retreat. repost. relive.
NAGBALIK AKO.
Ayaw ko sabihing nagbalik ako, dahil mas gugustuhin ko ang mga katagang—-ginanahan ako.
Hindi naman talaga ako nawala para sabihing ‘nagbalik ako’, nandito lang ako pagalagala sa milyong milyong sulok ng blogosphere. Hindi ko rin maaaring sabihin na ‘nalaos ako’ dahil hindi naman talaga ako sumikat tulad ng unang inakala ninyo. Hayaan niyong kunin ko ang pagkakataong ito na buong kagalakan kong ipagmalaki na sa wakas, GINANAHAN NA AKO.
Wala naman talagang malaking pagbabagong naganap sa buhay ko dahil bukod sa napanatili ko ang aking kahusayan sa pagpapahayag, masasabi ko na wala pa ring kupas ang aking kagandahan. Tamang yabang lang. Marami pa ring mga elemento na malamang ay napagsawaan niyo na sa parapnasia ang muli ninyong masisilayan dito sa empermera tulad na lang ng napakasobrangubodngpangitnalayout.
Kung inyong mamarapatin, nais ko sanang hingin ang inyong walang hanggang pagpapakumbaba sa biglaan kong pagkakaroon ng init sa paglalandi pagpapahayag. Nawa’y maging handa tayong lahat sa paglabas ng ideya ko mula sa kahon na natabunan na ng samot saring kung ano man na hindi ko alam ang tawag.
Good News:
Gusto kong humingi ng paumanhin sa mga blogistang napagsabihan kong sa december2007 ako kukuha ng local boards. Nagsinungaling ako. Gayun din sa mga naabalang blogista sa hindi ko pagdalo noong June 9, 2007 blogger meet-up sa MOA dahil bisperas ito ng June2007 Nursing Licensure Exams. Kamusta naman kung kasama ninyo akong magliwaliw tapos bigla kayong nagkaroon ng epistaxis, seizure attack, body malaise at difficulty of breathing sa mga nursing terminologies at board related questions na pinagsasasabi ko? Sapat na yung ako na lang ang makaranas nito.
Mas Good News:
Pumasa ako sa board exams. aR eN na ako. Rakenrol.
Bago ako atakihin ng sakit na kalimot, nais kong ipaabot ang buong puso kong pasasalamat sa mga taong patuloy na nagpupunta at nakikpag exlinks sa parapnasia (kahit botsa na ang site na iyon), gayun din sa mga tao na nagpupunta sa aking friendster profile page (palaisipan sa kanila kung tao ba talaga ako?), sa mga tao na halos pagbantaan ang buhay ko sa pagpilit sa akin na bumalik sa pagiging blogista (heto na ang katuparan ng mga pangarap ninyo), sa mga tao sa Y!M na palaging nanginiintriga dahil sa aking kontrobersiyal na status message, at higit sa lahat ang mga taong katext ko 24/7. (mapapahinga ko na ang hinlalaki ko)–tenchu beri mats.
Ayaw kong burahin sa utak ninyo ang konsepto at markang naiwan ng Super Xienah: Ang Superhero na Inaapi dahil kahit kailan hindi ko yun makakayang tumbasan o higitan. Ngayon, samahan ninyo ako sa pagbubukas ng isang panibagong yugto ng buhay ko. Sa pamamagitan ng site na ito, matutunghayan ninyo ang pagpapakilala ko sa aking sarili, kung saan ako na si Xienah: Ang EMPERMERA.
**unang lathala ng empermera at malamang ay huli na rin
Hello world!
Welcome to WordPress. This is your first post. Edit or delete it, then start blogging!
atsimoktad








