa pagiging saklay sa pagkakabaldado ng datkom. sa pagiging pasensiyosa sa bawat pagkakapira piraso ng Chiksilog.
kay Aleli, Mia, Mnel at Holy Kamote sa suporta at sa mga magagandang salita na sinasabi nila para ako ay magpatuloy. sa pagpapaalala sa akin na magdala ng matibay na payong imbes na humiling ng ambon sa tuwing may malakas na ulan.
kay Noime at Arvin na patuloy na pagsubaybay at sa walang sawang pagbabasa ng aking mga lathala. mula sa pagiging Superhero na Inaapi patungo sa Xienah: Ang Empermera at ngayon, nalaman na nila ang aking sikreto. sila ang totoong makapagsasabi sa mga pagbabago naganap sa paraan ko ng paglalathala at makapagbubunyag sa pagusbong ko mula sa pagiging taklesa papunta sa pagiging isang diyosang taklesa.
kay willie revillame dahil sa naaalimpungatan ako at nagigising sa hapon sa kanyang shake it to the left, shake it to the right. siya ang dahilan kaya hindi ako ang naging pinakakorning tao sa buong katiepsihan.
kay jason castro, david archuleta, kevjumba, hyun bin, lee dong gun, jo in sung, rico yan, alfred vargas, vhong navarro, enchong dee, dino imperial, jake cuenca at john lloyd cruz sa pagiging gwapo. romantiko. simpatiko.
kay bob ong at eros atalia sa kanilang pagkakaiba.
kay Loud Cloud para sa atensiyon na binibigay niya sa akin. sa lahat ng mga magandang nasabi at sinasabi niya. sa lahat ng ginagawa niyang pagpapapasensiya sa mga katarantaduhan at kalokohan ko. sa pagtuturo sa akin na dapat magpasalamat sa mga papuring pumupuna at sa mga punang pumupuri.
kay Ignoramous na nagtitiwala sa kakayahan ko ng higit pa sa pagtitiwala ko sa sarili ko. sa pagkabilib sa kabababawan ko. sa pagpaparamdam sa akin na espesyal ako. sa pagtitimpi. sa papuri. sa lahat.
kay Mariano na laging sumasalo sa lahat ng kahinaan ko. sa pagtawa sa mga hirit na laos. sa pagiging dahilan ng aking patawa. sa pagkakaroon ng matabang utak. sa pagiging totoong kaibigan. mawawala na silang lahat pero siya nandiyan pa rin–tulugero nga lang.
kay Mr_D na nagsabi na maganda ang puting font color sa puting background. sa tamang pangaaliw. sa saktong kabaliwan. sa pagiging inspirasyon–ang tao na tinitingala ko dahil sa paghanga at nililingon ko dahil sa makulit na pangangalabit sa pagtatanong kung sino ba talaga si misterE.
kay misterE at sa iyong pagiging suplado.
kay Billycoy na kahit masakit sa ulo ang magisip masarap naman sa puso ang magmahal. sa pagiging daddy ni baby. sa pagiging Billycoy ni XienahGirl. sa saktong harutan at landian. sa mga araw na darating na gigising ako na nandiyan siya.
kay Vex na nananatiling mapagbigay sa pagpaparaya sa akin na gumamit ng computer para silipin ang Chiksilog. sa pagbili ng jolly frost blends. sa pagpagpapakilala ng Empermera sa kanyang mga kaklase at guro. sa pagiging pinakamatalinong bobo. sa pagiging isat kalahating boplaks. sa paghirit tungkol hayop na bumabaril.
sa nanay ko sa pagturing sa akin bilang isang matalik na kaibigan. sa pangungunsinti sa aking gabi gabing pagpupuyat. sa pagiging maunawain. sa pagbili sa akin ng buko juice. sa pagiging mapagmahal na ina.
sa tatay ko sa pagtrato niya sa akin bilang kanyang nagiisang prinsesa. sa pagpapakita sa akin na ang pagmamahal ay higit pa sa pagbabayad ng internet connection. sa pagiging mainit na yakap at ngiti sa aking mga labi. sa pagiging tunay na ama.
at higit sa lahat, sa bandang Kamikazee para sa kantang Chiksilog. kung hindi dahil sa kanila, malamang ang pamagat ng blog na ito ay: God Must Have Spent a Little More Time on You.
sa lahat ng hindi ko nabanggit, kayo ang higit na karapat dapat sa ang aking taos pusong pagpapasalamat.
humanda na ang sangkablogosperyuhan dahil ako si XienahGirl at sumasainyo ang Chiksilog.Com








March 25th, 2009 at 7:03 am
i LOOOOOOOOOOOVE David A. he is so cute and talented!!! his voice is amazing
[Reply]