wanna pack?

25 Comments »

kung dati diyaryo, flyers ng mga fastfood chains, brochures ng macro, bills ng kuryente, telepono at tubig ang dumarating sa bahay, ngayon magtataray na ako–package na ang natatanggap ko.

sinabi ko noon na hindi na ako tatanggi sa regalo na ibibigay sa akin. ang lathala na iyon ang naging hudyat ko na tumanggap ng kahit anong mula sa kahit kanino na sinimulan ng datkom ko na mula kay Ferbert hanggang sa nagkasunod-sunod na. birhen pa ako sa aspetong ito ng blogging dahil sa buong diyosa lifetime ko, bukod sa pers taym kong nakatanggap ng package, pers taym ko rin tumanggap mula sa mga online buddies ko na di ko ganap na kakilala. pero keri lang dahil buong puso ko silang itinuturing bilang malapit at tunay kong mga kaibigan. infairness sa akin, hindi ko naman dinaan sila Lunes at Carmelo sa dahas at santong paspasan. hindi sila nagpapadala sa mga ganung istilo dahil kusa na lang silang nabihag at nabilanggo sa taglay kong alindog para makapagboluntrayo na makagpadala sila ng regalo.

walang blogista ang nakakakilala sa akin sa personal at nabibilang sa daliri ni kokey ang mga masuswerteng nilalang na nakakita na sa litrato kong pagkaganda ganda. naging malaking isyu at pagsubok para sa akin ang isugal ang misteryosong katauhan ko para isiwalat ang mas personal na buhay ni xienahgirl sa pamamagitan ng pagbibigay ng address at ng totoo kong pangalan. inaamin ko, pitong daan pitumput pitong libot pitumput pitong daan–putek, basta mahigit sa 777, 777 beses kong pinagisipan kung ibibigay ko ba ang personal na impormasyon ko kina Lunes at Carmelo. malaki na rin ang naipundar kong tiwala sa kanila, sa mga kaibigan ko. alam ko hindi sila gagawa ng kahit anong ikapapahamak ko–sana. isa pa, masama tanggihan ang grasya at hindi maganda ang pakiramdam ng tinatanggihan kaya heto na: ang best packers of the blogosphere.

ang pinadalang package ni Lunes sa akin ay naglalaman ng isang box ng pili nut tarts, honey coated pili nuts at roasted pili nuts. ang daming mani. sa lahat ng patay gutom, ako ang choosy kaya masasabi ko na talagang masarap ang mani ni Lunes–manamis namis at malinamnam lalo na yung honey coated pili nuts, ang sarap dilaan at sipsipin. langit sa labi. kaya naman sana makaulit ako na makatikim ng mga ipapadala ni Lunes.

nakulitan na yata si father god sa amin dahil matapos ang mahigit sa isang buwan na pagnonobena, ang package of the millenium na dapat ay balingtayms ko natanggap–sa wakas, dumating na. ang laman ng paperbag na pinuno ng staple wires? bukod sa resibo ng 3 toblerone bars na nabili sa watsons, sinamahan niya rin ito ng red white black personalized shirts na nakabalot sa itim plastic bag at ang pinakamabangis sa lahat ang the postman cd na hindi ko pa rin napapakinggan hanggang ngayon dahil sa sira ang CD drive namin. angkop na angkop. inalog alog ko nga muna yung itim na plastic bag baka kamo bomba yun at sumabog. mabuti na lang hindi, obyus ba buhay pa ako?

hindi ako makapaniwala na meron akong mga kaibigan na tulad nila. na may mga taong nabubuhay para magbigay ng walang hinihinging kapalit. galing galing. sa sobrang bait nila sana wag muna sila kunin ni father god. ang nararapat para kina Ferbert, Lunes at Carmelo ay higit pa sa salitang salamat. ipinaramdam nila sa akin kung gaano ako kaespesyal at hindi ko ipagpapalit yun sa kahit anong makamundong pagaari. kahit kailan, hindi nasusukat ng materyal na bagay ang pakikipagkaibigan na maaaring pagsaluhan namin habambuhay. kadiri, nagmoment ako.

kaya sa mga blogista na gusto magpadala ng package, gifts, letters, cash, donations, used clothes, canned goods, bigas, toiletries, cellcards–sabihin niyo lang sa akin at ibibigay ko sa inyo yung address ko.

« Previous Entries